CHAPTER 14.5 – At the Amusement Park

NO ONE'S POV

Pumasok sila Arianne sa may Central Amusement Park. Dahil sa walang dalang pera si Aldred ay siya sana ang magbabayad para sa kaniya pero si Natalie na ang nag-insist na sumagot.

"Nakakahiya ka."

Napalingon si Aldred kay Arianne.

"Hindi ko naman kasi inakala na mapapasama ako sa inyo."

"Wow a, sino kaya nagpumilit na sumama?" singhal ni Arianne.

Lumapit si Natalie dala ang ticket nilang dalawa ni Aldred.

"Pasensya na Natalie. Babayaran ko na lang kapag nagkita uli tayo."

"No, it's just okay. Treat this as a treat for coming with us," nakangiting sabi ni Natalie.

"You should be glad to Natalie. Why not treat her also some other time instead of paying her?" suhestyon naman ni Arianne na nagpakunot ng kilay ni Aldred. Napalingon si Aldred kay Natalie at naabutan itong nakangiti.

"Ah-ah okay, I will," nagdadalawang isip niyang tugon.

"Arianne, paano ka pala nagkaroon ng lifetime membership card dito?" tanong na lamang ni Aldred para maiba ang usapan.

"Ah, ito ba?" itinaas ni Arianne ang isang asul na card, "Kay Mama 'to. One of her prizes when she won a high school pageant. No expiration, transferrable hanggang sa apo niya."

Pumasok na ang tatlo sa loob ng amusement park. Habang naglalakad ay di maiwasang makaagaw sila ng atensyon. Napapalingon lahat ng makasalubong nila at ang iba pa nga ay namukhaan sina Natalie at Aldred.

OMG si Aldred 'yon di ba? Tapos si Natalie... My gosh gusto ko magpapic.

Uy pero sino yung kasama nila? Bago kaya siyang model? Grabe ang ganda niya. Mas maganda pa kay Natalie...

Nakapila sila noon sa may bump car noong marinig ang usapang iyon. Napalingon naman si Arianne kay Natalie pero wala itong naging reaksyon.

"Hi-Hindi ba tayo magpipicture?" nahihiyang tanong ni Aldred habang nakatingin kay Arianne, "Memories hehe..." dagdag niya.

"Ah uhmm, Aldred is right. Is it okay Arianne? Memories, sayang naman..." nahihiya ring sabi ni Natalie.

Natawa naman si Arianne, "Why are you both asking my permission? You don't need to ask me. Akin na cellphone niyo picture-an ko kayong dalawa."

"N—NO! Gusto ko tayong da—" napatigil si Aldred nang samaan siya ng tingin ni Arianne.

"Aldred pa-picture naman kami ni Arianne," sabi naman ni Natalie at iniabot ang kaniyang smartphone, "Tapos groupie tayong tatlo."

Kagaya ng sabi ay nilitratuhan ni Aldred ang dalawa at nag-groupie silang tatlo. Nagnakaw naman si Aldred ng nagpapaawang tingin kay Arianne habang nagpapahiwatig na gusto niya rin magpa-picture sa kaniya.

"Blegh," Nangingising asar ni Arianne kay Aldred.

♦♦♦

"Ay sir bawal po ang nakatsinelas sa ride na 'to." Pinigilan ng crew si Aldred sa papasok sa ride na Swings Parade.

"Pero gusto ko sumakay dito..." malungkot na sabi ni Aldred sabay nag-nguso.

Napabuga ng hininga si Arianne, "Kuya okay lang po ba kung nakapaa siya?" tanong niya na tinanguan naman ng crew.

"O iyan, hubarin mo na lang tsinelas mo."

Masayang tinanggal ni Aldred ang tsinelas niya at pumunta na sa isang bakanteng pwesto.

"Ah ikaw Miss? Baka umangat yang skirt mo?"

"I wear cyclings inside so don't worry," pahayag ni Natalie pero napalingon siya kay Arianne nang iabot nito ang maliit niyang backpack.

"Ilagay mo pa rin 'to Nat sa harap mo para hindi umangat."

Napalingon si Natalie sa ibang direksyon bago tignan si Arianne at kunin ang bag.

"Ah o-okay, thanks."

♦♦♦

"Grabe! Iyon talaga yung pinaka-fave kong ride! What's next?! Anyway, do you want me to buy foods & drinks?"

"Ang saya mo a... bakit may pera ka ba?" tanong ni Arianne na nagpatameme kay Aldred. Tumabi siya sa isang gilid at parang nanliit.

Bigla naman ay natawa si Natalie, "Are you hungry already, Aldred? Don't worry I'll pay for our food but before that..." Lumingon si Natalie sa Pirate's End, "Pwede bang sumakay muna tayo doon?" hiling niya.

Maiksi lang ang pila sa Pirate's End kaya hindi nabuo ni Aldred ang desisyon niya. Sa isang saglit lang ay papasakay na sila at napasunod na lamang siya sa dalawa.

"Wait, dito talaga tayo sa dulo?" nagulantang na tanong ni Aldred. Pareho ay tumango ang dalawa niyang kasama.

"Natatakot ka ba? Pwede naman tayo sa gitna kung gusto mo," suhestyon ni Arianne habang sumasampa na sa barko. Sumunod sa kaniya si Natalie.

"AKO? TAKOT? HAHAHAHA... hindi a," depensa ni Aldred bago naga-alangang sumunod na rin at napapwesto sa may pinakagilid.

