CHAPTER 13.5 – Dinner Talk

ARIANNE'S POV

"Pristine, kilala mo ba yung Charles?"

Kumakain na kami ng dinner noong magtanong ako. Tumingin sa akin si Pristine at umiling. Saglit ay nagsalita siya.

"Oo, boyfriend ni Eunice and NIA's resident playboy," tugon niya na nagpatango sa akin ng dahan-dahan.

"Ah, okay..." Napatitig ako kay Pristine.

Akala ko ba di niya kilala?

We are currently in our mini dining area eating our dinner. Honestly, masasabi kong may advantage talaga ang maging kaibigan si Pristine. We are living in a dorm so supposedly dapat ay kwarto lang ito na may space para sa bunkbed, cabinet, study table, books at washroom para pagsaluhan ng dalawang tao pero ang room namin ni Pristine ay special. Complete with everything, from separate beds, separate study tables, separate cabinets, television, fridge, has a kitchen area where we can cook, dining area, at wash room na may bathtub.

Well, hindi lang naman ako ang maswerte dahil si Bianca naman ay ka-roommate ng pinsan ni Pristine whose room has the same set-up as ours.

Sa ground floor ng dorm ay mayroong living room, play room, dining room at kitchen na para sa lahat. Minsan kapag napaparami ang luto ko ay nagdadala ako sa baba, sa main dining area para mapagsaluhan ng ibang dormmates. Minsan rin ay nakikisalo kami ni Pristine sa kanilang kumain.

"Bakit? May problema ba Aya?" Pristine asked in a playful tone.

"He's irritating…"

"Oh," Tumango si Pristine.

"And did you not notice him? Kung makatingin siya sa'yo," sabi ko. Ayoko mang pansinin iyon noong nasa NIA kami ay hindi ko naman maalis sa isipan ko yung aksyon ng Charles na 'yon.

Tumigil si Pristine sa pagkain, "O talaga?" balik niya. Sunod ay ngumisi siya.

"He is a playboy after all," Pristine emphasized.

Ilang minuto ang lumipas matapos ang usapang 'yon nang may biglang kumatok sa pinto. Tumingin ako sa orasan, 6:30 PM bago ako tumayo para pagbuksan kung sino iyon.

"Konbanwa!" masayang bungad ni Bianca. Nginitian niya ako na para bang gusto niyang ipabilang ang lahat ng ngipin niya.

"Gabi na ah, anong ginagawa mo dito?" Hindi ko naiwasang magtanong at hindi ko rin naiwasang tumaas ang tono ko.

"Aish, over naman nito. Pwede bang papasukin mo muna ako baka may makakita sa'kin eh," saad ni Bianca habang pasulyap-sulyap sa paligid. Sunod ay itinulak niya ako saka pumasok siya.

Napairap na lang ako.

"O, ba't nga nandito ka? Hindi porke't walang curfew ngayon tatambay ka na dito," sabi ko habang mahinang itinutuktok ang talampakan ko sahig. Kasalukuyan namang tinatanggal ni Bianca ang sapatos niya.

Tumingala si Bianca sa'kin at tinignan ako ng masama, "Gusto mo kutusan kita ah?"

"Ayaw," I pout and let her in.

"Ay nako, buti na nga lang talaga walang curfew ngayon. Pa'no ba naman kasi ako makakatagal mag-stay sa dorm eh yung roommate ko ang sama ng aura," reklamo ni Bianca sabay padabog na nilagay ang sapatos niya sa shoeshelf, "Akala mo siya lang yung tao sa room kung makapagdabog. Pati gamit ko muntik ng lumipad," dugtong pa niya bago siya dumiretso papunta kay Pristine.

"Bakit? May nangyari ba?" tanong ko na hindi na natugunan ni Bianca dahil sa pagkabigla nang makita namin si Pristine.

Babatiin sana siya ni Bianca pero naabutan namin siyang nakatulala at tila malayo ang iniisip habang ngumunguya.

