Ang nasa pintuan ay si Mary Grace. Nakangiti siyang bumati sa mga tao sa loob ng apartment. May konting pag-kaway pa siya habang tumitingin sa mga mata ng kanyang dinatnan.

Siya daw ay isang childhood friend ni Jelai. To describe ay sa madaling sabi ay cute. Kahit ako ay maaari ko na sabihin na cute nga siya. Cute lahat sa kanya eh: cute ang maiksing hair style dahil parang anime, cute na fashion sense dahil halos lahat parang mini ang suot niyang criptop at pekpek shorts, cute din pati make up kasi parang bata na pulbo lang at lip gloss, at higit sa lahat ay cute ang kanyang size sa height niyang 4'11", slim na katawan, at light skinned din. (Parang power puff girls lang hahaha)

Pumasok ng apartment yung dalawa. Nakangiti sila na naglalakad papalapit sa mesa pero napansin ko na parang magkaiba ang klase ng ngiti na nasa mga labi nila. Yung kay Mary Grace ay yung ngiti na parang nagpapa-cute lang. Samantalang yung kay Jelai ay yung ngiti na parang may halong excitement. Napansin ko lang naman pero ito ay aking ipinagsang-tabi ko na lang muna. Ibinaba nila ang kanilang mga bag sa isang upuan at tuluyang umupo sa harap ng mesa.

"Grace na lang itawag ninyo sakin.", sabi niya habang umuupo sa tabi ni Ria.

"Hi, Grace. Ako si Mica, ka-work ako ni Jelai. Welcome saming apartment. Wag ikaw mahihiya ha.", pagbati ni Mica sa kanya.

"Thank you, Mica. Ang accurate ng pagkakadescribe sa'yo ni Jelai.", tugon ni Grace.

"Ha? Anong sabi ba ni Jelai tungkol sakin?", tanong ni Mica nang biglaan.

"Ano... Maganda, mabait, accommodating. Yung sa una pa lang ay alam mo na kaagad na cool kasama.", sagot ni Grace.

"O akala mo ida-down kita?", sabat naman ni Jelai. Dugtong pa niya "Hindi ako tulad ng ibang babae na backstabbing na mga frenemy noh. Excuse me."

"Yun naman ang sure ako na hindi mo gagawin sakin.", balik ni Mica. "Kahit sa unang pagkikita pa lang natin eh kita ko na agad sa iyo na loyal friend ikaw.", dugtong pa niya.

"Bet.", tugon ni Jelai. "By the way Grace, ang katabi mo ay si Ria, college student. Pinsan niya si Tintin, student din."

"Hi, Ria. Jamming tayo tonight ha.", sabi ni Grace sa katabi na may pag-kamay pa sa isang paraan na napaka-"dainty".

"Hi. Oo naman. Feel ko nga parang magiging super saya nitong gabi na ito eh.", sagot sa kanya ni Ria.

"Si Tintin ay yung nasa kwarto pa nila at nagbibihis. Eto naman na nasa tapat natin sa table ay si Badong.

"Hi.", wika ulit ni Grace, ngumiti ulit, at bahagyang kumaway kay Badong.


Star-struck.

Nabibighani.

Titig na titig.

Tulala, alaluts.

T.L. Tulo Laway.

Yan ang ilan sa mga swak na swak na deskripsyon ng kung ano ang naging kaganapan kay Badong sa pagkakataong ito. Tinamaan ay sapul sa ngiti nung nagsalita ng simpleng "Hi." with matching kaway-kaway.

May isang minuto lang naman ng katahimikan ang dumaan, pero parang di hamak na mas mahaba pa dun ang pakiramdam ng lahat. Hindi pa din nakakaimik si Badong.

"Oi pre, 'Hi' daw.", pabiri kong sabi kay Badong at tinapik ko siya sa kanyang balikat.

Parang nagising sa isang panaginip etong si Badong. Yung tipong parang naglo-loading muna yung utak bago pa siya nakapag-salita.

"Uhm.... Hi.". mahina niyang pagtugon. May pagka-blanko pa ang kanyang ekspresyon sa mukha nung magsalita.

"At siya naman si One G..", pagpapatuloy ni Jelai habang itinuturo ako kay Grace.

"Hi, One G..", wika sakin ni Grace nang may ngiti at pagkaway din tulad ng kanina lang.

"Hi, Grace.", sagot ko sa kanya nang may ngiti din at konting pag-tango bilang tugon.

"Sya ba?", mahinang tanong ni Grace kay Jelai.

"Oo."

"Ah... Hihihihi.", sagot ni Grace sa mas mahinang boses pa.

