Pinilit na itaboy ni Marvin ang misteryosong babae pero pinipilit nito na pinadala daw siya ng kaniyang amo. Pero sino naman kaya ang amo nito. Pag tinatanong naman niya ito patungkol duon ay wala itong imik at sasabhin wala siya sa posisyon para sabihin. Medyo dumilim na kaya napag desisyunan si Marvin na wag nalang itong pansinin at tumuloy sa paglalakbay.

Nakalabas na ng kagubatan si marvin at napunta sila sa isang medyo mabato na bahagi ng bundok at ito pala ang tuk tok. Kaya pala pakiramdam niya ay pataas ang kaniyang paglalakbay. Nakita niya duon ang ganda ng paglubog ng araw. Napapaligiran sila ng hitik na hitik na kagubatan.

“Bakit ka ba sunod ng sunod? diba sinabi ko lubayan mo na ako.”

“Alam mo kung hindi lang malaki bayad saakin ng amo ko kanina pa kita pinatay.”

Habang nag dididskusyon ang dalawa ay napansin nila na may usok na. Nagsalita naman si Marvin habang mabilis na naglakad.

“Pag may usok ibig sabihin may apoy, at pag may apoy ibig sabihin may tao baka ito na ang sinasabi ni mang Ramon na makakatulong saakin.”

“Hmm hindi lahat ng usok maganda…”

Muling naglakad papunta sa usok si Marvin at dinala siya nito sa likod ng isang kahoy na bahay sa gitna ng kagubatan. Pumunta sa harap si marvin at nakita niya ang isang taniman at isang lalaki na nagtratrabaho duon. Mabilis na lumapit si marvin pero nakakailang hakbang palang siya ay humarap ang lalaki.

“Ohh may mga bisita ano ang maipaglilingkod ko sainyo”

Humarap kay Marvin ang isang matipunong lalaki pero sa hindi inaasahang pangyayari ito ay isang minotour. Muling bumalik sa utak ni Marvin ang putol na ulo ng kaniyang ama. Ang kalagayan ng kaniyang ina at ang kaniyang nawawalang ate. Hiniwakan ni Marvin ang hawakan ng kaniyang dagger. Sa tindi naman ng kaniyang galit ay binalot siya ng kulay itim na apoy sa buong katawan.

“Bata… I..ikaw ang anak ng hustisya….tumakbo ka bata… Kontrolado ng puppet master ang bawat galaw namin… umalis ka na…. alis na..”

Walang anu anu ay biglang nagkaroong ng itim na kidlat at mabilis na sinuntok ng minotour ang binata. Sobrang bilis ng pag galawa nito ibang iba sa ibang mga minotour at ang ipinagtataka pa nito ay kay nito makipag usap sa mga tao.

“B…bata hindi ko gusto ang aking ginagawa… umalis ka na dito… baka lalo ka lang masakatan....”

Tumilapon sa malayo si Marvin at naaalala na niya naman ang sinapit ng kainiyang pamilya sa kamay ng mga minotour. Nag flashback ulit sa kaniyang isipan ang sinabi ng kaniyang kapatid.

“Bunso babalikan ko sila ang gusto kong gawin mo tumakbo ka palayo dito at humingi ka ng tulong.”

May tumulong luha sa mga mata ni Marvin. Hindi na niya napigilang ma iyak.

“Hindi na ulit ako tatakbo ate”

Gumamit ng black lightning si Marvin papunta sa minotour. Sinuntok niya ng mahina ang mukha ng minotour gamit ang kanyang kaliwang kamay. Na sanga naman ito ng minotour pero umikot si Marvin at gumamit ng back stab.

“Amaaaa hindiiiii huhuhuh”

Dahil mabagal lang ang nakikita ni Marvin ay nagawa pa niyang lingunin kungsaan nanggaling ang boses. Nakita niya ang isang batang minotour na umiiyak habang pinipigilan ito ng kaniyang ina na umiiyak din.

“Bata tandaan mo wag mo nang balikan ang galit.”

Bumalik sa kaniyang ala ala ang sinabi ni mang Ramon. Hindi niya alam pero nung nakita niya ang mag ina ay parang nadurog ang uso niya. Ngunit hindi na nya ma cancel ang spell. Humiling siya na sana maka ilag ang minotour. Ngunit bihira lang ang nakaka iwas sa skill na ito. Kung wala kang teleport ay walang tyansa na maka iwas ka dito. Hangang sa nagulat si Marvin ng parang may pumigil sa kamay niya.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay napuno ng alikabok ang paligid. Pag hupa ng alikabok ay nakita niya ang babaeng kanina pa sumusunod sa kaniya. Isang kamay lang ang ginamit nito sa pag pigil. Hindi pinalagpas ng minotour ang pagkakataon at susuntukin na dapat si Marvin sa ulo. Pero napigilan ito ng babae sa pamamagitan ng pag papatulog dito gamit ang pag hataw ng kamay sa may leeg.

