V3. CHAPTER 4.2 – Wandering Cats

ARIANNE'S POV

It was almost lunchtime when Aldred and I decided to have our lunch. Nag-take out kami sa isang cheese themed café at tumungo sa secret spot namin nila Pristine para kumain.

"I'm honored," saad niya bago siya umupo sa pinong bermuda grass. Tinanggal niya ang maskara niya bago pinagmasdan ang paligid. Tumingala siya at nakita ang isang mamahaliing kurtina sa may taas na pinapaalon ng hangin.

"What room is that?" he asked.

"Oh, that's the headmaster's office."

Napatayo si Aldred bigla sa tugon ko.

Kaya ito ang secret spot namin nila Pristine ay dahil sa headmaster's office. Kitang-kita kasi ng headmaster ang lugar na ito kapag dumudungaw siya sa bintana kaya't walang nagtatao dito bukod sa amin.

Tinanggal ko ang maskara ko saka umupo. Pinaupo ko si Aldred at umupo naman siya kahit na parang nagdadalawang isip siya. Bumili si Aldred ng kaniya at bumili naman ako ng akin. Sabay kaming kumain sa ilalim ng mga puno at tahimik na nagmuni-muni pagkatapos.

After lunch ay kailangan ko ng pumunta ng room dahil magi-start na ang shift ko sa horror booth. Sinulyapan ko si Aldred dahil sa pagkakaalam ko'y parehas kami ng oras ng shift. Naabutan ko siyang nakatitig sa akin.

"Is there a problem?" tanong ko.

"Arianne pwede ba tayong mag-picture?" tanong niya, "Pero okay lang naman kung ayaw mo..."

Siraulo.

I smiled. Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang cellphone niya.

"Basta 'wag mo ipo-post."

He nodded.

Ako ang kumuha ng selfie namin. Yung una ay may cat mask, tapos ang sumunod ay yung wala. Nag-picture din kami na hawak-hawak yung mga stuff animals na nakuha ko sa claw catcher. Sinubukang dumikit sa akin ni Aldred ng sobra sa huli naming picture pero agad ko siyang sinungitan ng tingin. Anyway, nag-agree ako na mag-picture bilang pasasalamat sa kaniya.

"Arianne, thank you. I had fun this morning,"

"Me too," nakangiting tugon ko.

Nagprisenta si Aldred na siya na ang magdadala ng mga napanalunan namin. Suot-suot pa rin ang pareho naming mask ay naglakad kami patungo sa may school yard para ihatid ko siya nang bigla siyang mapatigil.

"Arianne, can you visit our booth? Of course, only if you have time…" Nag-nguso siya. Napaisip ako saglit bago siya tanguan.

"Okay, I'll text you kapag papunta ako roon. Basta ba ibi-visit mo rin yung amin."

"Syempre!" he happily replied.

"Ano nga bang booth niyo?" tanong ko.

"Secret," tugon niya na medyo nakapagpa-bwiset sa akin.

Secret pala ah...

"Okay, e di secret din yung sa amin."

Pagdating namin sa may school yard ay parehong naagaw ang atensyon namin ni Aldred ng isang tinig. We looked at our backs and saw Jerome smiling at both of us. Napaatras ako ng kaunti. His smile is so bright kaya mas lalong nag-aliwalas ang mukha niya. I felt my cheeks burning just because of his presence kaya't salamat sa cat mask ni Aldred dahil natatakpan nito ang mukha ko na sa tingin ko'y nagsimula ng mamula.

"So, kayo pala yung tinutukoy nila na mga pusang gala na pinapanalo halos lahat ng mga games."

Lumapit si Jerome sa amin saka tinapik ang braso ni Aldred.

"Hoy ano ka ba ha? Baka makilala kami," bulong ni Aldred.

Natatawa namang bumitaw si Jerome.

"Don't worry because both of your faces are concealed. Kung hindi lang kita nakita na ginagawa mo 'yang mask e baka di talaga kita makilala," saad ni Jerome.

Napalingon naman ako kay Aldred noong malaman kong gawa niya lang pala ang mask na ito.

"I hope you had fun, Arianne. Aldred told us that you have a hard time being looked at by people that's why he really put an effort into creating that mask for your sake."

