V2. CHAPTER 10 – Match Up!

ARIANNE'S POV

"Ayaw na namin!" Sabay-sabay na nagtakbuhan paalis ng court ang mga team mates ni Pristine at Natalie. All their faces sculpted in horror.

Princesses Wars: All Head Menace. Today, 11 AM @ School's Sports Gym

"What's this?" hindi makapaniwalang naitanong ko kay Bianca habang nasa tapat kami ng bulletin board. Nakisiksik talaga ako sa ibang mga estudyante para matignan lang ito ng malapitan.

"Event."

Na-flat ang mukha ko sa sagot niya.

Pilosopo.

"Noong hindi kapa kasi dumadating kanina nagkaroon ng hamunan si Pristine at Natalie. Ang galing nga ni Noreen oh, nakagawa ka agad siya ng poster."

Tinignan ko ng maigi ang poster. Mala cover ng novel na "School for Good and Evil" ang peg. Class A vs. Class C, may picture pa ni Pristine at Natalie, ang galing, ang dramatic, ang tsoge, nakakahiya! Hindi ko mapigilang mapa-make face. Napalingon ako sa ibang tumitingin at lahat sila'y may balak na manuod. Sabagay, matagal na rin kasing walang ganap na gan'to sa school kaya excited sila lalo na't ang dalawa pa ang bida.

Promoter: Bianca Jeanne Lim

Directed by: Ms. Rose Valdez

Ngiwi kong nilingon si Bianca.

"Promoter? Pasimuno ka ba nito?"

Humalakhak si Bianca, " Nagbibiro lang naman kasi ako, hindi ko akalaing seseryosohin nilang dalawa," katwiran niya.

"Kahit si Ma'am nga oh- In."

Napabuga na lang ako ng hininga. Napakalaking kalokohan talaga nito kung iisipin. Paano kaya nila nakunsinte yung P.E teacher namin?

Noong una ay against ako pero dahil sa mas naging relevant ang topic na 'to kesa sa amin ni Aldred ay papalampasin ko na.

As if naman may magagawa ako.

♦♦♦

"Ayaw na po namin Ma'am!"

Hindi ko alam kung paano nagawang magtawanan ng mga manunuod.

Kahit ako ay matatakot na makalaro sina Pristine at Natalie. Gumamit ata sila ng enhancer bago sumalang sa game. Masyado silang intense, sa bigat ng mga palo nila ay para bang plano talaga nilang pabagsakin ang mga team members ng isa't isa at sila lang ang matira.

Noong mag-ayawan ang mga players ay nagpaalam sila na tutungo sa clinic. Sa pagaakalang tapos na ang game ay bababa na sana ako sa pagiging umpire ngunit pinigilan ako ng dalawang captain.

"Dyan ka lang Arianne hindi pa kami tapos," sabi ni Natalie na ipinagtaka ko. Gamit ang kaniyang palad ay pinunasan niya ang mukha niyang naliligo na ng pawis.

"Huh? Pero dalawa na lang kayo? Paano kayo mag ba-Volleyball?"

"Basta dyan ka lang Aya," ani naman ni Pristine habang naghahabol ng hininga.

Lumingon ako sa P.E teacher namin at ngiting-ngiti siyang tumango. Napailing na lang ako.

Napatunayan ko na may isa nanamang baliw na teacher sa mundo.

"So, at last! This is what we've been waiting for! The true event! The battle of pride and glory; of heaven and hell! of angel and bitch! Hey people! Are you all excited about the main event?! If yes then beat your spirits and yell "Ahoo! Ahoo! Ahoo!"

Nakapagitna sina Bianca at Noreen sa mga audience.

Ahoo! Ahoo! Ahoo!

"Ahoo! Ahoo! Ahoo!"

Ahoo! Ahoo! Ahoo!

"Unbelievable," naging reaksyon ko nalang.

"Okay! at tayo po'y yumuko muna at manalangin."

Nagyukuan lahat sila... Really? Matapos ang lahat? Hindi ko alam kung ano na ang magiging reaksyon ko.