"What happened?" Bianca whispered.

Napatingin lang ako kay Bianca then shrugged. Gaya niya ay nagtataka rin ako.

"Baka ninanamnam niya lang yung pagkain?" I answered. Bianca stared at me and we both giggled, "Anyway, kumain ka na ba? Kumain ka na dito kung hindi pa."

Bigla ay parang natauhan si Pristine. Tumingin siya kay Bianca sabay kibot ng kilay. Bumalik naman na ako sa pwesto ko para magpatuloy kumain.

"Bianca anong ginagawa mo dito? Gabi na a?"

"Tanungin mo si Nat kung bakit. Hay! I have no idea what happened to her para magmaktol siya ng ganoon," saad ni Bianca habang hila-hila ang isang upuan papunta sa maliit naming dining table.

"As if naman," Pristine replied.

"Hayaan mo na Bea, baka may nangyari lang talaga na hindi maganda sa kaniya ngayon," sabi ko. Pareho sila ni Pristine ay tumingin sa akin. Umirap si Pristine habang bumuga naman ng hininga si Bianca. Nginitian ko naman sila.

"Anyway, let us change the topic. Alam mo ba Bea na nakausap namin ni Aya yung kaibigan ni Aldred Cuzon. Gusto nila mag-apologize sa nangyari na parang ganun-ganon lang and I was like no way!" kwento ni Pristine.

"Eh? Really? Wait what happened? Saka... hey! Ikaw talaga nag-decide?" reaksyon ni Bianca saka sunod na tumingin sa'kin. Kita ko ka agad ang kinang ng mga mata niya, "Hey, Aya, anong nangyari?" That question, as expected.

Ilang beses kumurap ang mga singkit na mata ni Bianca habang maamong nakangiti sa akin, "Tell me, tell me," turan niya. Parang bigla akong nakakita ng isang buntot na kumakawag-kawag sa likuran niya kaya alam kong wala akong magagawa kundi ilahad yung nangyari.

Saktong tapos na ako kumain noong magtanong si Bianca. Inilapag ko sa plato ang hawak kong kutsara't tinidor bago ako nagkwento. Sinabi ko sa kaniya yung sinabi ni Jerome, yung gusto ni Jerome na mangyari. Sinabi ko rin na hindi pa ako nakakapag-decide.

"Gosh, ang lakas pala talaga ng tama sayo ni Aldred. Yay! Ang landi mo, kung ako sayo papatawarin ko na siya para ma-continue niyo 'yang love story niyo. Kung tutuusin may first kiss na rin naman kayo eh bakit di niyo pa ituloy."

"Are you out of your mind?" Nairita ako sa narinig ko to the point na napahawak ako ng mahigpit sa tinidor na ginamit ko sa pagkain.

Sabay kami ni Pristine na napatingin kay Bianca ng masama.

"Bugbugin kaya kitang balimbing ka?" dagdag ko bago ako tumayo papuntang lababo.

"Gusto mong malagutan ng hininga Bea?" Narinig kong sabi ni Pristine. Nakatalikod ako pero ramdam ko ang madilim na aura niya sa mga salitang iyon.

"Joke lang. Hindi naman kayo mabiro," bawi niya at pilit na tumawa, "Pero iyon lang yung nangyari? Hindi man lang kayo nagkatagpo ni Prince Charming? Sayang naman."

Napapasingkit na lang ako sa mga sinasabi ni Bianca. Gusto ko siyang kaltukan sa totoo lang.

Parehas kami ni Pristine na tapos ng kumain ang naiba lang ay inililigpit ko na ang pinagkainan ko habang siya naman ay nakaupo pa rin. Nakasandal ako sa may counter habang umiinom naman si Pristine nang mapansin ko ang biglaang pag-narrow ng mga mata niya pati ang paglalim ng mga lagok niya ng tubig.

