Dahil sa naganap na lindol at ang naging epekto nito sa kanilang mga gusali, minabuti ng pamunuan ng St. North Girls School na paalisin muna sa kanilang mga dormitoryo ang kanilang mga estudyante. Si Arianne Mari Fernandez, isang graduating senior high student sa naturang paaralan ay agad ipinagbigay alam ang pangyayari sa kaniyang ina. Makailang araw ay nakatanggap siya ng suhestyon mula rito na tumira muna siya sa matalik nitong kaibigan. Dahil sa wala namang mapagpipilian ay sumunod si Arianne.

Sabado ng gabi, kasama si Pristine Noelle Vicereal na kaniyang bestfriend at ang mga bodyguards nito ay tumungo sila sa pamamahay ng nagngangalang Cecilia Cuzon, ang kaibigan na tinutukoy ng kaniyang ina. Hindi man naulinagan noong unang marinig ang ngalan ay agad nangwestyon si Arianne nang makarinig ng pamilyar na tinig sa gate ng pamamahay nito.

Imposible sa isip-isip niya pero hindi siya maaring magkamali ayon sa utak niya. Mabilis na tumibok ang puso ni Arianne. Kinabahan siya at lumunok ng matindi. Saglit ang lumipas at lumitaw sa kaniyang harapan ang kasalukuyang tao na kinasusuklaman niya. 

***

AUTHOR'S NOTE:

Hindi ako makapag-draw ng new icons... sira yung tab ko :( EGULS. Bawi na lang kapag nakabili na mehhhhhhh.

Gusto ko lang po malaman niyo, hindi po ako artist kkk. Gumagamit ako ng reference kapag nagdu-drawing, minsan tao na model minsan character arts ng mga anime or manga. Gusto ko lang kasi ng concrete visualization sa utak ko kapag nagde-describe ako. Anyways, kapag mayaman na ako mag-hire ako ng artist haha, doble kasi yung price kapag ginamit sa commercial (though hindi naman 'to commercial kasi hobby lang me 'to) kesa yung nagpa-drawing ka for your eyes only 💸💸💸.

Para ma-visualize niyo po yung characters ko, ito po pala yung ilan sa kanila:

ARIANNE MARI FERNANDEZ

undefined

ALDRED ARAUN CUZON (HINDI PA TAPOS SA TINAGAL-TAGAL LOLS. TAMAD KASI AKO MAGDRAWING NG LALAKI XD)

undefined

NATALIE CLAIR REINHARDT

undefined

PRISTINE NOELLE VICEREAL

undefined

 CHARLES CARLOS RAMIREZ

undefined

AMANDA BEATRIZ YAPTENGCO (NA TAGA VOLUME 4 PA LILITAW HAHAHAH)

undefined

OPO TAPOS KO NA PO ITO ISULAT HANGGANG VOLUME 4, NI-EDIT KO LANG AND NI-REUPLOAD KASI NAKALIMUTAN KO NA HAHAH.

Erururu Creator

V2. PROLOGUE