Alam nyo ba yung kasabihan na "It is what it is, that's life."? Kung hindi pa at ngayon nyo lang napakinggan, ay saang parte ka ng mundo nakatira at na-virgin ka ng katagang yun? O baka naman ganun ka pa ka-bata kaya hindi mo pa man lang nadinig yun kahit minsan. Kung ita-translate natin yun, eto yung isa sa pinakamalapit na kasingkahulugan: "Ganyan talaga ang buhay, parang layp." Sana naman ay napakinig mo na yaan dati pa; o kahit papaano ay naintindihan mo.
May mga kaganapan sa buhay ng tao na sobrang nakakalito at napakakomplikado. Yung halos hindi mo maipaliwanag... Yung wala na talagang mas angkop pa na eksplanasyon kundi yun. Kagaya na lang yung nangyari nung minsang nakatambayan ko si Badong.
Nagpapa-ayos ako ng aking bisikleta nun. Tamang maintenance lang para laging nasa kundisyon ang bike at para laging safe ang ating rides. Nagpapapalinis ako ng brake pads at rotors para sure at swabe ang ating pamemreno. Isa yan sa pinaka-importante sa bike, yang preno. Kasi kahit gaano kaporma, o kabilis, o kamahal ng bike mo ay walang kwenta yan kung hindi mo kakayaning tumigil nang hindi ka nababalian ng buto.
Nasa kalagitnaan ng paglilinis ng pads yung mekaniko nang napadaan si Badong. Nakita niya ako sa bike shop kaya siya lumapit. Madaming beses ko nang nakatambayan etong taong ito. Relaxed na tao sa tipikal na araw, pero nung hapon na yun ay mukhang problemado.
"Oi kuys, anong atin?" mahina niyang tanong.
"Palinis preno lang." sagot ko. "Balita?"
Napabuntong-hininga si Badong sa tanong, malalim at parang walang kabuhay-buhay. Yung parang nalugi sa negosyo. O yung tipong lumabas ang mga alagang numero sa lotto pero hindi siya nakataya nung binola.
"T@n61na naman kasi eh." biglaang imik ni Badong.
"Bakit ba kasi hindi ako tumangkad." dugtong pa niya.
Nagkatinginan na lang kami nung mekaniko. Parehas kami nagulat dahil bigla na lang nagmura yung dumating. Imagine mo, tahimik lang yung paglilinis ng preno tapos may magmumura. At mukhang nagpapa-uyuhan pa kami nung mekaniko kung sino sa amin ang magtatanong kung anong ipinag-mumura nitong si Badong.
Syempre, dahil ako ang nagkukwento, sabihin na lang natin na ako na din yung nagtanong. Inumpisahan ko na lang sa tanong ko na...
"Anong minumula-mulamor mo diyan?"
Parang natigilan si Badong, walang intro intro yung tanong ko eh. Mukhang nag-iisip siya kung ano mismo ang sasabihin. Huminga ulit siya ng malalim... at nagsalita.
"Shot na lang mamaya. Badtrip eh, maglalasing na lang." aniya.
"O sige. Tagay na lang. Iuwi ko muna etong bike ko." sya ko namang sagot. Agree tayo syempre. Alak yung inialok, tapos tambay tayo. 'Matic na yan.
------Maikling komersyal muna------
Kung nagtataka kayo dahil napunta sa inuman ang kwento, ang masasabi ko lang ay ang mga katagang ito:
1. Never trust a man who does not drink. ~Motto yan ng samahan sa baranggay na itinayo ng lolo ko at mga tropa niya;
2. Mas masarap ang alak pag libre. ~lumang kasabihan;
3. (Ayaw ko man maging patalastal ng beer) Drink Responsibly. ~Arkanghel San Miguel.
------end of komersyal------
Nang matapos yung pinapagawa ko sa bike shop, iniuwi ko agad yung bisikleta ko. Nagluto na din ako agad para makakain na. Syempre kailangan ng lamang-tiyan bago tumagay, kasi kung wala ay siguradong hindi makakadami dahil maagang mati-tipsy. Nang makaluto ay dali-dali akong kumain ng hapunan. Naligo na din pagkatapos (para talagang presko at handa sa inuman). Nagbihis ako ng uniform na pang-tambay: t-shirt at shorts (ano pa?) at kara-karaka ay lumabas papunta sa tindahan ni Tita Tita.
Pagdating ko ng tindahan ay nandun na si Badong, nag-uumpisa na ang tagay. May tatlo pang ibang naka-upo, nagpapaikot ng baso, at syempre ay nagpapa-ilaw ng Empraning-Light. Meron din sa lamesa na kaunting maanghang na chichirya, at syempre may nagpapa-usok na ng yosi. Pambugaw daw ng lamok.
"SHOT NA AGAD KUYA ONE-G! T@N61na TALAGA!!!." pasigaw na banggit ni Badong nung makita ako, sabay abot sa akin ng punong shot glass at isang baso ng chaser.