Napaisip ako dahil dun sa hiling parte ng naging usapan na iyon ni Grace at Jelai. Hindi din nila napansin na dinig ko ang usapan nila kahit na nagbaba na sila ng volume ng boses nila. Idagdag pa na medyo nababasa ko din ang kanilang sinasabi base sa paggalaw ng kanilang mga labi habang nagsasalita. Naputol ang aking pag-iisip sa kanilang bulungan nang madinig ko ang boses ni Mica.

"Oi Badong, okay ka lang ba? Kanina ka pa walang kibo diyan ah.". tanong ni Mica habang naglalagay sa lamesa ng mga baso at iba pang gamit para sa inuman.

"Ha? Oo. Okay lang ako.", mabilis na imik ni Badong.

"Okay. Tulungan mo ako maghanda ng iinumin. Paki-timpla naman nitong juice o. TY.", utos ni Mica.

Agad namang tumayo si Badong at nagpunta sa kusina. Si Mica naman ay naglalagay sa lamesa ng konting plato at bowl.

Habang abala si Badong at Mica ay patuloy naman ang bulungan ni Grace at Jelai. Si Ria naman ay mukhang may ka-chat sa kanyang celphone na mistulang importanteng bagay ang pinag-uusapan. Malamang ay kaklase or teacher niya.

Ilang saglit lang ang lumipas ay lumabas na ng kwarto si Tintin, nakapambahay na siya. Lumapit siya sa lamesa at umupo sa tabi ni Ria.

"Hi. Start na ba?", tanong ni Tintin. Sa tono ng kanyang boses ay parang uhaw din siya at may dinadalang stress.

"Naghahanda lang si Mica ng ating tatagayin at pulutan. Nasa kusina pa lang.", sagot ni Jelai sa kanya. "Si Grace nga pala"

"Hi!", sabay na pagsambit ni Tintin at Grace sa isa't-isa.

"Hala, sabay! Hihihi."

"Instant sis!!", sabay nilang bulalas na may kasunod na parang irit ng excitement.

Napangiti ako sa pagkakataon na ito. Nakatuwa ang ganun kasi bihira mangyari. Mukhang napansin ito ni Jelai kasi out of the blue ay nagtanong siya sa akin....

"Oi One G., bakit nakangiti ka diyan mag-isa?"

"Natutuwa lang.", marahan kong sagot.

"San?", usisa niya.

"Sa naging reaction ni Tintin at Grace sa isa't-isa."

"Bakit?", tanong ni Jelai na parang imbestigador.

"Wholesome na moment lang. Legit din yung good vibes nila."

"Ahhh..."

Parang may gusto pa na itanong itong si Jelai sa akin. Nag-iisip lang. Bago pa siya makapag-tanong ulit ay inunahan ko na.

"Parang interrogation lang sa police station eto ah, Jelai.", pabiro kong kumento.

"Uy hindi naman. Na-curious lang talaga ako kasi parang ngayon ko lang ikaw nakita na ganun ang itsura.", sagot niya na may defensive na tono.

"Ah. Okay.", eto na lang ang sinabik ko para hindi na humaba ang usapan.

Kaso lang ay...

"Jelai, ano daw yun?", tanong ni Grace.

"Natutuwa daw siya sa inyong dalawa.", sagot niya.

"Talaga? Thank you. Pero bakit?", siyang tanong ni Grace sa akin.

"Kasi nga legit good vibes kayo dun sa nangyari.", inulit kong pagsagot.

"Anong ibig mo sabihin ng 'legit good vibes' ba?, follow up na tanong ni Grace.

Parang interrogation nga ito. Yan ang sumagi sa isip ko sa pagkakataong ito kaya minabuti ko na lang sumagot ng....

"Sabihin na lang natin na ang cute ninyong tingnan kanina."

"Uy, cute daw tayo o....", sabi ni Grace kay Tintin.

At naghagikhikan yung dalawa. May sasabihin pa yata sana itong si Grtace kaso ay naantala dahil dumating si Mica sa mesa, naglapag ng bote ng alak at pulutan. Kasunod nito ay inilapag naman ni Badong ang pitsel ng kanyang tinimplang juice.

"O, andami na ninyong tawa eh hindi pa man lang tayo nag-uumpisang tumagay. Anong meron?", tanong ni Mica habang binubuksan ang unang bote ng alak na iinumin.

"Ano... Cute daw kami ni Grace, sabi ni One G..", sagot sa kanya ni Tintin. At humagikgik ulit.

"Talaga? Okay. Sya, tagay na?", imik ni Mica nang nakangiti pero dinig ko ang ipinag-iba ng tono ng kanyang boses.

"Shot na! PUNO AGAD!!", bulalas ni Jelai.

Kakaiba ang naging takbo ng usapan at mga kaganapan ah. Napaisip na kang ako...

Mahaba-habang inuman ito. 

MikeDAntiThesis Creator

At pumasok na nga si Grace