Habang pinapangunahan ni Bianca ang panalangin ay dito naman sa court ay di na nakapaghintay at nagsimula na ang word war ng dalawa.

"Kung ako sayo susuko na ako habang may oras pa dahil sisigiraduhin ko sayo na 'pag nagsimula na tayo, bawat galaw ng oras e bawat lagas din ng ngipin mo," banta ni Natalie.

"Patawa ka ba? Sige na, lumaklak ka muna ng energy drink ng magising-gising ka ah. Huwag mo na palang abalahing itago 'yang ilong mo dahil buong mukha mo na ang pupuruhan ko. I'll beat that whole face into pulp at papadala kita sa tropicana. Sapal!"

"Kung kaya mo."

"Kaya ko talaga."

Bigla ay lumingon sa akin si Natalie.

"Kapag nanalo ako sa akin sasama si Arianne for 1 week."

Nagulat ako sa sinabi ni Natalie kaya't umapela ako.

"Nat—"

"Shhh," Natalie gestured while staring at Pristine. Nangisi siya ng hindi ito umimik. "Ano? Hindi ka makaimik kasi alam naman natin kung sino mananalo di ba?"

Tumingin ako kay Pristine at nag-signal siya ng pagngiti bilang assurance.

"Huh! In your face! Sige, deal, pero kapag ako ang nanalo magiging alila kita sa loob ng isang linggo."

Wala na akong masabi. Wala naman talaga akong tutol. Yung balak kong pag apela kanina kay Nat ay pakitang tao lang naman talaga. Para masabi ko sa sarili ko na may boses naman ako.

At nagsimula na nga ang one on one volleyball match. Sa lahat ng volleyball match sa kasaysayan ay ito ang pinakakakaiba. Okay lang ma-missed ang bola o mag-touch ito sa ground. Para ngang nagte-tennis silang dalawa gamit ang mga kamay bilang raketa pero imbes na "love all" ay "head all" ang scoring dahil makaka-score ka lamang kapag tinamaan mo sa ulo ang kalaban.

Bawat score ng dalawa ay nagtitilian ang kaniya-kaniyang section. Kahit ako nga rin mismo ay napapatili pero hindi dahil sa galak dahil naka-score ang gusto kong manalo pero dahil sa pag-aalala. Putek naman kasi! Basagan ata 'to ng bungo!

Tumingin ako kay Ma'am pero wala ng pag-asa dahil in na in talaga siya sa bugbugan ng ulo ng dalawa.

Nakakatakot talaga silang dalawa dahil biruin mo na naisip nila ang ganitong klase ng laro. Kung may nakakatuwa man dito ay yung nalaman ko lang na pang olympics pala si Natalie at Pristine pagdating sa target shooting.

Bonk!

"Game Over"

Nagsigawan ang mga taga Class C.

Tinignan ko si Pristine bago i-announce ang panalo.

"The winner is Natalie Clair Reinhardt of Class C." Nagtilian ang mga kaklase ni Natalie samantalang si Pristine naman ay galit na inihagis ang bolang hawak niya. Nakasimangot siyang tumingin kay Natalie at malungkot naman na lumingon sa akin bago pumihit patalikod at umalis. Bumaba ako at hinabol siya.

"Hey Arianne! See you simula bukas ah," nakangiting sabi ni Natalie.

◆◆◆

"Ouch ouch ouch, paki dahan-dahanan naman Aya," pakiusap ni Pristine habang nilalapatan ko ng yelo yung maga niyang pisngi. Maswerte nga siya dahil ito lang ang natamo niya. Para lang siyang may puff ng candy.

"Shit! Noreen what the?! Ayusin mo nga," napalingon ako sa kabilang kama kung nasaan naman si Natalie. Impit akong natawa dahil kung sa kanan yung kay Pristine ay sa kaliwa naman yung sa kaniya.