Nang magsimula nang umindayog ang barko ay agad napalingon si Aldred kay Arianne pero di siya nito napansin dahil nage-enjoy na siya.

Napatingin siya kay Natalie at nainggit nang makita siyang nakakapit sa braso ni Arianne. Nais niyang maghanap ng mahahawakan pero dahil si Natalie ang katabi niya ay mas pinili niya na lang ang kumapit sa rail.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

Saglit lang ay nakarinig ng malakas na pagtili ang lahat ng nakasakay at nakapaligid sa Pirate's End.

"Ba't hindi mo sinabi ka agad na hindi mo kaya?" pahayag ni Arianne habang hinihimas ang likuran ni Aldred. Kasalukuyan niyang sinusuka ang lahat ng kinain niya noong umaga. Nakita pa nga nilang dalawa ni Arianne ang ilang papel na nakadikit sa tinapay ng siopao.

"Baliw ka Aldred. I know that you're cool but it doesn't mean that you can't show your weakness in front of us," natatawang sabi ni Natalie saka kinuha ang panyo niya't pinunasan ang pawis na pawis na mukha ni Aldred.

Nanigas si Aldred sa kaniyang kinatatayuan at napansin 'yon ni Arianne kaya't nangiti siya't iniwan mag-moment ang dalawa.

"Hey, punta lang ako ng washroom a..." paalam ni Arianne. Pipigilan sana siya ni Aldred pero mabilis siyang nakaalis.

"Okay na'ko Nat, salamat," sabi ni Aldred habang nakalingon sa direksyon na pinuntahan ni Arianne.

"Are you sure? Medyo maputla ka pa."

Hindi tumugon si Aldred.

"Anyway, I was really surprised ng tumili ka kanina. Ang taas pala ng boses mo," nangingiting sabi ni Natalie na ikinapula naman ng mukha ni Aldred.

"Kailangan ko rin pala pumunta ng washroom. Magmumumog lang ako," madali ay pumunta si Aldred ng washroom ng hindi man lang tinitignan si Natalie.

♦♦♦

"1 caesar salad with tofu croutons, 1 citrus poached salmon with asparagus, and 1 apple nachos," sabi ni Natalie sa waiter, "How about you Arianne? May napili ka na ba?"

Nakatanga si Arianne kay Natalie bago mabalik siya sa ulirat nang marinig ang tanong nito.

"Are you sure about this Nat? This is a high-end resto baka mapagastos ka."

"Nah Arianne, sige na pumili ka na. Like I said this is my treat. Minsan lang naman 'to saka naghihintay si kuya waiter o," tugon ni Natalie bago lumingon kay Aldred, "Ikaw din Aldred huwag ka mahiya."

"1 zuccini pasta, 1 chili beef casserole, 1 crème brulee saka itong 1 pure orange juice po sa akin."

"Okay na ko dito sa set A ng 3 course meal nila," sabi naman ni Aldred.

Nang makita iyon ni Arianne ay hindi niya napigilan ang sariling tadyakan si Aldred sa ilalim ng mesa. Iyon ang pinakamahal sa pinago-order nila at ang pinakamahal na set sa course na iyon.

"Hindi talaga nahiya..." sabi ni Arianne sa sarili.

♦♦♦

"What shall we do next?" tanong ni Arianne.

Napaisip si Natalie sa kung ano nga bang susunod na gagawin nila pero nang marinig ang suhestyon ni Aldred ay agad niya itong sinangayunan.

"Nuod tayo ng sine."

Napalingon si Arianne ng masama kay Aldred.

"Sige manuod tayo," natutuwa na sabi ni Natalie habang nakatingin kay Aldred.

Pumunta sila sa may sinehan.

"My Big Horsies, Gun Runner, Seven Fridays saka Movie Feast: Green Flesh… What do you think Arianne?"

"Ah, ako? Ikaw Nat? Ano ba gusto mo?"

"I'm not a fan of movies or watching e... kahit ano naman na basta may kasama akong manuod okay lang sa akin."

"Okay, sige... ngayon ko lang narinig yung Green Flesh... iyon na lang kaya para makamura ka man lang. Masyado na kasing malaki yung nagagastos mo sa amin."

"Okay sige, iyon na lang," pagsang-ayon ni Natalie at akmang pipila na sana siya sa may ticket counter pero napigilan ni Aldred.

"Hey wait, sure talaga kayo? Iyan talaga?" parang nag aalangang tanong ni Aldred habang hawak-hawak ang kaniyang smartphone.

"Yung My Big—" napatigil siya ng biglang sikuhin ni Arianne.

"Alam ko may gusto sa iyo si Nat pero hindi 'yon dahilan para mawalan ka ng kahihiyan at magsamantala sa kaniya," bulong ni Arianne habang nakatingin ng masama kay Aldred. Napalunok naman si Aldred ng malalim. Nakita niya sa isang review na nakakatakot ang papanuorin nila pero napagtanto niya na mas nakakatakot si Arianne.

"Sige na raw Nat, okay na. Iyan na raw panuorin natin," sabi ni Arianne at nagpatuloy na si Natalie sa pagbili ng ticket.

Naiwan namang naka-pout si Aldred nang alisin ni Arianne ang tingin niya sa kaniya.

♦♦♦ 

Erururu Creator

CHAPTER 31.5 – At the Amusement Park