Hindi ako nakapagsalita at napalingon lang kay Aldred. He smiled at me which I answered with a mumble "thank you". I don't know what's with me today but I can't ignore that something inside me is throbbing every time I look at Aldred.

I noticed how I differently treated Aldred this day, unlike those previous days we were with each other.

"Ang galing talaga, ang hirap niyo talaga kilalanin dahil dyan sa mask—"

Napatigil si Jerome sa pagsasalita nang makarinig kami ng boses na pamilyar sa akin.

"ARIANNE BESSY!"

Gulat akong napalingon sa direksyon ng gate at nakita ko ang isang babae na tumatakbo papunta sa akin. She jumped at me na hindi ko naiwasan ka agad. Mabuti na lamang ay napanatili ko ang balanse ko kaya di ako natumba.

"Arianne grabe, alam ko nakapunta na ako dito hindi ko lang maalala pero ang laki pala talaga ng school niyo. Tapos ang saya-saya kasi ang daming booths sa labas."

Tinanggal ni Felicity ang pagkaka-akap sa akin. Napansin ko naman ang tinginan ng mga tao sa amin.

"That's Felicity Reign Cortez now?"

"Oh mygee, SES' Fallen Princess is here. Grabe, I know she's discreetly hot but damn now her appeal is overflowing!"

"Wait, Felicity mentioned Miss Arianne's name... Is she the girl behind the cat mask?"

"I'm not Arianne," pagtanggi ko. Bigla ay nakatikim ako ng kutos.

Tumawa si Felicity ng malakas na halos makita ko na ang tonsil niya.

"Gago ka ba? Nakakatawa ka Arianne. Nagpusod ka lang ng buhok saka nagsuot ng maskara kala mo di ka na namin makikilala?" Tumingin si Felicity sa likod niya. "Di ba Enri?!" sigaw niya sa naglalakad na si Enrico.

Wala na akong pake kaya't tinanggal ko na ang mask para maipakita sa pasaway na si Felicity ang reaksyon ko.

I grunted at her.

"Anong meron ba't naka-mask kayo? Theme ba 'yan ng booth niyo? Mga mascots ba kayong dalawa Mr. Genius?"

Bumaling si Felicity ng tingin kay Aldred. Nagtaka naman ako sa tinuran niya.

"Good day Mr. Jerome Alonzo, Miss Arianne and?" Tinanggal ni Aldred ang maskara niya, "Oh, ikaw pala 'yan Aldred hindi kita nakilala," saad ni Enrico.

"Hala siya! Ang engot mo naman? Hindi mo siya nakilala?" nakakunot noong tanong ni Felicity.

Apat kami ay hindi makapaniwala sa kaniya. Kita naman ang pagtataka sa mukha niya dahil sa reaksyon namin.

"This mask is for concealment," paliwanag ni Aldred bago niya tignan sa mata si Felicity. Napalihis tuloy si Felicity ng tingin bago napakamot sa batok niya.

"Ah hehe, sorry naman. You should atleast hide both of your smell too para hindi ko kayo naamoy kasi," paliwanag ni Felicity saka tumabi kay Enrico para magtago.

"Pagpasensyahan niyo na siya. Kakatuklas lang din namin nitong nakaraan na may lahi pala siyang aso."

Pigil akong natawa sa sinabi ni Enrico.

"I guess kahit nabura yung alaala niya may mga bagay pa rin sa pagkatao niya na hindi maaalis," sabi ni Aldred na para bang kilala niya si Felicity ng lubusan.

Pansin ko ang pagtataka sa mukha ni Enrico bago siya lumingon kay Jerome, "Anyway I want to thank the JFE Committee for formally inviting our student council and disciplinary committee to this event."

"You're welcome, it's our pleasure to have your presence," nakangiting tugon ni Jerome.

"Sige na Arianne at Aldred, dadalhin ko muna sila sa committee," paalam sa amin ni Jerome. Nagsimula siyang maglakad at sumunod naman sa kaniya ang dalawa.

"Hey! Mr. Genius, naalala na kita! I won't be able to defeat you this upcoming General Quiz Bee pero pinapangako ko na this guy, Enri will finally be going to defeat you!" biglang pahayag ni Felicity.

Ngumiti naman si Aldred sa kaniya at tumango, "Let's see then," sabi ni Aldred. Napatitig ako sa kaniya hanggang sa lumingon siya sa akin.