"Iyan sa dami naman kasi ng laro sakit pa ng kata- mukha talaga hinanap niyo ah. Mabuti na lang walang nalagas na ngipin o napanguan ng ilong," natatawang sabi ni Bianca habang nakatayo ito sa pagitan ng dalawang kama.

"Magang pisngi lang!" Dugtong ni Bianca sabay halakhak.

"Makapag salita ka dyan e nakinabang ka naman," ani Natalie.

"What? Anong nakinabang?" Bianca asked in surprise. She looked both sides before turning on Natalie again, "Psst, 'wag ka nga maingay. Chupul ka."

Napabuga na lamang ako ng hininga sa narinig ko.

"Chupul mo mukha mo Bianca. Huh! Naturingang kaibigan ka ng student council president. Hey Noreen kanino pinakamaraming pumusta?!"

Napalingon kami ni Pristine kay Noreen, "Sorry Miss President mas maraming pumusta kay Natalie. Nadala sa pagiging tyrant e— aww!"

Kinutusan ni Natalie si Noreen.

"Anyway, I won and the winner takes the price kaya Arianne sa akin ka sasama for oneweek simula bukas," Natalie emphasized the last two words. Pansin ko ang pagpait ng mukha ni Pristine.

"Eh? Hey Pristine may usapan kayong ganyan?" gulat na tanong ni Bianca. Paglihis lang ng mukha ang itinugon ni Pristine sa kaniya.

"Woah! O my god! Natalie for real? Ang galing mo talaga! The best ka! Kailangan na ng maraming space sa cp ko para sa captured moments natin Aya babe."

Sinamaan ko ng tingin si Noreen, hindi niya  naman napansin na nadiin niya ang icepack sa pisngi ni Natalie.

"Tumigil ka nga Noreen! Saka ayusin mo yung ice pack! My god!"

◆◆◆

Natapos na ang klase at buong araw ay hindi nawala sa usapan ang nangyari sa aming P.E class kanina. Hinalintulad ito ng History teacher namin sa war on drugs campaign, ng home economics teacher namin sa pagbasag ng itlog at ng Science teacher namin sa ecosystem! Napaisip tuloy ako kung paano niya iyon naikonekta! Hindi kasi ako nakikinig.

Despite their opposite charms and attitude, both cousins are popular in our school, both are idolized especially by the lower year that's why every event kahit walang kwenta basta ba involve sila ay pinaguusapan talaga. Maririnig mo na lang na nagsasagutan na yung separate factions nila.

"Miss Pristine is Prettier!"

"No! Miss Natalie is better!"

"Miss Pristine is elegant, well refined! Graceful, disciplined, responsible, maria clara! Best waifu!"

"And boring duh! Fyi Miss Natalie is the modern-day Filipina... confident, mature at palaban!"

"She's a bitch."

"E?! The fuck! How dare you insult her like that?!"

Magsasabunutan na sana sila pero natigilan nang mapadaan ako.

"Hi Ate Arianne..." bati nila sa akin.

Tinignan ko ang kulay ng mga ID patches nila. Mga grade 10. Awkward ko silang tinugunan ng ngiti at saka nagmadaling humabol kina Bianca.

"Kyaaaaaaaah!" nagtaka naman ako nang bigla silang magtilian.

Galing sa aming classroom sa may 4th floor ay pauwi na kaming tatlo nila Pristine at Bianca. Habang naglalakad ay napansin ko ang pagsulyap-sulyap sa akin ni Pristine.

"Arianne I'm sorry..." Aniya, puno ng pagsisisi ang mukha, "For the second time pinahamak nanaman kita. Kung di ako nagpadala sa inis ko hindi ko sana tinanggap yung walang kwentang deal na 'yon."

Katulad ng insidente ko kay Aldred ay nagi-guilty nanaman siya.

"No, it's just okay. Ginawa mo naman yung best mo," nakangiti kong sabi kay Pristine pero hindi pa rin nito napawi ang pagsisisi niya.

"I'm really sorry Arianne..."

