CHAPTER 15 – Rabbit Hole

NO ONE'S POV

Sa Central Mall.

"Aww! Sayang naman Miss. Ang lapit na oh..."

Nabulabog si Pristine sa kaniyang paglalaro kaya't napataas ang kaniyang kilay. Ngumisi ang lalaking ng agaw ng atensyon niya saka lumingon sa kaniyang mga kasama. Irita naman silang tinignan ni Pristine

"Tsk," reaksyon niya saka binalik ang tingin sa claw catcher. Dumukot si Pristine ng token sa kaniyang bulsa pero noong ihuhulog niya na ito ay bigla siyang pinigilan ng lalaki sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang kamay.

"Bwiset, don't dare..."

Nagngalit ang ngipin ni Pristine nang sulyapan ang kamay na lumapat sa kaniya.

"Mukhang wala kang kasama Miss a," nagpapahiwatig na pahayag ng lalaki saka lumingon-lingon. Nilapit niya ang sarili kay Pristine bago mayabang na ngumiti.

"Kapag ba nakuha ko 'yang rabbit stuff toy na 'yan makikipag-date ka sa akin?"

Malalim na humugot ng hininga si Pristine.

"Shit, not again..."

Simula nang pumasok si Pristine sa Central Mall ay ilang lalaki na ang sumubok na mangulit sa kaniya.

"Pasensya na kuya pero bakit po ako makikipag-date sayo? Hindi naman tayo magkakilala," nakangiting pahayag ni Pristine. Kalmado siyang nagsalita pero nagpipintig na ang ulo niya sa inis.

"Hindi tayo magkakilala pero..." Tinignan ng lalaki si Pristine mula ulo hanggang paa, "Come'on mas masaya kapag may kasama di ba?" Tumawa ang lalaki at tumingin  sa mga kasama niya.

Mahinhin namang humagikgik si Pristine.

"Kainis."

Humawak si Pristine sa batok niya.,

"Hindi ba aalis 'tong lalaki na 'to? Grrr, 'pag di ako nakapagtimpi mababalian 'to ng buto sa akin."

Nginitian ni Pristine ang lalaki.

"Pasensya na pero hindi talaga ako pwedeng sumama sa mga taong hindi ko pa ganon lubusang kilala. Pwede bang hayaan niyo na lang ako dito?"

Halos hindi na maitago ni Pristine ang damdamin niya sa huli niyang pangungusap.

"Ay may ganon, e paano nga tayo magkakakilala niyan miss kung hindi tayo makakapag-bonding... di ba guys?" Lumingon ang lalaki sa mga kasama niya.

"I'm Jeffrey and you are?"

Napangiwi si Pristine bago lumingon sa ibang direksyon.

"Sinusubukan talaga ako ng kutong lupa na 'to."

Napakagat na lang si Pristine sa pisngi niya dahil gusto niya pa rin na magpigil para hindi makagawa ng komosyon pero talagang makulit ang lalaki at humawak pa ito sa kaniyang baywang.

Handa na siyang ikutin ang braso ni Jeffrey ngunit agad din siyang napatigil nang may magsalita sa kaniyang likuran.

Biglang tumunog ang claw catcher at parehong naagaw ang atensyon ni Pristine at Jeffrey.

"Hey, I got the rabbit stuff toy."

Napalingon sila sa lalaki na nagmamay-ari ng boses.

"Did I hear it correct? This stuff toy is the ticket to date her, right? E di ako pala ang nanalo..." Inosenteng pagkakatanong ng lalaki habang ginagala ang paningin sa paligid. Nagtama ang mga mata nila ni Pristine bago tumigil ito kay Jeffrey.

"C—Charles..."

Nanlaki ang mata ni Pristine nang makita ang pigura ng nagmamay-ari ng boses na pamilyar sa kaniya.

"Pwede ko na bang i-date si Pili?" tanong ni Charles sabay hawak sa kamay ni Pristine, "Pwede ko na bang i-date yung girlfriend ko?" dagdag niya, sabay ngiti dahilan para mamula ang pisngi ng ilang babae sa paligid nila at magtilian naman ang iba.

"Girlfriend mo?" inis na tanong ni Jeffrey. Matalim niyang nilingon si Pristine, "Tsk, may boyfriend ka na pala bakit hindi mo pa sinabi ka agad?!" galit na dugtong nito.

"Halika na nga! Tang ina, nasayang lang oras natin."

Agad na umalis na ang mga lalaki.

♦♦♦

"What are you saying? Hindi naman kita boyfriend."