Kinuha ko yung iniabot sa akin at tumagay. Sarap ng hagod. Pagkatagay ay iniabot ko yung shot glass at baso ng chaser sa tanggero, dumampot ako ng pulutan, at umupo.
"Anong minumula-mulamor mo kanina at nakapag-painom ka ata ng wala sa oras?" tanong ko nang makaupo na.
Ang sumagot ay yung tanggero, "Basted yan, kaya ganyan. Ganyan talaga buhay pre." sabay tawa.
Parang nainis lalo si Badong dahil sa narinig. Napasiring siya at parang bumebwelo. Sa tunay ay akala ko nun ay susuntukin niya yung tanggero. Pero yung bwelo pala ay para sa napakaraming kwento ng pagkasawi sa mga nililigawan niya. Hindi ko na mabilang kung ilan yung naikwento, pero iisa ang tema kung bakit siya basted. Yun ay ang kadahilanan na siya, sa madaling sabi, ay kinulang sa height.
Sa isang banda ay tunay naman nga yun. Sa height na 5ft 3in, pati nga mga tao sa baranggay ay ganun ang opinion kay Badong. Madidinig mo yung mga sabi-sabi ng mga nakakatandang babae sa paligid...
"Kasayang niyang si Badong, may itsura naman kaso ay kinulang sa tangkad."
"Kapanghinayang, ayos na lahat eh... bahagya nga laang umangat sa lupa."
"Pogi na sana kaso ay gaga-sibuyas."
Nasa ganyang linyahan ang mga pinagsasasabi, lalo na ng mga ka-maritesan, kapag si Badong na ang pinag-uusapan. Isa yaan sa mga maiibigay ko na pagdating sa pagbibigay ng kritisismo, mas malala at mas mapanakit magsabi ng kapulaan ang mga babae kaysa sa mga lalake. Bakit ko nasabi yun kamo? Kasi matinding kantyawan ang bibitawan ng mga lalake pero hanggang kantyaw lang yun. Ang mga babae, alam mong lehitimo na yun talaga ang kanilang tingin. At walang preno preno yang mga yan. Nakakatawa lang ang reaksyon nila pag sila na yung binibigyang kritisismo. Kung makareklamo at maka-simangot ay parang hindi pwedeng pulaan eh.
"Alak pa. Gusto ko talaga mag-lasing ngayon! Bad trip talaga eh!" bungad ulit ni Badong.
"Taena kasi, lagi na lang ganun. Wala naman akong magagawa, di ba?" dugtong niya
Alam ko kung ano mismo tinutukoy niya. Yun ay yung mga rejections ng babae sa kanya dahil sa kanyang height. Sa isang banda naman nga ay may impluwensya iyon sa pagdedesisyon ng babae kung magugustuhan ka o hindi. Pero hindi yun lang ang nakakaimpluwensya dun. Maraming bagay pa. Sa kung paano ka tumindig pa lamang ay may ma-i-improve ka na. Idagdag mo pa yung persepsyon mo sa buhay at kung paano mo dalahin ang iyong sarili.
"Gusto mo ba malaman kung paano maging interesado sa iyo ang mga babae?", rektahan kong tanong.
Natigilan lahat ng nag-iinom sa kanilang nadinig. Sino ba namang lalake ang hindi maiintriga sa ganung klase ng tanong, lalo pa at nasa inuman. Maalin lang sa matinong impormasyon yun o malaking kalokohan.
"Tunay ba yan kuys One-G? Baka kagaguhan lang yan. Ikaw nagsasalita eh.", umuna nang nagtanong yung tanggero. Hindi naman obvious yung pagdududa sa boses niya, konti lang. Hindi ko din naman masisisi dahil sa reputasyon ko.
Umentrada na lang ako, "Sabihin ko na lang tapos kayo na bahala magdesisyon kung legit o hindi." pagkatapos kong umimik nun, lahat ng tumatagay ay natahimik at talagang naka-abang sa aking isasalita. Suma-tutal, eto ang ikinuwento ko kadugtong ng intro na yun....
"Lahat ng babae ay madaming mga pangangailangan para mabuhay, at sa lahat ng kailangan nila eh ang pinaka-mahalaga ay atensyon. Isipin mo, halos lahat ng ginagawa ng mga babae ay para makakuha ng atensyon. Mula sa pag-aayos ng sarili, make-up, pag-e-exercise, hanggang sa pagpo-post ng pics at vids sa social media nila; lahat yun ay para makakuha ng atensyon. Dalawang klase ng atensyon yan kalimitan: ang isa ay yung atensyon mula sa pang-i-inggit at pang-o-okray ng mga frenemies nila at yung isa naman ay atensyon dahil naka-akit ng mga lalake."
Tumango-tango lang ang mga mokong habang nakikinig. Mukhang nalulula sila sa point of view na yun na pinuntirya ka kaya dinugtungan ko na agad ng tanong, "At alam ba ninyo kung anong klase ng lalake yung gusto nilang makuha ang atensyon?"