Pristine's really sulky. Napabuntong hininga ako at tinignan si Bianca. Hindi naman ako galit sa kaniya. Sa totoo nga ay wala naman talaga sa akin yung deal. I kinda felt guilty though, she's really sad sa nangyari pero deep inside myself ay medyo natutuwa ako na makakasama ko si Natalie.

Tumango lang si Bea sa akin.

"Nah, Pristy I said it's okay kaya 'wag ka na malungkot. Ang hiling ko lang sa susunod, kung mangyari man 'to uli e pakipalitan naman yung laro niyo para hindi ako mag-alala," pabiro kong reklamo.

"Yay! Battle Royale kaya tayo next?" Tinignan ko si Bianca ng masama.

"Oo, tapos ikaw kaya una kong patayin?" sabi ko sa kanya. Nagnguso siya.

"Hard! Patayan agad?"

Tuluyan na kaming nakalabas ng Academic Building at patungo na sa Gate 1.

"Arianne? Okay ka lang ba kay Natalie for 1 week? Paano kung alilain ka niya? Harasin ka nila? Paiyakin ka niya? Awayin ka niya tungkol sa freak na 'yon? Hindi ko mapapatawad yung sarili ko 'pag may nangyari sayong masama!"

Napatigil kaming tatlo sa paglalakad.

"Sa tingin ko hindi naman gagawin ni Nat 'yon sa kaniya. Malawak naman pang-unawa ni Nat, sa sobrang lawak nga di ko siya maintindihan kung ano ba talaga si Arianne sa kaniya," saad ni Bianca sabay hagikgik, "Ayaw niya ba? O gusto niya o inaasar ka lang talaga niya Pristy."

"Wag kang mag-alala Pristy, tama si Bianca, hindi naman magagawa sa akin 'yon ni Natalie o kahit ni Noreen. Hindi ko hahayaang gawin nila 'yon sa akin."

ALDRED'S POV

Kagaya ng sinabi ko kay Arianne ay susunduin ko siya sa kanilang eskwelahan. Nagpaalam ako kina Jerome at Carlo pero nag-insist sila na sumama sa akin. Tatlo kami ay pumunta ng SNGS. Magkalapit lamang ang aming school, mga ten minutes kapag nilakad pero dahil na rin sa parehas ang oras ng aming dismissal ay agad kaming tumungo sa SNGS sa pagalalang mapaghintay ko siya.

"Anyare sa mukha mo Nat?" tanong ni Carlo nang madatnan namin si Natalie sa may bungad ng school gate nila. Nakasandal siya sa may pader at nakatulala sa may kalye ng magambala namin siya. Mabagal niyang nilingon si Carlo at para bang nakakita ng isang walang kwentang nilalang para ibalik nalang niya ang tingin sa direksyon kanina.

"Anyare Nat?" ulit ni Carlo. Dito ay tinignan na siya ni Natalie ng masama.

"Sheesh, do you really need to care? And what are you doing here, monkey?" Masungit na tanong ni Natalie bago isa-isahing tignan kaming tatlo. Medyo natagalan siya ng tingin kay Jerome.

"And who?"

Nagkabangga ang mga paningin namin dalawa ngunit agad niya rin itong inilihis. Naalala ko tuloy yung huling paguusap namin. Hindi ko naman talaga siya naging close pero ang awkward pa rin pala lalo na't alam mo na nasaktan mo talaga siya.

"I'm Jerome Caine Alonzo," pagpapakilala ni Jerome at bilang tugon naman sa kaniya ay nagpakilala rin si Natalie.

Matagal ko ng naikwento si Natalie kay Jerome nang minsan ay makita niyang kasama ko siya sa isang picture sa magazine. Alam niya rin na siya ang first gf ni Carlo, ang babaeng sabihin natin na naging dahilan kung bakit nagkaroon ng Certified Playboy ang NIA.

"Na-realize ko na magkamukhang-magkamukha nga kayo kapag matagal na titignan," Jerome said smilingly. Hindi ko naintindihan ang tinutukoy niya.