Padabog na binaba ni Pristine ang baso niya, "Bea! Another guy is stealing Arianne away from me! Hindi lang yung freak guy na 'yon!"

Nagulat ako sa narinig ko dahilan kaya agad akong dumipensa.

"Huh? Hey! Hoy, Pristine anong pinagsasa-sasabi mo?!" bulalas ko. Bigla ay naalala ko si Jerome at agad uminit ang pisngi ko.

"Hala, mukha nga ah," reaksyon ni Bianca pagkalingon niya sa'kin, "Paktay tayo dyan! Ayii, anong sabi sayo? Nagpapahiwatig ba? Mas gwapo ba kay Aldred? Type mo?" sunod-sunod niyang mga tanong.

Parang tumaas ang temperatura sa kwarto dahil sa mga kwestyon niya. Napayuko na lamang ako dahil sa hiya.

"What the? Don't tell me Aya na ikaw yung nagnanasa?"

"Si-sira! And... and what kind of conclusion is that?! 'Wag ka nga maniwala dyan kay Pristy!"

Nagnanasa? Baliw.

"Wushu, okay lang 'yan Aya at least ikaw yung inlove sa kaniya. Ano ligawan na natin? Ano name pa—?"

Nabulabog kami ng padabog na pagtayo ni Pristine.

"NO WAY!"

Masyado kaming naging busy ni Bianca sa pakikipagusap sa isa't isa kaya hindi namin napansin ang reaksyon ni Pristine. Pinuntahan ako ni Pristine sabay inakap niya ako ng matindi.

"NO WAY! Friend siya ng freak guy na humalik sayo and may friend din sila na playboy. Kaya hindi, hindi ako papayag na magkaroon ka ng involvement sa kanila."

Napatanga kami ni Bianca kay Pristine dahil sa reaksyon niya.

"Who are you? Her mom?" Palarong ngumuya si Bianca, "Ang KJ mo girl. Hindi ka ba naniniwala sa judgement ni Aya. Look, first time niya lang ma-inlove siguro iba naman yung taong 'yon sa freak saka sa playboy."

Napatango ako sa konklusyon ni Bianca habang nagsimangot naman si Pristine. Totoong iba talaga si Jerome sa kanila sa isip-isip ko pero may mali sa narinig ko.

"Hey! I'm not in love!" giit ko.

"Whatever," saad ni Bianca, "Pero ano nga name para ma-search ko sa net?" she asked giddily after ignoring me.

Nagko-contemplate ako kung sasabihin ko ba. Nakakahiya kasi pero baka naman magmukha akong guilty kapag hindi ko sinabi. Well, si Bianca naman 'to so okay lang.

"Jerome Alonzo? Jerome Caine Alonzo," tugon ko.

Matapos kong pangalanan si Jerome ay para bang biglang nanahimik ang paligid. Walang electric fan sa dorm room namin pero parang biglang umihip ang hangin.

"Ring a bell?" tanong ni Pristine.

Tipong tatayo sana si Bianca pero sumagi ang tinidor na hawak niya sa kanto ng mesa. Nalaglag ito kaya't pinulot niya.

"Siya yung friend ni Aldred na nag-apologize saka siya rin yung chairman ng NIA para sa Joint Foundation Event," dugtong ko.

"I see, so Aya has hots for my step-brother pala a," saad ni Bianca pagkahawak niya sa tinidor. Sa sobrang pagsunod ng mga mata ko sa aksyon ni Bianca ay parang nahati ang pag-iisip ko kaya't late na nang ma-realize ko ang punto ng sinabi niya.

"For real?" Napalingon ako sa nag-react na si Pristine bago ako bumaling kay Bianca.

"You're kidding, right?" reaksyon ko.

Bianca stood straight and then answered me, "I'm not. Jerome, unfortunately, is my stepbrother," she smiled.

♦♦♦ 

Erururu Creator

V1. CHAPTER 13.5 – Dinner Talk