Hmm nasaa ako panaginip ba ito? Nasa isang madilim na pasilyo ako ngayon. Nakaupo ako sa isang upuuan nilibot ko ang aking mata at napansin ko na maraming pinto dito.

“Marvin…..,Marvin….,Marvin……, o aking anak….”

Isang malamig at napaka gandang boses ng babae ang aking nadinig.

“Sino ka bakit mo ako kilala?...’

Sinubukan kong tumayo pero kahit daliri ko hindi ko magalaw.

“…Makikilala mo rin ako…”

Bumukas ang pinto sa tapat ko kahit na malayo ito kitang kita ko ito dahil sa liwanag na nanduon. Biglang bumulwak ang tubig dito at mabilis akong tinungo nuon. Pinipilit kong gumalaw pero huli na ang lahat dahil inabot na ako ng tubig.

“Hind…yolk…yolk”

PLAK

Sampal ang inabot ni Marvin sa isang matanda. Dahil Kahit Na binuksan na sya ng tubig ayaw parin nyang gumising.

“Aww”

“Gising ka na sa wakas. Para ka palang pusang nag lalandi pag tulog ungol ka ng ungol napaka ingay mo.”

Tinapon ng matanda papunta kay Marvin ang isang bote ng tubig.

“Teka ikaw yung matanda na parokyano ng ate ko ikaw si mang Ramon.”

“Tama ako nga bata”

Biglang na alala ni Marvin ang nangyari sa kanyang pamilya at dali dali syang tumayo at lumuhod sa matanda. Upang humingi ng tulong ngunit itinayo nya agad ito at humingi ng patawad.

“Bata habang tulog ka ay tiningnan ko ang iyong ala-ala. Kaya nalaman ko ang nang yari sa iyong pamilya. Pinuntahan ko agad ang iyong pamilya at nakita ko duon ang iyong ama. Wala na syang katawan at ulo nalang ang natira wag kang mag alala nilibing ko na ang ulo nya. Ang iyong ina naman…. Nang inabutan ko ay naka hubad duguan ang kanyang ari, naghihingalo na binigyan ko sya ng recovery spell at dinala sa pinaka malapit na pagamutan para mas malunasan ng mga priest. Pasensya na bata ngunit di ko na nakita si Aby marahil na kuha sya ng mga minotour at binenta para gawing alipin.”

Nanlumo si Marvin sa kanyang narinig at duon na tuluyang tumulo ang kanyang luha. Tinapik naman ng matanda ang balikat ng binata upang bigyan ito ng calming spell.

“Salamat po sa pag aalaga nyo saakin pero kainagan ko napong umalis. Kailangan ko pong ipaghiganti ang mga magulang ko.”

“Hoy bata, baka nakaka limutan mo utang mo sakin ang buhay mo. Bakit parang tumatakas ka. Halika sumama ka sakin.”

Dinakot ni mang ramon ang ulo ni marvin at gumawa ng portal. Tinapon nya ang binata sa loob at laking gulat nya sa kanyang nakita nasa isang malaking gate sya ngayon iniluwa naman ng portal si Ramon. Tumayo ang binata habang naglalakad si Ramon. Pinasunod nya ang binata nag alinlangan naman ang binata dahil. Ang sabi ng ilan ay baliw daw ang taong ito. Marahil ay tama nga dahil napaka rumi ng damit nito at punit punit halatang hindi din to naliligo sobrang haba ng balbas at magulo nitong buhok. Pero dahil wala naman syang magawa at medyo natatakot sya sa matanda sumunod sya dito.

Papasok na sana ang matanda ng harangin sya ng gwardya.

“Sino ka bakit ka nandito? Wala kaming pagkain dito sa iba ka nalang manghingi tanda.”

“aba aba pasmado yang dila mo bata. Nandyan ba si head master Aerik? Sabihin mo nandito si Ramon.”

“Ha an-“

Hindi na nakatapos ng pasasalita ang gwardya dahil may lumabas na portal sa harap nya lumitaw dito ang ulo ng isang lalaki. Maputi ito at presentable naman ang halata nyang galit na mukha.

“Hoy Ramon!! Ano na naman kailangan mo sakin?”

“Papasukin mo muna kami ayaw kami papasukin ng mga alaga mo ohh.”