“Hmm hindi mo na kailangang labanan ang nilalang na ito.”

Mabilis namang tumakbo ang mag ina. Galit nag alit na sumugod ang batang minotour at akmang susuguruin si Fatima pero pinigilan lang ni Fatima ang noo ng bata upang hindi ito maka abot. Hinablot namn ng kaniyang ina ang bata at yumuko sa babae.

“Maraming salamat binibini sa pag ligtas mo sa aking saawa.”

“Huh Ina bakit ka nagpapasalamat sinaktan nila si ama.”

Walang imik si Marvin habang tinitingnan sila ng magkaroon siya ng ulirat ay humagul gul ito. Narinig nya naman na nagsalita si Fatima.

“Hmm base sa sinabi niya kanina kontrolado ng Puppet Master ang galaw niya……… Matanong ko lang po misis tumakas po ba kayo sa forbidden realm.”

Nagulat ang misis ng minotour at hinila ang anak papalapit sa kaniya ak ma naman itong tatakas

Kailangan niyong maparusahan kung ganuon nga… pero hindi kayo ang misyon ko kaya wag kayong mag alala hindi ito makakarating sa kina uukulan.”

Umupo naman si Fatima para hawakan ang ulo ng batang minotour sabay naman nuon ay ang pag tayo ni marvin. At kukuhanin na dapat niya ang gain and lost dagger ng mapansin niyang wala na ito sa lalagyanan. NApansin niya din na tumayo ang dalaga hawak na ang kaniyang dagger.

“Anong ginagawa mo sa aswa ko akala ko ba ligtas na kami.”

“Wag po kayo mag alala para din ito sa siguridad niyo.”

Para paring pipe si Marvin na hindi makapagsalita. Hanggang sa ipinahawak ni Fatima ang gain dagger sa kamay ng minotour at ang lost naman sa kabila hanggang sa iginiya niya ang dalawang punyal patungo sa dib dib ng minotour at sinaksak. Isang puting kidlat ang tumama sa minotour. Mabilis namang tumalon si Fatima pa balik. Nagkaroon ng magic circle sa hinihigaan ng minotour matapos ang kidlat. Umangat ang katawan nito at biglang dumilat. May lumalabas namang puting ilaw sa mata at bibig nito.

“AAAAAAAHHHHHHhhhhhh”

Sumigaw ng napakalakas ang minotour na para bang namamalipit ito sa sakit. Hanggang sa ilang saglit lang dahan dahang bumaba sa ere ang minotour at tinanggal sa pagkakasak sak ang dalawang dagger.

“Huh? Hindi na ako controlado ng puppet master.”

Lumuhod naman ito sa dalawa habang umiiyak.

“Hindi kami santo kaya may kapalit yan. kailangan naming ng matutulugan ngayong gabi at mga pagkain. Para sa aming paglalakbay.”

Gabi nan g pero luting parin si Marvin hanggang sa mag umaga na at nagsimula na ulit silang mag lakbay.

“Maraming salamat talaga sa pagtulong niyo saakin. Akala ko nun hindi na ako makakatakas sa pag control ng puppet master. Pero nagkamali ako. Maraming salamat talaga.”

“May kapalit naman ang bagay na iyon kaya wag kang magpasalamat.”

Nagpatuloy nang paglalakbay sila Marvin pero hanggang ngayon ay luting parin ito. Di niya namalayan na nagsalita na pala si Fatima.

“… gusto mo siyang patayin tama ba? Hindi mo matanggap na ang mga katulad niya ay namumuhay ng masaya samantalang ikaw hindi..?”

Biglang natigil sa paglalakad si marvin at nag salita.

“…PInatay nila ang ama ko… Sinira nila ang pamilya ko…”

“Marvin tama ba? Alam mo ang pamilyang yun tumakas lang sa forbidden realm para mamuhay ng tahimik. Oo maaring masama karamihan sa lahi nila pero sa mundong ito wala kang masasabing isang daang porsyento…. Biktima lang din ang lahi ng mga minotour kagaya mo… alipin lang din sila ng totoo mong kalaban.”

Sasagutin na sana ni Marvin ang babae ng bigla na naman itong nagsalita.

“Sya nga pala nandito na tayo s lugar ng mga witch.”

Tumambad sa mata ni Marvin ang napaka gandang syudad at isang misteryoso na namang bababae. Ngunit sa ngayon ay pamilyar na pamilyar ito sa kanya.

“A…ate Ab..y”
Hammy Creator