"Sino?" manghang tanong ni Natalie.

Jerome looked inside the gate, "Siya... oh, parehas pa kayong maga yung pisngi?"

Magkakasabay silang tatlo na lumabas ng gate. Tinignan ko si Pristine at katulad nga ni Natalie ay maga rin ang pisngi niya, sa kabilang side nga lang. Namangha ako dahil pareho si Jerome at Monique ng inisip.

Pansin ko ang gulat na mata ni Arianne, nakapako ito sa direksyon ni Jerome. Lumapit ako sa kaniya para kunin ang bag niya pero pinigilan niya ako. Ipipilit ko sana pero bigla ay nakaramdam ako ng pagbigat ng pakiramdam. Sobrang bigat na pakiramdam to be exact.

"Anong ginagawa mo dito Jerome?" tanong ni Bianca, "Hindi mo naman siguro inisip na sunduin din ako?"

Bago pa makasagot si Jerome ay naunahan na siya ng tanong.

"Boyfriend mo Bianca?" nakangising tanong ni Natalie.

Napalingon ang tatlo kay Natalie. Gulat dahil tila hindi nila napansin na nandirito pala siya.

Tumawa si Jerome at nag-blush naman si Bianca, "No! He's my stepbrother," she said vehemently. Kind of OA as a reaction pero ang awkward nga naman talaga pag napagkamalan kayong magsyota ng kapatid mo.

But they're step-siblings, it's inevitable.

"STEP SIBLINGS?!" natawa akong tignan ang sabay na reaksyon ni Natalie at Carlo.

Pansin ko ang pagtitig ni Pristine kay Jerome bago niya ilipat ang atensyon sa akin. Para siyang nakakita ng isang panis na keso.

"Gross," mahina ang pagkakasabi pero sapat na para marinig ko. Napalunok na lamang ako. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala na capable ang isang babaeng katulad niya na magsalita ng masama sa isang tao. Nilihisan ako ng tingin ni Pristine pero nakita ko, in the corner of her eye na tinignan niya si Carlo bago mag-update sa isang regretful look ang mukha niya o baka imagination ko lang.

Oo nga si Carlo, sa rami ng Chicks sa paligid namin ay normally mag-iingay na siya pero eto siya't tahimik sa isang tabi. Sabagay, nandito si Natalie baka kaya behave siya.

Right Carlo? Lumingon ako kay Carlo at nagulat ako. He was looking at Pristine. Huwag mong sabihin na nagse-set na siya ng next target niya?!

"Sinamahan ko si Aldred— at oo, naisip ko na rin na sunduin ka," nakangiting tugon ni Jerome. Ayokong pansinin pero nakita ko kung paano nag-react ang mga mata ni Arianne doon. Katulad iyon ng mga babaeng nasisilaw at natutunaw sa school sa tuwing ngingiti si Jerome.

Nag-jolt ng kusa ang kamay ko papunta sa bag niya at pinalo ito. Tinignan ako ni Arianne ng masama. Okay lang at least nanakaw ko ang atensyon niya.

I respect Jerome's charms but I won't let her sweep away my girl.

"Pupunta pa ako sa Center mall may bibilhin ako," sabi ni Bianca.

"E di sasamahan kita. Huwag ka ng kumontra," sabi naman ni Jerome. Wala akong sama ng loob pero mabuti naman at hindi namin siya makakasabay umuwi ngayon lalo na't kailangan kong linawin ito kay Arianne.

"Sama ako Je, may inutos si Mama," sabi naman ni Carlo, hawak-hawak ang kaniyang cellphone. Whoa, good, then solo ko na si Arianne. Nangisi ako, aabot pa sana hanggang tenga iyon pero nalunok ko na lang ng tumambad sa paningin ko ang blangkong ekspresyon ni Pristine. Lumihis ako at ang parang nanggigigil na mukha naman ni Natalie ang nasilayan ko.

Napatikhim ako.

