Chapter 5: ONII-CHAN “Magandang umaga munting Czef<3”

Dahan dahang bumukas ang mata ng napaka gandang batang ito. Maaga talaga akong gumising para maalagaan ang batang ito paano kaya nagkaroon ng napaka gandang anak yung baliw na mang Ramon na yon. Bumangon ang bata at humikab kinusot nito ang kanyang mga mata. Mukha talagang anghel ang batang ito.

“hmm… (grin) kuya Marvin engot. Si sef ang guro mo ngayon kaya tumakbo ka ng isang oras kung Makita ko na huminto ka hindi na kita kakausapin.”

Huuh hindi na nya ako kakausapin kailangan kong magsanay ng mabuti para kausapin haah kailangan kong tumakbo ng buong lakas para hindi mawala ang aking anghel.

“fufufu… tumakbo ka ng hindi man lang alam ang gagawin mo.”

Kumaripas nang takbo ang binata ang hindi nya alam na may binabalak na masama ang batang ceffy. Biglang may dumaang dagger sa kanyang harappan mabilis naman syang nakailag at lalong tumakbo.

“Ngayon alam mo na kung ano ang pakirandam ng hinahabol fufufu. Wag mong kalimutan galit si Sep kay Marvin engot.”

Hay katulad nga sya ng tatay nya baliw … pero ok lang gusto parin kitang alagaan. Tumagal ng isang oras ang pagtakbo kaya hingal na hingal na ako.

“Hmm… sobrang hina mo naman Marvin engot.”

“Haaah… haah… haah… pwede… haah… kumain muna tayo.. haah…”

“Hmm dahil hindi ka naman huminto sa pag takbo sige.”

Habang pinagmamasdan ko ang batang ito sobrang cute niya talaga. Pero ang pinagtataka ko lang kung nasaan ang ina ng batang ito marahil ay yun ang pinuntahan ni mang Ramon na sobrang halaga.

“Umm munting Czef kung nasaan ang iyong ina?”

“Hmm nasa ancestral land na ang magulang ni Sep. kaya magisa nalang si Sep…………. pero nakita ako ni papa kaya sya na ang bago kong papa hihihi. Sabi ni papa ganun din daw ang nangyari sa pamilya mo.”

Nagulat ako sa sinabi ng bata hindi ko akalain na ganun na pala ang mga nangyari sa kanyang buhay at ako heto anong ginagawa ko nakikipaglaro sa isang bahay bahayan.

*pat*

Biglang may maliit na kamay ang pumatong sa ulo ko

“Pag malungkot ako ito ginagawa ni papa kay Sep. tapos sasabihin nya magic magic lungko alis. Haaah… Hindi ka nga pala bati ni Sep bleh”

Di ko namalayan na may isang luha na nakawala sa mga mata ko pagtingin ko sa bata.

“hmm… kung may oras ka pang umiyak dapat ituon mo nalang sa pagsasanay.”

“Tama ka Czef simula ngayon magpapalakas na ako.”

“Hmm… hawakan mo nga to”

Binato nya ang isang bolang crystal at pag dampi nito sa kamay ko bigla itong sumabog kaya nagulat ako. Napansin ko din na bago ito sumabog ay naglabas ito ng purong puting ilaw. At ang usok na ginawa nito ay kulay pula.

“hmm malakas ang healing ability mo hindi kita matutulungan diyan. Pero pwede kita turuan maging isang assassin class at malaki din ang potential mo.”

Naglabas ng portal sa taas ang bata at bumagsak dito ang mga bilo-habang mga kahoy na may markang x. lumabas din ang isang malaki at purong bakal na palakol.

“Hmm ito ang pag sasanay mo ngayon ang gagawin mo kailangan mo putulin ang mga kahoy at kailangan maipantay mo sa mga eks ang putol maliwanag ba?”

Hindi ko na siya nasagot dahil pumunta agad ako sa palakol. Nung akin na itong bihatin ay sobrang bigat nito at ang hirap kontrolin. Pag ipuputol sa unang subok ay muntik na itong tumama sa aking paa akala ko katapusan ko. Ngunit di ako susuko ipaghihiganti ko ang aking pamilya kahit na ang katumbas nuon ay ang mga bahagi ng aking katawan. Nagpatuloy ako ngunit sobrang bigat parin ng palakol.

“Hmm… masyadong matigas ang katawan mo dapat huminahon ka lang huwag kang mag madali.”

Sinunod ko naman ang sinabi ni Czef at huminahon huminga ako ng malalim at buong lakas na inangat ang palakol ramdam na ramdam ko ang bigat ng palakol.

“Ngayon isipin mo na may linya at iwasiwas dun ang palakol.”