"Ano kuys?", sabay-sabay nilang tanong sakin pabalik. Parang speech choir lang eh, may diin yung pagkaka-bigkas. Mala-spartan ba kasi kahit si Tita Tita ay mukhang napatigil sa pinanonood sa TV para tingnan ang ganap sa labas.
"Yung lalake na hindi nila basta-basta makuha ang atensyon." marahan kong sinabi.
Nagkatinginan sila at mukhang naguluhan. Kumbaga ay mukhang nag-lo-loading ang utak ng mga kainuman ko sa napakinig. Bumulalas na lang ng tanong si Badong, "Ang gusto nila ay yung suplado?"
"T@ng@ ka din at kalahati ano?" sagot ko. Sabay dugtong ko ng, "Malaki pinagka-iba ng busy sa suplado. Yung suplado kalimitan ay gwapong-gwapo lang sa sarili. Yung busy ay dahil may mas importanteng pinag-lalaanan ng atensyon."
"At bakit ganun ang gusto nila?", dagdag ko. "Kasi na-i-intriga sila na may ibang bagay pa na mas importante para sa lalakeng yun kaysa sa kanila. At dahil dun, yung atensyon ng lalakeng ganun ay mas mahalaga para sa kanila. Kaya gusto nilang makuha yung atensyon ng lalakeng yun kasi mukhang hindi lang basta-bastang lalake yun. Yung lalakeng ganun ay, ika nga nila, ay may goals at priorities na pwedeng ipagmalaki (aka pwedeng ipang-inggit sa frenemies nila)."
Parang choir ulit yung mga tumatagay, parang nag-prakltis nung nagtanong ng, "Goals and priorities na pwedeng ipagmalaki?" tanong nila na ang intensyon ay malinawan.
Sinagot ko naman yung tanong ng ganito, "Mga bagay yan na gusto ng babae sa lalake. I-enumerate ko na lang sa inyo para mas madali maintindihan:
1. Physical na itsura (gaano katangkad, gaano kapogi, gaano ka-macho)
2. Capacity to provide (sweldo, negosyo, may bahay ba, may sasakyan ba, etc.)
3. Status sa buhay (reputasyon, mga karanasan, etc.)
4. Personality mismo (swabe ba makipag-usap, magaling magpa-tawa etc.)"
"Parang kahirap naman lahat niyan kuys One-G. Lalo na yung kung gaano katangkad, alam mo naman na pandak ako eh" sabat ni Badong.
Hinintay ko munang umikot yung baso. Nang makatagay na ako ay saka lang ako umimik.
"Ulol ka din ano?", natatawa kong sabi. "Yung height ay isa lang, at wala na tayong magagawa kung gaano tayo katangkad. Ganyan talaga ang buhay, parang layp. Yan na yun, pero yung iba eh siguradong may magagawa para ma-improve."
"Weh?" sagot nila nang may tono ng pagdududa.
"Oo, legit lahat may pwedeng gawin.", sagot ko with confidence syempre.
"Lahat yun ng pwedeng gawin mo ay focus ng atensyon mo at dedikasyon mo ang kailangan."
"Hindi ka pogi o mataba ka? Eh di mag-exercise o mag-gym."
"Wala kang pera? Diretso sa grind ng trabaho tapos hanap ka ng sideline."
"Bahay at kotse? Napag-iipunan yan."
"Mahiyain ka o mahina ang loob? Napag-pa-praktisan ang kapal ng mukha."
Natawa na lang sila dun sa huli kong sinabi. Diretso ang ikot ng baso habang tuloy ang tawanan. Sabi nung tanggero pagkatapos iabot sa akin ang baso, "Akala ko talaga seryoso na si kuys." sabay bunghalit ng malutong na tawa.
Umikot pa ng ilang beses ang baso hanggang sa paubos na ang alak. Sakto at tinamaan na din ako. Himbing ang tulog ko dahil dito. Nag-uumpisa na ang lahat kumalas nang umimik si Badong, "Lafftrip talaga pag si Kuys bumabangka sa inuman. Nakaka-tanggal stress ang mga kwento at sinasabi."
"Legit seryoso yung sinabi ko tungkol sa atensyon, comedy lang talaga pag ako nagsabi." sagot ko. Nag-iimis na kami ng pinag-inuman, mukhang nag-iisip si Badong sa mga nadinig kaya may iniwan akong mga salita sa kanya bago ako umuwi,
"Nasa iyo na lang kung tetestingin mo. Focus mo lang atensyon mo sa pag-angat ng buhay mo. Exercise lang, tapos trabaho para may pera. Mag-aral ka din makipag-chismisan sa lahat ng klase ng tao para swabe ang imikan. Focus ka sa mga yan, dadating ka din sa punto tutok na tutok ka sa sarili mo ay parang wala ka nang pakealam sa chix dahil busy ka. Sa puntong yun ay hindi mo na mamamalayan ay malamang may babae nang naghahabol ng atensyon mo. Wag ka lang tanga para hindi ka malampasan pag meron na."
Ganyan talaga ang buhay, parang layp.