“Back staaaaabb!!!”

Kasabay ng pag ikot ni Marvin ay ang pag sak sak niya sa likod ng kanyang kamukha dahil sa bilis ng pangyayari ay na out of balance ang kanyang kalaban at nagpagulong gulong. Hindi ito agad naka galaw pero pinilit nitong umupo at magsalita.

“Ack. Ha..ha..ha.. bakit di mo pa ak… ta.pusin.. hindi mo ka… ahh ya.. … sa huli… is aka lang mahinang nilalang at walang kwentang tao katulad ng iyong ama.”

Lalong lumakas ang itim at pulang aura na lumalabas kay Marvin huminga ito ng malalim at sumugod ng napaka bilis isang napaka bilis na itim na kidlat ang papunta sa kanyang kalaban ibinigay na ni Marvin ang lahat ng kanyang imosyon galit poot pagkamuhi at lungkot. Sapat ito upang patayin ang kanyang sarili. Sobrang bilis ng mga pangyayari at nawala agad ang itim na kidlat may mga kulay pulang kuryente naman ang bumalot sa paligid. Kapansin pansing nasa likod ng kalaban si Marvin at nakatayo Naputol ang ulo ng kamukha ni Marvin at sumirit ang dugo nito ngunit kapansin pansing naka guhit dito ang ngiti.

Nawala ang galit ni Marvin at huminahon napansin niya na may gumalong na bilog na bagay malapit sa kanyang paa napansin niya din ang dugo sa kanyang dagger at sa kanyang kamay.

“Huh? A..anong ginawa ko pinatay ko ang aking saril.. hindi ahhhhh”

Sa labas ng ilusyon ay napansin ni Czef na lumabas na naman ang magkahalong pula at itim nitong aura at kapansin pansin ang lakas nito.

“Huh? Are? Ano kaya yan?”

Sinubukang lumapit ni Czef upang malaman kung anong nang yayari kay Marvin ngunit nang malapit na siya sa usok ay may biglang may pulang kuryente siyang nakita. Tinamaan si Czef at tumilapon sa ere akala niya ay babagsak na siya ngunit may isang lalaki na sumalo sa kanya.

“P..papa”

“Matulog ka muna munting Czef.”

Biglang lumitaw si mang Ramon lumabas din sa isang portal ang isang lalaki na naka puting roba. Nagsalita ito.

“Ohh ito ba yung sinasabi mong problema Ramon? mukhang kaya mo naman yan.”

Biglang iminulat ni Marvin ang kanyang mata at mabilis na sumugod kay Ramon para na naman itong itim na kidlat. Mabilis naman na sangga ni mang Ramon ang atake at napa atras.

(huh black lightning hindi maari marahil ay alam nang puppet master kung nasaan si marvin…)

Matapos ang atake ay sinipa agad ni Marvin si Ramon ngunit tumalon ang matanda pa atras

“Hmm siguro ay naramdaman na ng puppet master kung nasaan ka. Pero matagal narin nung huli ako makipaglaban. Wala namang masama kung makikipag laro ako sayo ng konti.”

“Hyaaa papatayin kita.”

Ginamit na naman niya ang black lightning sobrang bilis nito ngunit hindi man lang gumalaw si mang ramon ni wala nga siyang sandata na nilabas. Hinintay ng matanda na makalapit sakanya si marvin saka sya tumagilid at saktong tinuhod ang sikmura ng binata. Nawala sa balanse ang binata at nagpa gulong gulong mabilis na naka bawi ito at isang itim na kidlat na naman ang lumabas. Hindi ulit gumalaw si mang Ramon at ng malapit na si Marvin ay isang napakalakas na suntok sa mukha ang kanyang natamo. Sobrang bilis ng paggalaw ni Marvin ngunit kabaliktaran ito ng ginagawa ng matanda mabagal lang ito ngunit walang sayang na galaw. Tumalsik ang binata at pinilit tumayo.

“Bata bumilis ka lang ng konti pero kulang ka pa sa praktis hahaha”

Muling sumugod si Marvin gamit ang black lightning pinatama ito ni mang Ramon sa kanyang bakal na armband kumislap ang dalawang metal dahil sa matinding kiskisan biglang may lumabas na pulang kuryente sa paligid ni Marvin at nagulat si mang Ramon.

“Teleport…… hahaha bata haha iba ka din kung susugod ka lang ng walang plano walang mangyayari sayo.”

“hyaaaa papatayin kitaaaa!!”

Biglang lumakas ang pula at itim na aura na bumabalot kay marvino may mga pulang kuryente na din ma bumabalot sa kanya. Matapos nyang sumigaw ay buong lakas siyang sumugod sa matanda gamit ang black lightning ito na ang pinaka mabilis niya. Ihihiwa niya kay mang ramon ang kanyang kaliwang dagger ngunit pinatama na naman ito ni mang Ramon sa kanyang armband.

(huh? Walng pwersa ang atake niya hindi kaya…)

“Back Stab”

“teleport”

Naka gamit ng teleport si mang Ramon sa kritikal na oras ngunit sumunod sa kanya ang isang dagger at tumama sa kanyang tiyan. Bumaon ang buong talim kay mang ramon.

“hmm hahahahaha. Alam mo bata magaling ka naman pala ihh hahaha. Buong lakas kang sumugod saakin para isipin ko na ibibigay mo na lahat sinadya mo rin na wag lagyan ng pwersa ang una mong atake para isipin ko na faint attack yun. Pag ikot mo at pag sigaw ng back stab hindi mo talaga inactivate ang skill pero bwelo yun para sa pagbato mo ng dagger hahaha magaling ka.”

“Papatayin kita, papatayin kita”

“Hmm kahit anong sabihin ko di mo naman maiintindihan nasa ilalim ka parin ng spell ni czef. Alam mo bata sawa na ko sa mga sugod mo ngayon ako naman.”

Inalis ni mang Ramon ang dagger at mabilis itong binato kay Marvin. Kukuhanin na niya sana ng biglang nawala ang dagger at napunta sa harap niya si mang Ramon.

Substitute

Sinuntok ni mang Ramon ang panga ng binata at lumipad ito sa ere tumalon ng napakataas si mang ramon at ng mag kapantay na sila ay hinawakan ni mang Ramon ang dib-dib ni Marvin at nag cast ng spell.

“calm” Kumalma si marvin at nawala ang itim at pulang usok. Hinawakan ni mang ramon ang paa ni marvin at tinapon pa baba ng lupa. Sa lakas ng pagkakabagsak ay nag karuon ng bitak bitak sa lupa. Naka baba din si mang Ramon gamit ang teleport at lumapit kay Marvin.

Slap

“Bata gising na.”

Slap

“Bataa”

“Huh mang Ramon anong nang yari bakit ka nandito…. (crack)… ahhh araaaaay bakit ang sakit ng katawan ko haaa araay.”

“Hmm mukhang buhay ka pa naman tapos na ang training mo kay Czef ito ang susunod mong guro.”

Lumapit sa bitak ang isang lalaking naka puting roba naka salamin ito may kahabaan ang kanyang magulong buhok mukhang mas matanda siya ng konti kay mang ramon.

“Hai hai. Ako si Kris Kyoshi isa akong medical priest ako ang mag tuturo sayo sa pag gamit ng light magic.”
Hammy Creator