"So, you know them?" tanong ko dahil wala siyang nabanggit sa akin noong mag-krus ang landas namin noong Sabado.

"Si Felicity lang, lagi kasing siya yung nakaka-compete ko sa last stage ng General Quiz Bee Competition," sagot niya na nagpakorteng O sa bibig ko.

Felicity said that Enrico would finally defeat him.

Finally...

Felicity is the top 1 student of SES, a genius by birth and above everyone else before her accident. For her to say that word to Aldred only means one thing.

Nakatingin ako sa lalaking hindi ko pa talaga lubusang kilala.

♦♦♦

Nagpaalam na kami ni Aldred sa isa't isa. Honestly ayoko pa sana dahil may mga gusto akong itanong sa kaniya. Makakapaghintay naman ako pag-uwi ng bahay. Ako yung mag-start ng conversation namin para hindi siya ma-ilang. Hindi rin ako magsusungit sa kaniya para hindi siya magtampo.

Paakyat ako ng hagdaan nang makasabay ko ang ilang estudyante na galing theater. Lahat sila ay ngiting-ngiti habang nag-uusap at nakakarinig pa nga ako ng mga impit na kilig at ngiti.

"Kyaa! Ang cool ni Miss Natalie! Oh my god, kung katulad niya yung prince charming ko magpapabuntis na ko kahit ilan pa."

"Gaga ka! Mahiya ka nga sa sinasabi mo."

"Ang swerte rin ni Miss Shane, real yung kiss nila di ba? Tapos ilang set nila gagawin 'yon sa loob ng isang linggo, my god!"

"Oh, to be her! Siguro kilig na kilig na yung bruha na 'yon. Nakakainggit parang sobrang lambot pa naman ng labi ni Miss Natalie!"

Masyado silang marami kaya balak ko sana silang paakyatin pero tumigil silang lahat nang mapansin ako.

"Hi Miss Arianne!" sabay-sabay na bati nila sa akin. Napangiti na lamang ako kahit naiilang ako. Nilahad ko ang kamay ko para isenyas na mauna sila pero pinauna pa rin nila ako.

Pagdating ko ng booth namin ay boses ni Bianca ang nag-welcome sa akin.

"Arianne!"

Nakasilip siya sa kurtina na nagse-separate sa mga customer ng booth namin at sa mga crew. Kasama niya sa loob si Pristine na kumakain.

"Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap. Kumain na tuloy kami. Tinawagan ka namin pero nasa bag mo pala yung phone mo," sabi ni Bianca.

"Pasensya na naglibot-libot kasi ako. Kumain na rin pala ako," sabi ko sa kanila bago umupo sa tabi ni Pristine.

"Aya wala kaming gagawin ngayong hapon. Maglibot-libot kaya tayo," suhestyon ni Pristine.

"Pero shift ko na kasi mamaya e," tugon ko naman na agad nagpabagsak ng mukha niya. Tinignan ko si Bianca at hilaw siyang napangiti.

"Pwede namang bukas na lang ng umaga," maingat niyang suhestyon na pareho naming sinuklian ni Pristine ng ngiti at pagsang-ayon.

Matapos ang tanghalian ay pinili nila Bianca at Pristine na manatili sa classroom para makapagpahinga habang ako nama'y sinuot na ang costume na binigay sa akin ni Bianca.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nang makita ako ng dalawa at ng mga kaklase ko ay bigla silang nanahimik bago naghagikgikan.

I know, I know. Nakakatakot ako, tss.

"Mali ata ako ng costume na naibigay sayo," saad ni Bianca.

Tinutok sa akin ni Pristine ang phone niya at muntik na akong masilaw sa flash nito.

"Ang cute mo Aya," sabi niya at isa pang pag-flash ng camera ang umagaw sa atensyon ko.

"I wouldn't mind being bitten by you, Babe," that voice. Nilingon ko si Noreen. Ewan at paano siya nakapasok sa kwarto namin.

Tumungo na ako sa pwesto ko sa entrance. Makailang saglit lang ay narinig ko na ang pagtilian ng mga estudyante at mga sibilyan na pumasok sa horror booth namin.

♦♦♦ 

Erururu Creator

V3. CHAPTER 38.2 – Wandering Cats