V2. CHAPTER 12.5 – Fancy Meeting

ARIANNE'S POV

"Uhmm, Arianne, is it okay that uhmm, na samahan mo ako sa Central?"

Natalie is just asking so I don't know why her face is red and she kinda looked embarrassed.

"But it's okay if you don't want to, pero kung gusto mo ihahatid naman kita pauwi," Natalie added quickly. Saglit tuloy akong napatitig sa kaniya.

Uwian at papalabas na ako ng classroom nang matigilan dahil sa pagsalubong sa akin ni Natalie. Nakatingin sa amin ang mga nakapaligid na estudyante kaya agad na may namuong pressure sa dibdib ko. I looked at my back and I saw Pristine's sulky face. Napabuga na lamang ako ng hininga bago ilipat ang tingin ko kay Bianca.

"Bye Aya!" Bianca grinned and then waved a huge goodbye.

Ngumiti ako at tumango kay Natalie.

"Okay lang pero hindi mo naman na kailangang ihatid pa ako pag-uwi," I said to her at bigla niya na lang akong inirapan. Hindi ko tuloy siya maintindihan.

Habang maglalakad ay hindi kami naguusap ni Natalie. Nangiti ako, katulad noong dati ay tahimik pa rin siya. Sumakay kami ng jeep at lahat ay nakatingin sa kaniya. Sino ba namang hindi? Marahil ay namukhaan din siya ng mga pasahero bilang model ng mga sikat na cosmetic at fashion brands.

"Natalie, ano nga palang gagawin natin sa Central?" tanong ko habang nasa kalagitnaan ng byahe. Tinignan niya lamang ako at hindi sinagot. Napalingon ako sa harap ko at napansin kong lahat ng nasa side na iyon ay nakatingin sa akin. Tumingin ako sa aking magkabilang gilid at katulad ng sa harap ay nakasulyap din silang lahat sa akin. Napalunok ako dahil biglang sumikip ang pakiramdam ko.

"Pre di ba siya yung nakasakay natin noong nakaraan? Shit, ang ganda niya talaga..."

"Oo nga, pero di ba si Natalie yung kasama niya? Yung model?"

"Oo, pero para sa akin mas maganda siya. Ano kaya name niya?"

Naririnig ko ang ilang usapan ng mga kasakay ko. Napasulyap ako kay Natalie pero ni hindi niya man lang ako pinapansin. Hindi nanaman ako mapakali sa pwesto ko kaya pinili ko na lang yumuko. Makailang saglit ay tumigil na ang jeep sa designated stop nito.

"Are you alright?" tanong ni Natalie pagkababa namin. Humabol muna ako ng hininga bago ngumiwi bilang tugon sa kaniya. Saglit niya akong tinignan bago naglakad na lang ng bigla. Agad naman akong sumunod sa kaniya.

Pumunta kami sa isang building sa Central at pumasok sa isang fancy cafe na kulay pink at orange ang theme. Wala masyadong tao sa cafe. Tahimik at ang tanging maririnig mo lamang ay isang piano piece na alam kong sikat ngunit di ko maalala ang titulo. Inaya ako ni Natalie na maupo sa table sa tabi ng bintana.

"Nocturne Op. 9 No. 2," she said almost inaudibly.

"Arianne, what do you think? Which do you think is better?" tanong ni Natalie na hindi ko ka agad na-gets. Pinihit niya ang dalawang lipstick na hawak niya hanggang sa mag-stickout ang shade ng deep red matte at nude matte.

Ilang akong natawa.

"Honestly I don't know, pero I saw you wear both at parehong bagay sayo... hmm, but you wouldn't take that as an answer, right?"

Natalie looked sideways, "Yep, I need a definite answer," she answered still not looking at me.

"I prefer the nude matte though, kapag red kasi ang sexy and fierce mo tignan... medyo nakaka-intimidate? Pero kapag ito ang cute mo," sagot ko at bigla niya na lang ini-snatch yung nude matte na hawak ko. Nakayuko niya itong in-apply sa labi niya.

"Kapag ba ito lagi yung gamit ko, hindi ka na matata—"

"Natalie!"

We were both interrupted.

Napalingon kami sa direksyon ng boses na tumawag kay Natalie. Nang makita ko ang nagmamay-ari noon ay agad ko siyang namukhaan.

Mr. Manansala?

Binalik ko ang tingin ko kay Natalie para tanungin ang naudlot niyang nais sabihin sakin ngunit "Nevermind" ang nakuha kong sagot.

Tinanong ko na lang siya kung kilala niya ba ang lalaking tumawag sa kaniya at tumango siya.

Lumapit si Mr. Manansala sa amin. Marahan naman akong yumuko at lumihis ng tingin sa kaniya.