"Hiniwalayan mo na ba si Eunice?" biglaang tanong ni Natalie kay Carlo na ikinagulat ko naman. Napalingon ako kagad sa matalik kong kaibigan. Medyo matagal bago siya sumagot.

"Cool off kami," aniya. Gusto ko sanang magtaka pero si Carlo nga pala ito. Isa nanamang babae ang napagsawaan niya. Kawawa naman.

Ibinalik niya ang tingin kay Pristine na kasalukuyan naman na nakatingin sa akin ng masama.

Wait! Is Carlo serious?!

Kilalang kilala ko na siya at kapag sobrang tagal ng tingin niya sa isang babae ay isa lang ang ibig sabihin noon! He's fishing!

Nagpaalam na silang tatlo, "Hey Aldred baka kung saan mo dalhin 'yan a!" biro ni Carlo. Gusto ko siyang sapukin pero malayo na sila nang isigaw niya iyon.

Huh! Kung may sinabi ka lang bang lugar e...

Nakatingin sa akin yung tatlong babaeng naiwan. Basang-basa ang "distrust" na salita sa kanilang mga mukha.

"Arianne, that Freak is a fraud. Using even his mother's name so he can come after you!" sabi ni Pristine habang mahigpit na nakahawak sa braso ni Arianne.

This girl, hindi lang ako pumapatol pero nakailang beses na niya akong tinatawag na "freak" at verbal abuse 'yon. Nasasaktan din ako no!

"Hey hey hey! Hindi ako nanloloko. Utos talaga 'to ni Mama."

"Neknek mo, ungas!"

Napatitig ako kay Pristine. Dahil sa salitang iyon ay medyo nag-iba ang tingin ko sa kaniya. I dare suggest to the Vicereal household na paki-monitor yung mga pinanunuod ng mga little princesses nila dahil kung anu-ano ang natutunan!

"Hey Witch!" Hinanap ko pa kung sino ang tinutukoy ni Pristine pero nasagot iyon nang mag-twitch sa kinatatayuan niya si Natalie.

Hobby ba niya mag alyas?

"Di ba may gusto ka dito? Bakit di mo pa isako ng mawala-wala na sa paningin ko."

Nagulat ako. Straight to the point, harsh, and really out of grace. Tinignan lang ako ni Natalie sabay irap.

"Nah Pristy, totoo yung sinabi ni Aldred. Nag-aalala kasi si Tita sa akin kaya inutusan niya si Aldred. Honestly nahihiya nga ako sa kaniya at nagpapasalamat din kasi aabalahin niya pa yung sarili niya para makauwi ako ng safe. Please don't be too harsh on him."

Parang may biglang bumuhat sa akin at inihagis ako sa ere ng marinig ko ang mga sinabi ni Arianne. Pinagtanggol niya ako. She cares for me!

"As if he minds being bothered," Pristine said, her face warped in disgust, "Nakakainis," she blurted while staring at me.

Saglit ay napalingon kami sa isang puting van na tumigil sa tapat ng gate. Nagbukas ang pinto ng van at bumaba ang isang lalaki.

"Nakakainis pinagtatanggol mo pa 'yan. Nakalimutan mo na ba kung gaano kalaki kasalanan niya sayo?" Pristine asked.

Umalis si Natalie sa pagkakasandal sa pader at lumapit sa van.

"No, I didn't forget," tugon naman ni Arianne. Tinignan muli ako ni Pristine ng masama bago nagpaalam kay Arianne at lumapit sa van. Nauna pa siyang pumasok kay Natalie.

"Arianne, bukas..." sabi ni Natalie na ikinagulat ko. Alam ko kasi na magkaaway sila pero sa tipo ng tono niya ay parang mali ang iniisip ko.

"Bye,"

"Bye," tugon ni Arianne, hindi ko alam kung makiki-bye bye din ako kaya't mabuti na lang, bago pa ako makapagdesisyon ay nakaalis na ang van nila.

♦♦♦ 

Erururu Creator

V2. CHAPTER 10 – Match Up!