Nandito ako ngayon sa bahay ni mang Ramon medyo malayo ito sa kabihasnan at malapit lang din ito sa aming bahay. Kakaiba ang bahay nya dahil isang buong tore na bato ito. Pag pasok mo ay parang isang malaking sillid aklatan ang tore at sa gitna ng lahat ng ito ay isang higaan at isang medyo malaking lamesa na puno ng mga naka kalat na libro.
“Bata dun tayo sa labas kakain.”
Sumunod naman ako sa labas may lamesa duon at mga pagkain
“Hmm bata sabihin mo lang kung kailan mo gusting magpatuloy sa pagsubok pero sa ngayon kumain na muna tayo. Sya nga pala wala ka bang plano puntahan ang iyong ina?"
“Hindi…. ko pa po kaya Makita ang aking ina”
Puno ng panglulumo ang boses ni Marvin. Napagdesisyonan nya kasi na saka lang nya punpuntahan ang kanyang Ina kung makakapag higanti na sya.
“Hmm… alam mo bata nagbago ang isip ko bukas na bukas itutuloy mo na agad ang iyong pag eensayo pagkatapos mong kumain ay magpahinga ka na muna.”
Pagkatapos kung kumain ay natulog na agad ako dahil sa sobrang ka busugan ko at sa sobrang pagod. Pagising ko kinabukasan ay may nakahanda na agad na pagkain para saakin. Nakita kong kumakain na si mang ramon kaya pumunta ako sa kina roroonan nya. Hindi ko alam kung bakit nya ako tinutulungan at masama ang kutob ko sa kanya.
“Hoy tanda bakit moba ako tinutulungan hindi mo naman ako responsibilidad?”
“hmm? Ano yon di ko narinig hahaha tumatanda na kasi ako bata humihina na pandinig ko.”
“tsk”
Pagkatapos naming kumain ay handa na sana ako sa pag sasanay pero.
“Bata may pupuntahan ako baka sa susunod na lingo na ako makakabalik, pero wag kang mag alala may magtuturo parin sayo”
May lumitaw na portal sa likuran ng matanda at lumabas ang ceffy na aking binasa nuong unang pagsubok. Baka kasama nito ang magtuturo saakin. Nakita ko na may kape sa lamesa kaya ininom koi to sinarado ni mang Ramon ang portal at nagsalita.
“Bata ito ang pansamantala mong tagapagturo si czef”
Pffffffff
“REFLECT”
“Ha ano? Isang kabayo ang tagapagturo ko?”
Naibuga ko sa muka ni mang Ramon ang kape pero bumalik ito saakin dahil sa skill nya na reflect. Kaya ngayon ang pait na ng amoy ko. Pero ang di ko maintindihan bakit isang kabayo ang aking tagapagturo.
“magaling kang kupal ka akala mo madadale mo ko. Especial na lahi ang mga ceffy at si czef ang pinaka talentado sa kanila(grin)”
Pak.. pak…
Pumalakpak si mang Ramon at nagkaroon ng makapal na usok sa kinaroroonan ng kabayo. Unti unting nawala ang usok at lumabas ang isang batang babae nasa 3 taong gulang, may itim at mahaba itong buhok. Medyo kayumanggi din ang kanyang balat at kapansing pansing may sungay ito sa magkabilang sintido. Nagsalita naman ito at tumakbo kay mang ramon. At tinawag itong papa.
Bleh
“hahaha napaka ganda talaga ng aking anak, Czef ipapaubaya ko muna saiyo ang batang to at tawagin mo syang kuya ha”
“huh, ayaaww. Galit si sef sa kanya. Hmph!”
Napa simangot naman ang bata narinig ko na nuon sa kwento kwento ang tungkol sa mga ceffy na kaaya nilang magpalit ng anyo. Ngunit ngayon ko palang nakita ito sa personal.
“Umm bata narinig ko ang ginawa mo sa kanya, bakit mo naman sya dinuraan. Binasa mo pa sya ng tubig. Takot kasi sa tubig ang batang ito. Siguro mas makabubuti kung hihingi ka ng paumanhin hindi ka ba naaw…”
Tumayo ako at di na pinatapos si mang ramon dahil di ko na mapigilan ang sarili ko.
*pat*
“Kumusta, ako si Kuya Marvin, may matamis ako na bagay ditto, gusto mo bati na tayo.’
“hmph”
Kinuha naman ng bata ang aking inabot sa kanya. Ayyy ang ganda talaga ng batang ito gusto ko syang alagaan habang buhay nalilimutan ko ang problema ko sa simpleng pag tingin ko lang sa kanya.
“hmph, di tayo bati, Marvin engot bleh.”
“Mukhang ayos na kayo kung ganon aalis na ako bata alagaan mo yang anak ko. At czef wag masyaado makulit kay kuya alam mo na gagawin mo ha.”
“hmmm… papa sama sep”
“hindi”
“umm… papa sama sep”
“hindi dito kalang”
“papaaaa sama seeeeeep!!!!”
“Anak wag makulit”
“Huhuhu uwaaa sama sama sama sama sama sama sama samasamaaaaaa:”
Biglang humagul gul ang bata sobrang hirap nitong patahimikin. Di naman makatakas si mang Ramon dahil sa oras na mawala ito sa paningin ng bata ay hahagul gul na naman ito kaya gabi na ng nakaalis si mang Ramon at nagpaalam na nga habang tinitingnan ko ang bata ay may babae na biglang pumasok sa isip ko
“Ate Aby…”