"Hey sexy," narinig kong bati ni Mr. Manansala. Na-imagine ko siyang nakangiti na parang isang manyak.

"Hi Sir," I heard Natalie reply flatly.

"Hey a! Nat, why are you like that to me? Aren't you surprised to see your ever handsome manager? It's been a week na hindi tayo nagkita and I really miss you tapos ganyan ka sa akin? Huhuhu." He dramatically said bago kinuha ang baso ng juice KO at nakarinig na lang ako ng slurp.

Manager?

Napalingon ako ng biglang tumayo si Natalie at sinipa si Mr. Manansala bago hablutin sa kaniya ang baso ng inumin ko.

"The heck Sir! Sheesh, what are you doing?! Huwag ka nga manguha ng basta-basta!"

"Ouch, ouch, ouch. Grabe ka naman Nat! Sorry, akala ko kasi sa iyo yung drink."

"Tsk, gross," Natalie blurted while looking at the straw of my drink. She didn't even bother herself to listen to Mr. Manansala's complaint and apology.

"I'm sorry Arianne, papalitan ko na lang 'to," Natalie said and I looked up at her, the cue that made Mr. Manansala recognized me.

"Hey, I know you!" he exclaimed. I immediately shifted my face right away from his sight.

"You're that pretty girl! Ikaw yung girl na na-meet ko last fashion show sa may Central Mall. Yung naapakan ko pa nga sapatos mo di ba?"

Binalik ko ang tingin ko sa kaniya at tamad na tumango.

"Ah, what is this? Do you know each other?" Natalie wondered with irritation still lingering on her face.

"Nope, but remember the last time we met? Nagkwento ako di ba about sa girl na na-meet ko na model material? Siya yung tinutukoy ko Nat! Ang pagkakataon nga naman. Hindi ko akalain na magkakilala pala kayo."

Nangiwi ako. Napatingin naman sa akin si Natalie na purong pagkamangha na ang ekspresyon. Tumayo ako para kahit papaano'y makapagbigay galang. Inilahad sa akin ni Mr. Manansala ang kanang kamay niya upang makipag-shakehands ngunit nang aabutin ko na ito ay hinampas ni Natalie ang kamay niya.

"Manyak yan," she blurted.

"Aba'y loko ka Nat ah! Masyado mo na akong inaabuso! Huhuhu," reaksyon ni Mr. Manansala sabay pout bago ngiti. Mukha siyang loko-loko kaya siguro kahit manager siya sa SOMA ay parang loko-lokohan siyang i-treat ni Natalie.

"Name's Arianne, right? Nice to meet you again. By the way, Arianne, hmm, Arianne... I think may naikwento na rin si Nat sa akin tungkol sayo," banggit niya bago parang may inaalala. Lumingon siya kay Natalie gayundin ako at naabutan namin siyang lumihis ng tingin.

Ipinatong ni Mr. Manansala ang baba niya sa naka-check niyang mga daliri.

May nabuong katahimikan sa pagitan naming tatlo pero sabay-sabay rin kaming nabulabog ng boses na pamilyar hindi lang sa akin kundi alam kong pati kay Natalie.

"Hey Sir! Sa-an-na-yung-pwes-to-na-ten?" Biglang parang naging robot si Aldred habang papalapit siya sa pwesto namin.

"Arianne?"

NO ONE'S POV

AWKWARD SILENCE.

Marahang idinampi ni Roel ang kaniyang labi sa straw ng kaniyang inumin. Calamansi Cucumber Shake, naaamoy niya ito habang inisa-isang tignan ang tatlo niyang kasama.

"So here is the gorgeous Central Girl who is friends with the smexy Natalie who is in love with the dumb Aldred who is also in love but with the gorgeous Central Girl who is yeah, friends with smexy Natalie."

Marahang humigop si Roel na dahilan para tuluyang magising ang katahimikan.

"Arianne," sabay na tawag ni Natalie at Aldred. Hindi naman alam ng isa kung kanino una lilingon.

Tumayo si Natalie.

"I'll just go to replace your drink."

"No, it's okay Nat, yung straw na lang papalitan ko."

"Then ako na yung kukuha ng straw," sabi naman ni Aldred pagkatayo. Masama siyang nilingon ni Natalie habang napatanga naman si Roel kay Aldred. Medyo nag-buffer si Arianne bago siya na ang kusang tumayo at walang imik na tumungo sa lugar kung nasaan ang mga straw.

"So, guys! Natalie! Natalie! How's your day?" masiglang tanong ni Roel na nakaani naman ng panlilisik na tingin mula kay Natalie. Napatikhim na lamang siya.

"Ano pala't napunta ka dito sa cafe? At kasama mo pa ang friend mo..." saad ni Roel sabay higop sa inumin niya.