Sinunod ko ang sinabi ni Czef at tama nga sya tumama ito

“Ayooosss”

“Hmm mabilis ka naman pala ma tuto. Sunod naman ay kailangan mong tamaan lahat ng ibabato ko sayo ganun parin na patakaran kailangan pantay sa linya ha sa pag kakataong ito linya nalang di na cross”

“ O sige Kailangan ko ng seryosohin ito”

“Tandaan mo relax ka lang wag ka mag madali” Binato ni Czef ang mga kahoy pero sa sobrang bilis nito ay tinamaan ako kaagad at sa dami ng kahoy na binato saakin ni Czef napatumba ako. Hininto naman niya agad ang ang pag bato at nagsalita.

“hmpf… Mahinang nilalang. Hmmm… Alam ko na batohin mo nga ako ng kahoy damihan mo ha”

“Sigurado ka ba baka masakatan ka kawawa ka naman”

“hmph…”

Napa Simangot ang bata sobrang ganda talaga niya…

“Hmph kung hindi mo ako susundin tatakbo ka ng 20 kilometro.”

“Ayaw kitang masaktan kaya tatakbo nalang ako.”

“Hmph kung yan ang nais mo kailangan mong tumakbo dito hanggang diyan sa tuktok ng bundok. Kung hindi ka makaka akyat ng bundok bago mag dilim wala kang kaka inin itong nag iisang tinapay lang ang baon mo. Takbo na”

“Yooooooshhhh”

Kumaripas ng takbo ang binata dahil ayaw nyang masaktan ang batang Ceffy. Pursigido sya na makarating agad sa bundok. Naka pasok na sya sa kakahuyan. Masigasig parin syang tumatakbo. Ng biglang may isang bato na papunta sa kanyang mukha. Di na ito naka ilag at dumugo ang kanyang ilong at namaga ang mukha. Kasunod non ay halak hak ng bata ang kanyang narinig.

“hihihi Marvin bobo, hihihi may kasalanan kapa sakin. Ngayon ikaw naman ang hahabulin ko kung kaya mo lumaban, lumaban ka. Pero mukhang di mo ko kaya hihihi.”

(Haaay nako kung hindi ka lang bata pinatulan ko nato sayang yung ganda sadista naman.)

Patuloy sa pagtakbo si Marvin. May isa na namang bato na tumama sa muka nya. Dumugo lalo ang ilong nya. Ngunit patuloy parin sya sa pagtakbo ngunit kapansin pansing bumagal na ito. May narinig na naman syang bata ngunit kahit gaanong lingon nya ay hindi nya parin ito Makita. Luminga linga ulit siya pero pag tingin nya saharap ay isang maliit na paa ang tumama sa kanyang mukha.

“KYAAAAAA”

“AWWW!!”

“Hmpf hahaha sobrang hina mo kung di ka lalaban subukan mo naman umilag”

Napatumba si Marvin ngunit agad itong tumayo at buong lakas na tumakbo. Puro dugo na ang kanyang mukha. Napansin din niyang wala ng mga pagsubok si Czef. Nakikita na niyaa ang tuk tok at malapit na syang maka alis sa gubat. Hinang hina nadin sya dahil sa pagod at mga bug bug. hindi na dumudugo ang kanyang ilong ngunit bakas parin sa kanyang mukha ang bug bog. Nang may nakita siyang isang kumikislap na bagay pinulot nya ito at napansin niyang ang palakol. Nilagay niya ito sa kanyang balikat at naglakad. Mga sampung hakbang nalang ay makaka labas na siya ng gubat nang biglang ang daming mga kahoy ang papunta sa kanya. Sobrang pagod na ang binata at para na lamang itong lumilipad na tuyong dahon sa sobrang gaan ng kanyang nararamdaman. Pumikit siya at inayos ang tindig sabay ng malalim na pag hinga. Pag mulat niya ay parang ang bagal ng paggalaw ng mga kahoy. Napanssin nya din ang parang linyang naka konekta sa palakol at sa isang kahoy. Inihiwa niya ang palakal ayon sa linya papunta sa kahoy at nahaiti nya ito. Kung sa paningin ni Marvin ay sobrang bagal na nito sa paningin ng batang si Czef ay sobrang bilis nito napansin nya din ang magkahalong pula at itim nitong aura.

“hyaaaaaaaaa”

Sa di niya inaasahang pangyayari ay naubos niya ang lahat ng kahoy na kanina ay ni isa ay wala siyang matamaa. Parang gumalaw ng kusa ang kanyang katawan. Pa takbo na sana siya nang isang bata na may patalim ang mabilis na sumugod sa kanya. Sa paningin ng binata ay parang tumatakbo lang ito ang hindi niya alam ay isa ito sa pinaka mabilis na atake ni Czef. Nang isang hakbang nalang ang kanilang pagitan ay tumalon si marvin at pinaikot ang kanyang palakol. Nagulat si Czef at napansin dahil di niya inaasahang ganun kabilis si Marvin. Tatama na sa kanyang likuran ang palakol ng tumalon ang bata at umikot sa ere maabilis niyang sinipa ang tiyan ni Marvin at sa sobrang lakas nito ay nakaabot siya sa tuk tok ng bundok at nawalan ng malay.

“hmph Ano kaya yung itim at pula parang usuk na lumalabas sa kanya kanina.”
Hammy Creator