Chapter 14 : Gain and lost
“Bata ito ang huli mong pag subok kailangan mong maka punta sa lugar ng mga witch sa loob ng isang linggo. Kung hindi ka nakarating duon ibig sabihin hindi mo natalo ang totoo mong kalaban. hmm sundan mo lang kung saan papunta ang araw may makikita kang bahay duon baka makatulong sila sige na hahaha a siya nga pala may memory crystal diyan sa kahon basagin mo yan para malaman mo kung ano ang dalawang dagger nay an.”
Walang anu anu ay biglang umalis si mang Ramon. Nasa gubat parin si Marvin di naman na siya nagtaka ng bigla nalang itong umalis dahil nasanay na siya sa ugali nito. Tiningnan niya ulit ang kahon at nakita niya nga ang memory crystal. Kinuha niya ang dalawang dagger una niyang kinuha ang kulay itim at wala namn siyang naramdaman dito na kahit ano mukhang natural lang na dagger ito. Sunod niyang kinuha ang kulay puti dumikit palang ng konti ang daliri niya dito ay nabitawan niya na ito agad. Bumagsak ito sa lupa. Kinuha niya ulit ang kahon at kinuha duon ang crystal. Inihagis niya ito pataas at pag tapat sa kamay niya ay iwinasiwas niya ang itim na dagger sa crystal at nabasag ito. Na ramdaman niya na sapagkasira ng crystal ay may kakaunting enerhiya ang dumaloy sa kanyang katawan. KAsabay naman nuon ay ang mga impormasyon na napnta sa kanyang utak.
Gain and Lost Dagger
Nuong unang panahon may dalawang magkapatid na elf, Si Cain at Abel. Namuhay sa inggit at galit sa kanyang kaptid hanggang ang sa ang galit ay naging puot at ang inggit ay anaging pagkamuhi. Hindi niya alam kung bakit galit na galit siya sa kaniyang kapatid. Unti unting na corrupt ang soul ni Cain at sa tuwing nakikita niya ang kaniyang bunsong kapatid ay parang may bumubulong sa kanya na patayin ito. Dahil sa mga ganoong pa umalis ang nakakaatandang kapatid na si Cain papunta sa ngayon ay tinatawag ng forbidden realm ito din ang naging ninuno ng mga dark elf na kilala sa kanilang dark magic at ang galling sa pakikipag laban. Ang naiwan namang kapatid ay ang nagging pinuno ng mga elf at sa mga nilalang sa teritoryo nila.
Bago maghiwalay ang magkapatid nagpanday sila ng dalawang dagger. Ito ang dalawang dagger na ang isa ay may kulay itim at pulang kulay at ang isa naman ay puti at pula. Parehas may pula ito sa may talim nito sumisimbolo sa kanilang mga dugo. Ang itim na dagger Ay napunta sa panganay na si Cain. Tinawag itong gain dagger dahil lumalakas ito sa pamamagitan ng pag absorb ng lakas ng lahat ng mapapatay nito. Ang putting dagger naman na napunta kay Abel ay tinawag na lost dagger. Kung ang gain dagger ay lumalakas sa pag patay ang lost dagger naman ay lumalakas sa pag buhay ng mga patay ngunit. Buhay din ang kapalit nito kailangang I sakripisyo ng user ang lahat ng kanyang life force upang maka buhay.
“hmm ayos tong binigay ni mang Ramon saakin ahh. Pero bakit nasa kanya to at parang sobrang mahalaga ng dalawang to.”
Aalis na sana si Marvin ng lumabas ulit sa isang portal ang mukha ni mang Ramon.
“Bata hahaha may nakalimutan ako ibigay sayo.”
Ibinato ni mang Ramon kay Marvin ang isang sinturon na may lalagyanan ng dagger sa magkabilang gilid. Isinuot ito agad ni Marvin. Habang sinusuot niya ay lumapit si mang Ramon sa kanya at hinawakan ang balikat niya. Seryoso din ang mukha ni mang Ramon. Na para bang may bumabagabag sa kanyang isipan. Bumuntong hininga ito at tuluyan nan gang nagsalita.
“Bata… Sabihin mo salamat shopee.”
“huh?”
“hahaha wala, ingat ka sa pag lalakbay mo.”
“sya nga pala mang ramon yu..”
“bata tandaan mo wag mo nang balikan ang galit mo ikakapahamak mo lang.”
Mabilis na pinutol ni mang Ramon ang itatanong dapat ni marvin at gumawa ulit ng portal.
“Hays iba talaga ang matandang yun… teka ano yung salamat shopee?.”
Sinimulan ng maglakad ni marvin papunta sa kanluran. Pa hapon na at nag papalabas na din siya sa ng kagubatan. Ngunit may pamilyar na sensasyon ang kanyang naramdaman.
(Panganib)
Hindi nga nagkamali si Marvin at isang fireball ang lumapit sa kanya. Naka talon si Marvin pa atras kaya hindi siya tinamaan. Ang hindi niya inaasahan ay sa pagsabog ng fire ball ay biglang may pana na sumunod dito mabilis niyang hinugot ang dalawa niyang dagger para sanggain ang dalawang ito. Pag bagsak niya sa lupa ay agad siyang tumingnin sa unahan nagulat siya dahil wala siyang nakita.
“Wag kang kikilos ng masama.”
May naka tutok sa likod na ulo ni marvin na pana. Kaya hindi siya agad nakagalaw.
“Sino ka bakit gusto mo ako inatake.”
“ibaba mo muna ang sandata mo. At tumalikod ka”
Inilagay ni Marvin ang kaniyang dalawang dagger. Kakaiba ang kaniyang nararamdaman pero tumalikod ito at nakita niya ang isang isang babaeng naka suot ng kulay violet na breast plate at itim na leather pants na pinaiibabawan naman ng kulay violet na metal boots. May kulay violet din itong buhok. kItang kita ang hubog ng magandang pangangatawan ng babae. Na ito pero hindi nagpadala si Marvin dahil may kakaiba parin siyang nararamdaman dito.
“Ako nga pala si Fatima Thrust. PInadala ako ng aking amo.”
“Ha? Bakit mo ko inaatake? Tsaka sinong amo?.”
“haay bakit ang dami mong tanong. Una hindi ka basta basta mama matay dahil kaya mo I heal sarili mo. Pangalawa… wala ako sa posisyon mag salita pasensya na.”