"Hindi po ba obvious Sir? Kumakain kami dito," masungit na tugon ni Natalie sabay lingon ng masama kay Aldred.

"Bakit kayo nandito?" tanong niya kay Aldred. Marahan nitong tinignan si Natalie.

"Sir proposed a new modeling gig for me so... we are here to celebrate."

Hindi na umimik pa si Natalie. Sa pagbalik naman ni Arianne ay muli namang nagsimula ang pakiramdaman. Medyo naguguluhan si Roel pero ayaw niyang manghimasok kaya sinimulan niyang magsalita at tumuon sa ibang topic.

"Hey Miss sabi ko sayo legit ako e. Aba'y kita mo naman na friends mo yung ilan sa mga pamosong models ko. Speak? Why not try to join them?"

Lumingon ang dalawa kay Arianne.

"Im sorry Mr. Manansala pero I'm not really interested po."

"Eh? Ang bilis mo nanaman sumagot. Okay lang kahit di mo ako sagutin ka agad just think about kung ano yung mga perks na maibibigay ng modeling sa iyo. Ang ganda mo kaya sure na sisikat ka, magkakapera at bukod kay Aldred siguradong marami pang iba na magkakagusto sayo," nakangising sabi ni Roel na agad naman ikinataas ng kilay ni Aldred.

"Hindi pwede!" Agaran na sabi pero hindi lamang ni Aldred kundi pati ni Natalie.

"Ow haha, threatened ka agad?"

Mabigat na ibinaba ni Aldred ang boba tea na kaniyang iniinom, "Huwag mo nga po suhestyonan Sir si Arianne ng mga kalokohan. Saka hindi na kailangan ni Arianne mag-model or magtrabaho. I can provide her. I will provide anything she wants," sabi ni Aldred sabay tingin kay Arianne at ngiti. Agad naalibadbaran sa kaniya ang isa kaya't pinili nitong umiwas ng tingin. Hindi naman napigilan ni Roel ang paghalakhak dahil sa tinuran ni Aldred.

"HAHAHAHHAHAHHA!" Hagalpak ni Roel kaya't napalingon ang lahat ng nasa cafe sa pwesto nila. Napatigil lang ito nang marinig ang pagtikhim ni Natalie.

Lumingon ang tatlo kay Natalie na halata ang inis sa mukha. Agad namang ipinag-alala ito ni Arianne.

Umayos si Roel at umaktong behave.

"Oy hindi ako yun ah," ani Roel bago marahang uminom sa kanyang fruit tea. Tinignan naman ni Arianne si Aldred ng masama.

"Nat—" may sasabihin sana si Arianne pero naputol ito ng muling magsalita si Roel.

"Hehe pero Nat, bakit ayaw mo ring pumasok sa modeling si Arianne?"

Tumitig lang si Natalie kay Roel saka dumaing.

"Sabagay she's a threat to your carreer, pero huwag ka mag-alala. Kung sakali, parehas ko naman kayong magiging talent kaya wala akong pababayaan sa inyo."

Bukod sa mata ay sumama na ang reaksyon ng buong mukha ni Natalie.  Napa-twitch ang tatlo ng madiin niyang isinaksak ang kaniyang tinidor sa cake na kinakain.

"That's not the reason," malumanay na sabi ni Natalie. Umaliwalas na bigla ang mukha niya pero hindi naman natigilan si Roel sa pang-aasar.

"Ah alam ko na! Pwede kasi silang maging magkatrabaho ni Aldred kapag naging model rin siya... hmm, hmm, ngayon naiintindihan ko na."

"Tsk, tigilan mo na nga po ako Sir kung ayaw mong sa iyo ko isaksak tong tinidor na 'to."

Humalakhak lamang si Roel.

Ilang minuto rin ang nakalipas bago mapatingin si Natalie sa kaniyang relo at mapagtanto kung anong oras na. May balak pa kasi siyang puntahan kaya't niyaya niya na si Arianne. Nagpaalam ang dalawa.

"Bye po," ani Arianne.

"Pagisipan mo yung proposal ko a,"

Umiling si Arianne at natawa naman si Roel.

"Hindi niya na po kailangan pag-isipan pa 'yon Sir. She can be a model anytime she wants. Arianne will own the Mari Corp. after all," saad ni Natalie bago pumihit paalis.

Nais din sanang magpaalam ni Aldred kay Arianne pero kisap lang siya nitong tinignan. Napatingin siya kay Natalie at ang inis na mukha nito ang kaniyang aaabutan.

♦♦♦

"Anong ibig sabihin ni Natalie?" Nagtatakang tanong ni Roel kay Aldred.

