Nagpatuloy ng tatlong araw ang pagtakbo ni Marvin sa bundok dahil ayaw niyang batuhin si Czef ang di niya alam ay muntik niya na itong saktan. Hindi niya maalala ang kanyang ginawa nung mga sandali na yun. Mabilis na ang kanyang paggalaw na iilagan na niya lahat ng mga atake ni Czef at naka abot na siya sa tuk tok ng walang kahirap hirap.

“Hmph napansin ko na marunong ka na sa palakol, hindi mo na ako kailangang batuhin may ituturo naman akong bago. Gagamit ka naman ngayon ng dagger.”

Binato ni czef sa binata ang dalawang dagger. Na salo naman niya ito.

“Sandali ano naman gagawin ko dito? Hindi ba mas matibay ang palakol kesa dito?”

“Tama ka mas matibay nga ang palakol ngunit hindi tibay ang layunin ng training mo kundi bilis at reaksyon. Napansin mo naman siguro nitong mga nakaraang araw. Mas bumilis ka na di kana ganun ka lampa pero bobo ka parin. Kung bilis ang pag uusapan mas magagamit mo ito. Mas matibay ang palakol at iba pang mga sandata pero walang tatalo sa bilis ng dagger. Ang gagawin mo ngayon ay kaylangan ma tamaan mo ako ng dagger na yan wag kang mag alala dahil di ako kayang saktan niyan. May buff spell na bumabalot sa katawan ko, pero bago yan kailangan mo munang mag ensayo sa iyong utak. Kailangan mong mag muni muni. Isipin mo kung ano ang pinaka mahalagaa sayo.”

Pumikit si Marvin at inisip ang pinaka mahalaga sa kanya.

“Nasa loob ka ngayon ng spell may mga makikita kang mga bagay o pangyayari. Naka salalay sa gagawin mo kung ano ang kakalabasan ng pag sasany mo ngayon I dilat mo ang mata mo.”

Swoosh

“Lalayas talaga ako sawang sawa na ako sa buhay na to”

(huh si ate yun ahh si ama at si ina)

“Pag pasensyahan mo na ang kapatid mo anak kumain ka na at bukas ay ihahatid na kita sa academy.”

“Huh ama buhay ka?”

“Anong sinasabi mo anak?”

(lumabas sa kanyang kwarto si ate)

“Hindi naba talaga kita mapipigilan anak?”

“Buo na po ang desisyon ko ina babalik lang ako dito pag isa na akong tanyag na witch at baka isang araw ma tangap na ni ama ang pangarap ko.”

(papalapit na sa pinto si ate hindi nangyayari na naman kailangan kong gumalaw)

“Bunso babalikan ko sila ang gusto kong gawin mo tumakbo ka palayo ditto at humingi ka ng tulong.”

(hindi ate wag kang aalis. Mabilis na tumakbo si ate Aby hahabulin ko na sana siya pero may humarang na salamin saakin)

“hindiiii ate waaag... wag kang bumalik ama ina!!”

“huli ka na ikaw ang pumatay sa kanila lahat.”

Nagulat ang binata sa boses galit nag alit ito lumingon siya at nakita niya ang isang nilalang na kamukhang kamukha niya.

“Mali ka mahina pa ako nuong mga panahon na yun wala akong magagawa.”

“Tama mahina ka pa ngunit may pagkakataon ka para baguhin. Ngunit hindi mo ginawa isa ka lang mahinang nilalang wala kang magagawa para baguhin yon ang dapat saiyo mamatay.”

Sumugod ang kamukha niya sa kanya at sinakal si Marvin.

“Akala mo ba kaya mo silang ipaghiganti nag kakamali ka ako ang maghihiganti sa kanila ako ang makakalabas dito. Masyado kang mahina at duwag wala kang mala bakal na puso na katulad ko.”

Patuloy paring niyang sinakal si Marvin ngunit hindi parin ito pumapalag.

“Sobrang hina mo kahit sarili mo hindi mo kayang labanan ni hindi mo nga kayang puntahan ang iyong ina. Wala kang kwentang anak. Hinayaan mo ang iyong kapatid na bumalik mag isa ngayon nasan na siya marahil ay ginawa na siyang parausan. Wala kang kwentang kapatid, wala kang kwentang tao. Parehas lang kayo ng iyong ama tumatakbo sa responsibilidad mga walang bayag.”

Biglang bumukas ang nanlilisik na mata ni Marvin at may kulay pula at itim ulit na aura ang lumabas sa kanyang katawan. At nag salita

“Kailan man hindi kami iniwan ng aming ama hyaaaaaaa”

Sinuntok niya ang kanyang ka mukha ngunit naka atras ito.

“Hindi mo ako kaya isa kalang mahinang nilalang.”

Napansin ni Marvin na may hawak na dalawang dagger ang kanyang kamukha. Napansin niya din na may lumulutang na dagger sa kanyang harap kaya kinuha niya ito. Mabilis na sumugod ang binata parang kidlat ito sa bilis. Ganun din ang ginawa ng kanyang kamukha. Nagsalpukan ang dalawang itim na kidlat. Hihiwain na sana ni Marvin ang ulo ng kanyang kalaban ngunit naka ilag ito tumalon ito pataas at nagvertical hihiwain na dapat niya ang ulo ni marvin ngunit na sangga niya ito. Mabilis na naka talon palayo ang kamukha niya. Mabilis din itong sumugod papunta sa kanya. Huminahon ang binata at inayos ang tindig sabay ng malalim na pag hinga. Pag mulat niya ay bumagal ang kilos ng kanyang kalaban. Kitang kita na niya ang linya.

“konti pa lapit pa… konti po… konti ppaaa… hyaaaaa”

Hiniwa niya ang linya papunta sa ulo ng kalaban ngunit pina eks ng kalaban ang kanyang dagger at pinatama ang dagger ni Marvin dito. Napansin niyang walang puwersa ang atake dahil kaliwa ito at hindi ito ang dominanteng kamay ni Marvin. Nagulat nalamang siya ng bigla ihakbang ni marvin pa abante ang kanyang kaliwang paa at mabilis na umikot.

”Back stab”

Sa kalagitnaan naman ng laban ni Marvin sa kanyang sarili ay may isang nilalang na nagising sa matagal na niyang pagkakahimlay.

“Fuwahahaha sa wakas nagpakita ka rin saakin anak ng hustisya nalalapit na ang iyong pagkawala hahaha”

“Maligayang pag babalik master.”

Ang sabi ng isang magandang dalaga na may itim na kasuotan.
Hammy Creator