Nateleport silang lahat sa bahay ni mang Ramon. Naka higa si Czef sa higaan habang ginagamot siya ni Kris. Puro paso ang kanang kamay ng bata. Nilahad naman ni Kris ang kanyang kamay at may lumabas na puting liwanag sa kanyanng kamay. Nakita naman ni Marvin ang nangyari sa bata nagulat siya at pupuntahan na sana siya pero ng subukan niyang tumayo ay naramdaman niya ang sakit ng kanyang katawan.

“Cz…zef, anong nang yari kay Czef?”

Napahawak siya sa kanyiang ulo dahil bigla na lamang itong sumakit. Napansin naman ito ni mang Ramon at nag salita.

“Wala ka ba talagang maalala?”

“Ang naalala ko lang ay umupo ako at nagmuni muni… tapos.. tapos… may lalaki… tapos.”

Biglang may lumabas na konting kulay itim at pulang aura sa katawan ni Marvin. Naalarma naman si mang Ramon at nagpakawala na naman ng spell

Calm

“Alam mo bata sa susunod na ilabas mo yang aura mo sapak aabutin mo sakin.”

“Huh Aura?”

“Hay yan ang nangyayari pag hindi mo kontrolado ang magic sa katawan mo.”

“Pero bakit black? Hindi ba ang magic ay namamana sa mga magulang? Ang aking ina ay may water element at sa naalala ko ay ang ganun klaseng magic ay naglalabas mg asul na kulay. Ang aking Ama naman ay may wind element at berde ang kulay nito.”

“Hmm na alala ko nga nung pumasok ako sa ala-ala mo tama ka ang iyong ama na si Alfred ay may wind element at ang iyong ina namn Na si Rosa ay may Water element. May apat na kilalang Magic sa buong mundo. Fire, Water, Wind, at Earth. Yan ang mga common na magic pero meron pang dalawang magic na hindi gaanong kilala. Ang light magic na Sa mga priest lang naipapamana at tanging si Lady Justice lang ang nagbibigay. Kilala ang magic na ito sa pag papagaling at pag gabay sa mga tao katulad nalang niyang si Kris.”

“Hoooy Ramon ano na naman sinasabi mo diyan sa bata hindi ko pinopormahan yung mga batang priestess ahh… sila kusang lumalapit sakin..”

“Alam mo pri timik ka nalang saying buhay ihh ha. Balik tayo bukod sa Light magic meron pang isang magic na sobrang rare dahil ang magic na ito ay itinuturing na forbidden. Ito ang dark magic. Ang black lightning at back stab ay dalawa sa pinaka malakas na technique ng may dark magic. Itinuturing na forbidden magic ang dark magic dahil puro pasakit kahirapan at pagwasak ang dulot nito para itong linta na uubos sa dugo ng kanyang host. Kaya hangat maari ay wag mong gagamitin ang magic mo na yan. Sa nakikita ko ay may tatlong type ng magic na nasa loob ng katawan mo. Dark – light – at isang type ng magic na hindi ko alam kulay pula ang nilalabas na aura nito. Ah siya nga pala na banggit ko naman na si Kris no… Kris ikaw na bahala Dito.”

Tumayo si Kris at nagsalita

“hmm tapos na ako dito”

“Czef anong nangyari sayo sino may gawa sayo nito?’

“hai hai.. Ano nga ulit pangalan mo bata?”

“Marvin po, Marvin Rosan.”

“hmm Marvin huh.. gusto mo ba talagang malaman kung ano nangyayri kay Czef?”

“Opo gaganti ako kung sino man may gawa sakanya niyan.”

“Ikaw ang may gawa sa kanya niyan habang nasa ilalim ka ng spell ay sinubukan ka niyang lapitan. Nang hahawakan ka na niya may pulang kuryente na umatake sa kanya at tumalsik ng napakalayo. Buti nga yan lang ang nakuha niya kung wala siyang buff spell siguro ay buong katawan niya ang napinsala.”

Napa tigil si Marvin at natulala lubha niyang sinisi ang kanyang saril sa ginawa niya at lumabas na naman ang kanyang aura.

Paaaak

Tumilapon ang binata dahil sa lakas ng suntok ni mang Ramon. Nawala ang kaniyang aura at nag salita si mang Ramon.

“Diba sabi ko sayo wag mong ilalabas yan. Hays bata diba gusto mong maghiganti hayaan mo pag katapos ni Kris sayo ituturo ko ang pinaka malakas na atake ng black magic.”

“Huh may black magic ka din?”

Tumawa si mang ramon at inilahad ang kanyang kamay lumabas dito ang itim na apoy kasabay nuon ay ang pag bukas ng portal sa kinauupuan ni Marvin.

“Hahaha galingan mo sa pag sasanay bata”
Hammy Creator