Sa masiglang lungsod ng bayan ng laguna, kung saan nagtatagpo ang yaman ng kultura ng Pilipinas at ang makabagong mundo, may isang nakatagong mundo na hindi alam ng karamihan, at
sa mundong ito, tunay na umiiral ang konsepto ng mahika. Naglalakad ng malaya ang mga taong nagtataglay ng kapangyarihan sa ilalim ng mamamayan na nagbabantay at kilala
bilang "Tagapagbantay".
Sa kalagitnaan ng buhay sa lungsod, mayroong isang tila karaniwang dalagang high school na nagngangalang Christin o maskilalasa palayaw na tintin, na ang buhay ay simulang
nag-iba ng bigla niyang matuklasan ang kanyang kapalaran bilang ang pinili, ang tagapagbantay. Naipamana sakanya ang natatanging kapangyarihan ng liwanag, na sa oras ng
kalamidad ay dumadating upang tumulong, Lumina, ang maliwanag na tagapagtanggol ng kanyang lungsod.
Sa simula, nahihirapan si tintin na balansehin ang kanyang bagong natuklasang responsibilidad sa kanyang pang araw-araw na buhay. Ang pag papantay sa pagaaral, pamilya,
at mga kaibigan ay lalong humihirap habang mas lumalalim siya sa na mundo ng tagapagbantay, ngunit sa tulong ng kanyang kaibigan na kagaya ng kanyang sitwasyon,
tinanggap ni tintin ang kanyang kapalaran nang may tapang at determinasyon.
Bilang si Lumina, hinaharap ni tintin ang maraming mga tagapangsira ng kaayusan sa lungsod, mula sa mga mapanlinlang na espiritu na nagdudulot ng gulo sa lungsod hanggang sa mga masasamang puwersa na
nagnanais na ilubog ang bayan sa walang hanggang kadiliman. Kasama ang kanyang mga kapwa Tagapagbantay, bawat isa ay may kanyang natatanging kapangyarihan at pinanggalingan,
sumasabak si Lumina sa mga pakikipagsapalaran upang protektahan ang mga inosente at itaguyod ang katarungan.
Ngunit ang daang tinatahak ng isang tagapagbantay ay puno ng panganib, at agad na natutuklasan ni tintin na hindi lahat ng banta ay mula sa mga panlabas na puwersa.
Ang pagtatraydor at panlilinlang ay nakatago lang sa dilim na sinusubok ang kanyang determinasyon at nagtatangka sa kanyang mga paniniwala. Sa bawat laban, mas natututunan ni
tintin ang tungkol sa kanyang sarili at ang tunay na kahulugan ng sakripisyo, pagkakaibigan, at pag-ibig.