“Hays sige dito na kayo dumaan sa portal.”

Halatang dismayado ang mukha ng lalaki. Agad naming pumasok ang si mang Ramon sa portal. Hindi ako agad sumunod kaya lumitaw ang ulo ni mang ramon at nginitian ako ng nakakatakot. Kaya sumunod na ako. Nasa loob na kami ngayon ng isang malaking silid ang daming libro dito at sobrang ayos. Wala ka din makikitang kahit konting alikabok dito at ang pumukaw saakin ng pansin ang kaninang lalaki na ngayon ay naka upo sa isang lamesa. Napansin ko din ang naka lagay sa lamesa ay Aerik Fiore Adventurer academy head master. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko dahil ang inaakala kong baliw na si mang Ramon ay ka kilala ang head master ng academy. Nagising ako sa pag iisip ng tumawa si mang Ramon.

“Pft HAHAHA. Halata galit, nagmumura nay an sa isip. Hahaha”

“Ano ba kasi kailangan mo dito marami akong ginagawa.”

“Hay nako wala ka paring pinag bago sobrang seryoso mo parin. Ahh ito nga pala ang kailangan ko sayo. Hoy bata lumapit ka dito magpakilala ka”

“umm m-magandang araw po umm a-ko p-po si M-marvin Ro-Rosan po.”

Tiningnan ako mula ulo hanggang paa ni head master at tumango tango

“Naalala kita isa ka sa mga bagong estudyante. Bakit nandito ka? Dapat ay nasa seremonya ka!”

Galit na sabi ni head master.

“Aerik tama na yan bata lumabas ka muna may mahalaga lang kaming paguusapan hahanapin nalang kita mamaya.”

Lumabas naman ako dahil yun ang sabi ni mang Ramon ngunit bago ko I sarado ang pinto ay may narinig ako na sinabi ni head master.

“Ramon hindi ba sya ang…”

Hindi ko na narinig ang kasunod dahil biglang natulak ang pinto at nagkaroon ng concealing spell duon. Dahil nahihiya ako na maglakad naghintay na lamang ako sa labas. Iniisip ko na parasaan pa ang pag pasa ko sa eskwelahan na ito kung patay na ang aking ama. Ni hindi ko manlang kayang tingnan sa pagamutan ang aking ina dahil nahihiya ako sapagkat ang kanilang anak na inaasahan ay tumakbo papalayo sa kanila. Isa akong duwag.

“Parang asong bahag ang buntot”

Sakto naming dumaan ang tatlong matitipunong taong lobo matataas sila keysa saakin at kulay abo ang kanilang balahibo .

“Hoy bata sino sinasabihan mo ng asong bahag ang buntot. Baka gusto mong I tupi ka namin sa sampu ha, gusto mo idamay ko pa nanay at tatay mo ha!”

“Anong sinabi mo bawiin mo ang sinabi mo!!!”

Tumalon ako ng pinakamalakas napunta ako sa ulo ng lobo at tinusok ng aking daliri ang dalawang mata nito. Sinipa ko naman ito at tumalon naman ako sa isa at sinuntok ito ng pagkalakas lakas sa panga tatalon na sana ako ng bigla akong bumagsak. Napa dapa ako sa sahig at naramdaman kong may paa sa ulo ko.

“Bata masyado kang mainit palamig ka muna.”

Calm spell

“Hoy ano yan bawal ang gulo sa paaralan ko ah!”

Bigla namang  na takot ang isa at tumakbo habang iniwan nya naman ang dalawa nyang kasamahan na ang isa ay nakahawak sa duguang mata habang umaalulong. Ang isa naman ay nakahilata sa sahig at walang malay. Inalis naman ni mang Ramon ang paa nya sa akin. Pagtayo ko nakita ko naman si sir Aerik na paalis para siguro puntahan ang school priest nila.

“Bata lagi mong tatandaan walang magandang maidudulot ang galit at poot. Bata sya nga pala may magandang balita ako sayo…bagsak ka na sa lahat ng subject mo sa academy sa loob ng isang taon at alam mo kung bakit? Dahil ako ang bagong tagapagturo mo hahahaha”

“Ha….? Ano?”

Hammy Creator