Nothing can Save you Justice is lost ,Justice is raped Justice Gone
Isang mauling gabi sa bayan ng northland masayang naghahapunan ang pamilya ng mga Rosan. Maraming pagkain sa hapag sapagkat sa wakas ay nakapasok na sa adventurers academy ang bunso ng pamilya na si Marvin Rosan.
Isang ordinaryong pamilya lamang ang Rosan Family. Dating sundalo ang padre de pamilya na si Alfred ngunit ito ay retirado na, at ang pinagkaka abalahan nito ay ang pagiging mag-sasaka. Malaki ang pangangatawan ni Alfred halatang sanay ito sa mga mabibigat na gawain at di maitatanggi na medyo tumatanda na din ito.
Ang ina naman ng pamilya na si Rosa katuwang ni Alfred sa pag sasaka. Medyo bata pa si Rosa kesa kay Alfred sapagkat labing limang taon ang agwat ng kanilang edad. Balingkinitan ang katawan nito may pulang kulot na buhok at di maipagkakaila ang ganda ni Rosa.
Kapansin pansin din ang isa pang magandang babae na sobrang hawig kay Rosa. May sobrang pulang parang dugo na buhok ang dalaga. Ang kaibahan lamang ay ang buhok ng dalaga ay unat. Ang dalagang ito ay walang iba kung hindi si Aby Rosan, sya ang panganay na anak ng pamilya.
At ang nag binatilyo naman na sentro ng atraksyon ay si Marvin. Medyo manipis ang pangangatawan nito at may blonde na buhok kakaiba ang itsura ni Marvin sa kanyang pamilya dahil sa maputi ang kanyang balat hindi kagaya ng kanyang pamilya na may pagka kayumanggi. Ang sabi ng kanyang ina ay mayroon daw syang kundisyon kung saan ang kemikal na nag papaputi sa balat ay masyadong mataas.
“Ganyang edad din ako nuong pumasok ako ng pagka sundalo anak, di ko nga alam kung bakit may pa academy-academy pa ngayong na embento e nuon basta malakas ka pasok ka na agad.”
Mapait namang napa ngiti ang binatang si Marvin. Hindi kasi sya malakas katulad ng kanyang ama. Bigla namang tumayo ang kanyang nakatatandang kapatid na si Aby.
“Ama naalala nyo si mang Ramon yung Wizard na hinahatidan ko ng gatas araw-araw? Tinanong ko sya kung tumatanggap sya ng estudyante. Ama gusto ko pong maging Witch.”
Nagulat silang lahat sa sinabi ni Aby napahinto ang lahat sa pagkain dahil dito. Hindi na kataka-taka ang mga reaksyon nila dahil sa lugar nila ay kadalasan sa mga babae ay nasa loob lamang ng bahay at naghihintay lamang ng mapapangasawa. Ngunit may mangilan ngilan padin na bumabali sa nakasanayan. Hinampas ni Alfred ang lamesa at nagsalita.
“Hindi.. dito ka lang, si Ramon? Wizard? eh baliw yung tao nay un eh. Tsaka anak malapit na kitang ipagkasundo. Hindi pwede! Gusto mo ba na mapahiya ang ating pamilya?”
“Alfred tama na yan. Pakinggan mo muna ang anak mo.”
Sagot naman ng kanilang ina na si Rosa.
“Hindi… ako ang padre de pamilya kaya ako ang masusunod. Kung ayaw mo sa pamamalakad ko lumayas ka!!”
“Lalayas talaga ako sawang sawa na ako sa buhay na to.”
Tumakbo sa kanyang kwarto si Aby habang umiiyak. Sinundan naman sya ng kanyang Ina.
“Pag pasensyahan mo na ang kapatid mo anak kumain ka na at bukas ay ihahatid na kita sa academy.”
Gusto sanang sabihin ni Marvin na matagal ng pangarap ng kanyang ate ang pagiging Witch, pero wala syang lakas ng loob na salungatin ang kanyang ama. Maya maya ay lumabas ng kanyang silid si Aby at may dala ng isang bag.
“Anak hindi na ba kita ma pipigilan pa.”
“Buo napo ang desisyon ko Ina babalik lang ako dito pag-isa na akong tanyag na witch at baka isang araw ma tanggap na ni ama ang pangarap ko.”
Niyakap ni Rosa ang kanyang anak. Tumingin naman si Aby sa kanyang ama na naka tutok sa pagkain. Sunod nyang tiningnan ang kanyang nakababatang kapatid na naka upo parin sa hapag kainan. Napansin pa nyang nangigilid na ang luha ni Marvin. Kaya nginitian nya ito at di nya namalayan na may isang luhang nakawala sa isa niyang mata. Binuhat na ni Aby ang kanyang mga gamit at bubuksan na sana ang pinto ng bigla nalang itong bumukas.
Iniluwa nito ang isang malaking lalaki na may ulo ito na katulad sa isang baka. Mapula ang balat nito at sobrang maskulado. Minotour ang tawag sa mga nilalang na ito . Sinampal nito ang dalaga kaya tumilapon ito.
Naramdaman naman ni Alfred ang panganib at kinuha ang kanyang espada. Sinipa nya ang nilalang kaya napaatras ito kasabay naman nun ay ang pag hiwa nya sa ulo nito.
Natulala naman si Marvin at di naka galaw sa sobrang takot. May pumasok pang ibang dalawang nilalang, ang isa ay sinipa si Alfred at ang isa naman ay napansin si Rosa. Dinakot nito ang mukha ni Rosa at inangat.
(“Mukhang magandang klase ang isang ito ahh. Pwede ko ba to I testing?”)
(“Bahala ka basta wag mo lang papatayin.”)
***
Nanapansin naman ni Aby na hindi parin kumikilos si Marvin kaya tumakbo sya papunta sa kanyang kapatid. Agad naman syang napansin ng isang Minotour. Hinawakan naman ni Alfred ang paa ng Minotour kaya napa hinto ito.
“Takbo mga anak tapos wag na kayong bumalik hayaan nyo na kami. Mahal na mahal namin kayo ng inyong ina…… sana mapatawad nyo kami.”
Sinipa ng minotour ang ulo ni Alfred kaya nawalan ito ng malay. Mabilis namang tumakbo papunta sa likurang pinto si Aby habang hila hila nya si Marvin. Mabilis naman silang nakalayo sa bahay. Mabagal lang ang kilos ng mga Minotour kaya ng mapansin nitong nakalayo na ang dalawa hindi na ito humabol pa.
Nakarating sila sa masukal na bahagi ng kagubatan at tulala parin si Marvin kaya sinikmuaraan ito ni Aby. Nagka wisyo naman ang binata at bumuhus ang luha. Niyakap naman ito ni Aby.
“Bunso babalikan ko sila, ang gusto kong gawin mo tumakbo ka palayo dito at humingi ka ng tulong.”
“P-pero ate pano ka.”
“Basta gawin mo nalang inuutos ko aalis na ako.”
***
Tumakbo ng pagkabilis bilis si Marvin palayo takot na takot sya at umiiyak. Pasikat na ang araw at wala parin syang makitang mga tao o kabahayan. Pagod na pagod na ang binata ng may nakita syang kubo. Kakatok na sana ang binata pero di na niya kinaya at bumagsak na ito.
“Ano yan?.... anak”