"Ah about Mari Corporation? Maybe about po sa succession? Anak kasi si Arianne ng may-ari ng Mari," casual na sabi ni Aldred na ikinagulat ng sobra ni Roel.

"WHAT?! Siya na yung a-anak ni Shan?!"

"Shan?" tanong ni Aldred hanggang maalala niya ang pangalang nabanggit ng kaniyang mama kaya tumango siya.

"Holy shit! Kaya pala ganoon na lang siya kaganda. Wow! Definitely wow! Hindi ako makapaniwala," reaksyon ni Roel bago gumuhit ang ngisi sa kaniyang labi.

"So, kung ayaw ng anak then yung nanay niya na lang ang kakausapin ko," mahinang sabi ni Roel sa sarili kasabay ang isang malisyosong ngiti.

"What are you talking about Sir?" nagtatakang tanong ni Aldred. Feeling niya kasi ay may kalokohang balak ang manager niya.

"Magkakilala po ba kayo ng mama ni Arianne?" tanong ni Aldred.

"Ah yup, her mom is one of my colleagues here in SOMA. The most famous model in our time."

Namangha si Aldred sa kaniyang nalaman. Gusto niya sanang magtanong ng ilang mga bagay kay Roel ngunit...

"Pero whoo! Grabe ka Aldred! Hindi mo naman sinabi sa akin na magkaibigan pala silang dalawa!"

Napasipsip si Aldred sa kanyang boba tea.

"E maski naman po ako Sir hindi ko naman alam na magkaibigan silang dalawa."

"Weh?!"

"Hindi nga po, ang kulit."

"Paano 'yan? Anong sabi niya?"

"Ayaw niya raw sa akin pero syempre hindi ako susuko. Parang ewan nga siya sir kasi nii-insist niya na mas bagay daw kami ni Natalie."

"What?! Ang ibig sabihin gusto niya na maging kayo ni Natalie?! May gusto si Natalie sayo, may gusto ka kay Arianne pero gusto ni Arianne si Natalie para sayo? Ang gulo niyo naman!"

"Paulit-ulit ka sir pero oo, ganun na nga. Pero sir hindi ako syempre susuko, I'll make her fall in love with me."

"Ha?!" Nanlaki ang mga mata ni Roel sa narinig bago siya biglang napahalakhak.

"LOL! I bet Charles was weirded out by you! Grabe hindi ko na-imagine na ang seryosong si Aldred e kayang magsalita ng ganyan."

"Hmmp, lahat kayo ayan yung nisasabi. Lahat kayo nipagtatawanan ako."

"Kasi naman! Okay sorry. Sorry na," pagpapaumanhin ni Roel habang nagpipigil ng tawa.

Sandaling nanahimik ang pagitan ng dalawa ng tumunog ang cellphone ni Roel. Itinuon muna ni Roel ang attention sa kausap habang si Aldred naman ay may malalim na iniisip habang kumakain.

"Sir, yung sinabi mo kanina, yung pwede, yung pwede kaming maging magkatrabaho ni Arianne kapag naging model rin siya."

Inilapag ni Roel sa mesa ang kaniyang cellphone pagkatapos makipag-usap, "Ah, oo naman, bakit mo naitanong?" balik na tanong niya kay Aldred.

"Pero kasi katulad rin po ng sabi mo maraming magkakagusto sa kaniya..."

"Oo rin," tugon ni Roel bago saglit na sumulyap kay Aldred. Nagpapanggap na hindi alam ang punto ng isa.

"Syempre hindi yon maiiwasan lalo na at super ganda niya."

"Okay, sir, ngayon 'wag na 'wag mo na pong subukan na pilitin uli si Arianne na mag-model ha kundi malalagot ka sa akin."

ARIANNE'S POV

"Hey Arianne, thanks for accompanying me this day although I know that I somehow forced you."

Napahagikgik ako bigla sa huling statement ni Natalie.

"You're welcome and no, I didn't feel forced at all. Honestly, I'm genuinely happy that we did spend time together."

Natalie turned her head sideways. A moment of silence was formed between us bago siya lumingon muli sa akin.

"Sure ka ba na hindi na kita ihahatid? It's already six, I will never forgive myself if anything bad happens to you."

"No don't worry. Maliwanag pa naman. I'm okay."

Mapilit si Natalie na ihatid ako pero in-insist ko rin sa kaniya na kaya ko mag-isa. Medyo mahirap na pigilan siya pero tumigil rin ng ipaliwanag ko kung gaano magkasaliwa ang ruta namin.

"Okay..." matamlay niyang sabi, "pero hayaan mo munang hintayin kitang makasakay."

Wala na akong nasabi pa.

♦♦♦ 

Erururu Creator

V2. CHAPTER 29.5 – Fancy Meeting