Chapter 11 : Eclipse in the Twilight

Napunta si Marvin sa isang magandang hardin nagpalakad lakad siya duon at nakita niya ang isang napakagandang babae nan aka upo sa isang lamesa at mistulang inaabangan siya . Balingkinitan ang pangagatawan nito at may mala porcelanang mga kutis. Meron din itong napaka gandang blonde na buhok. Kapansin pansin din ang purong puting bistida na suot nito meron din itong piring sa mata.

“Matagal na kitang hinihintay sa lugar na ito Marvin.”

“Sandali lang po… parang nakita na kita… umm hala ikaw si Lady Justice.”

Mabilis na Lumuhod si Marvin para magbigay galang sa Babae dahil ang babae lang naman na ito ang tagapamahala ng buong continente ng Rose.

“Hindi mo na kailangan pang mag bigay galang saakin Marvin isa na lamang akong alala ngayon hindi ito ang aking tunay na anyo.”

Snap

Sa isang kumpas lang ng kamay ay biglang dumilim ang paligid. Ang kaninang magagandang rosas ay nalanta. Ang kaninang napaka gandang babae ay puro pasa na ang katawan at hanggang sa mukha ay may pasa ito. Ang kaninang magandang bistida ay nagkagula gulanit. Gulo gulo na din ang kaninang napaka gandang buhok nito. Nanlumo si Marvin sa Kanyang nakita at biglang napatayo. Upang puntahan si lady justice.

“Mahal na Lady Justice ano po ang nangyari sa inyo.”

Dahan dahang inangat ni Lady Justice ang kanyiang kamay at hinawak sa ulo si Marvin.

“huh ano to mga ala ala?”

Nakita ni Marvin ang mga ala ala ni Lady Justice. Isang batang Lalaki na Half elf ang puro Sugat.

“Ano ba yan lagi ka nalang nasusugatan sa pagsasanay nyo ng iyong ina.”

“hahaha ayos lang lagi ka naman nandyan para saakin.”

Napansin ni Marvin na namula ang batang babae na isa namang Elf. Naglaho ang mga ala ala na iyon at pumalit ang isa na namang ala ala. Isang binatilyo na half elf at isang batang elf siguro ito ang mga bata kanina.

“Sigurado ka na ba na susunod ka sa yapak ng iyong ama para maging ruler?”

Tanong ng binatang half elf.

“Wala akong magagawa dahil ito ang naka tadhanang gawin ko.”

Sagot naman ng Dalaga.

“pero ibig sabihin nuon ay sasabak ka sa giyera… Alam ko na magiging sundalo ako para saiyo. Propro tektahan kita.”

Pumalit ang ibang alala at sa labanan ito. Nakita ko na naman ang lalaki na half elf pero may kalaban itong isang minotour. Lumingon sa likod ang lalaki at nakipag titigan ito sa dalaga at mapait na ngumiti.

Speed enhance Strength enhance Attack enhance

Huh? Hindi ba si mang ramon yan ibig sabihin si Lady Justice at si Mang ramon ay…

Hindi na natapos ni Marvin ang kanyiang sanang sasabihin dahil nawala na ang ala-ala at napalitan ito ng bago. Nakita niya duon Si lady Justice na kino koronahan na upang maging reyna. Nakita niya din duon si Kris Kyoushi na Naglalagay ng Tabing sa mata ni lasy Justice simbolo na ito ay ganap nang Reyna. Nakita ko din Duon Si Sir Aerik Fiore at sobrang linis parin ng kasuotan nito. At ang ikinagulat ko ay nanduon rin Si mang Ramon. Ang ipinag tataka ko lang napaka presentable ni mang Ramon dito.

“Bilang bagong Reyna Ako si Lady Justice Ay inaatasan Si Reymund lama na maging personal na knight ko.”

Umingay ang buong lugar dahil Hindi naman isang knight Si Mang ramon isa siyang Salamangkero. Hanggang sa ay isang matandang lalaki ang nagsalita, parang may malaki itong ka tungkulan.

“Hindi ba dapat ay si Sir Aerick Ang maging personal na Knight mo Mahal na lady Justice, dahil hindi naman maitatangi na siya ang pinaka malakas na Knight sa Buong Rose Continent.”

“Aerik Fiore bilang iyong reyna ano ang masasabi mo.”

Lumuhod Si Sir Aerick Sa harap ni Lady Justice at tinabihan ang kanina pang naka luhod na si mang Ramon. Pag upo na pag upo ni Sir Aerik ay kinurot agad ni mang Ramon ang pwet nito dahilan ng pag galaw ni sir Aerik. Kaya pinitik ni Sir Aerik Ang kamay ni Mang Ramon.

“Mahal na reyna isang malaking karangalan ang maglinkod sa inyo, Subalit hindi Ako nararapat. Ipagpaumanhin niyo ngunit Medyo kakaiba si Reymund at hindi siya nararapat na maging knight dahil una sa lahat hindi isa iyang Wizard. Pero Kasama ko Si Ramon sa giyera at kaya kong sabihin sa lahat ng tao dito… Kung gugustuhin ng tao na ito na patayin kayo lahat… kanina pa kayo walang ulo maliban sa Ating reyna. Patay na kayo bago paman kayo kumurap. Pero Hindi mapapantayan ang pagmamahal ng lalaking ito sa bayan. Kaya iminumungkahi ko si Reymund Lama na maging Personal na knight ng mahal na reyna.”

Nawala ang alala at nakita naman niya ang ala ala ng dalawang nilalang na magkawak ang kamay habang tinitingnan ang pag lubog ng araw. Hindi niya namalayan na may luhang tumulo sa isa niyang mata. Bumalik Siya kay lady Justice at hinawakan niya ang kamay nito. Lumiwanag ang kamay ni Marvin at kasunod ang buong lugar. Bumalik sa dating ganda ang lugar at sa dati nitong itsura si Lady Justice. Inalalayan naman ito ni Marvin upang maka upo at nagsalita ang misteryosong babae.

“Ngayon alam mo na kung paano gamitin ang kapangyarihan mo anak.”

Swossh

Nagising sa pagkakatulog si Marvin at biglang tumayo.

“ohh marvin gising ka na pal.. hoy saan ka puupunta.”

Naglakad ang binata papunta sa kwarto ng kanyang ina binuksan niya ang naka selyong pinto. Dahil duon ay na deactivate ang skill na bumubuhay sa kanyang ina. Mabilis naman niyang inilahad ang kaniyang mga kamay at nag salita.

Heal
Hammy Creator