Matalas na tingin ang pinawalan ni Pristine kay Charles. Sunod ay ikinibit niya ang kaniyang balikat para alisin ang kamay na nakahawak sa kaniya bago siya nagmadaling maglakad paalis.

"Aren't you going to thank me?"

Napatigil si Pristine, "Thank you," matigas na sabi niya saka mabilis na naglakad paalis.

Pinagmasdan ng maigi ni Charles ang nakatalikod na si Pristine bago malalaking hakbang ang isinunod niya para masundan ka agad ang lumalayo nitong pigura. 

"Hey, what are you doing here? And..." Napalingon si Charles sa paligid, "Where are your bodyguards?"

Magkasabay na silang maglakad.

"Wala ka bang kasamang iba? Si Arianne or Bianca? Kasama mo ba sila? Where is Miss Irene or si Mang Lino at Kuya Robert? Hindi ka nila dapat hinahayaan mag-isa."

Napatigil bigla si Pristine. Malalim siyang humugot ng hininga bago malamig na tinignan si Charles.

"Ano naman kung ako lang mag-isa?"

Nagsalubong ang kilay ni Charles bago napabuga siya ng hininga.

"Tumakas ka ba sa inyo?" Malamig na tanong ni Charles.

"Yeah, and so?" tugon ni Pristine dahilan para magdilim ang mukha ng kausap niya.

"Nakita mo ba kung anong nangyari kanina? Paano kung hindi ako dumating?"

"Huh?" Natawa bigla si Pristine, "Hindi ako despalinhado, kaya kong ipagtanggol yung sarili ko. Hindi kita kailangan. Saka teka a, bakit ba ang dami mong tanong? And why are you so worried about me?"

Humigpit ang hawak ni Charles sa stuff toy na kaniyang napanalunan. Tinignan niya si Pristine mula ulo hanggang paa.

"What the fuck are you wearing?!"

Nagtaas ang kilay ni Pristine sa narinig. Tinignan niya ang sarili bago ibalik ang tingin kay Charles.

"Problema mo?" naguguluhan niyang tanong.

High waist black denim, long-sleeved turtleneck crop top at black leather oxford.

"Masyado kang atensyon grabbing. Yung figure mo hubog na hubog kaya pinagnanasaan ka ng mga lalaki dyan!" bulyaw ni Charles na nagpanganga kay Pristine. Saglit ay napalunok siya. Nag-init bigla ang mga pisngi niya dahil sa mga tinuran ni Charles. Nagtinginan naman lahat ng nakarinig sa kanila.

"P—Pakialam mo ba? H—Hindi ko na problema kung ano yung iniisip nila sa akin," reklamo ni Pristine.  Ngayon ay namumula na ang kaniyang mukha dahil sa magkahalong hiya at galit .

"Bakit ka ba nandito pa? Iwan mo na nga lang ako. Sigurado naman na may iba kang kasama di ba?"

Iniabot ni Charles ang stuff toy pero sa halip na kunin ay tinitigan lamang ito ni Pristine.

"Wala akong kasama... may nagtulak lang sa'kin na maglakwatsa ngayong araw and I'm lucky to find you." Mula sa malamig ay lumambot ang tingin ni Charles kay Pristine.

"Kunin mo."

"At bakit?"

Hindi na nakapaghintay pa si Charles at pwersahan na lang na ibinigay kay Pristine ang laruan. Mula sa malumanay na mga mata ay bumalik si Charles sa iritableng reaksyon. Naiinis si Pristine pero sa pagkakataong iyon ay wala na siyang magawa kundi tanggapin na ang stuff toy.

Ngumiti si Charles, "Well, ako yung nakakuha ng rabbit kaya I have the right to claim my prize now... mag date tayo," masayang sabi niya.

Napakagat ng labi si Pristine at yamot na tumingin sa katabi niya, "Tigilan mo ko," aniya at nagpatuloy na maglakad. Tinitigan lang siya ni Charles bago ito ngumisi.

"Honestly, I was really surprised that you got here all by yourself. Alam ko naman na hindi ka nakakaalis mag-isa, mas lalo yung mag libot-libot dito sa mall ng mag-isa."

Napangiwi si Pristine sa narinig. Saglit siyang tumigil at marahang nilingon si Charles.

"Mas okay nang mag-isa ako kesa makasama ang katulad mo."

Seryosong tumango si Charles bago napangiti saka tumawa. Nalilito man sa reaksyon ng kausap ay hindi nagpatinag si Pristine. Walang gana niyang tinignan ito bago nagbalak na magpatuloy maglakad pero agad ding natigilan.

"Makikipag-date ka sa akin kasi kapag hindi ka pumayag itatawag kita agad sa Vicereal Household at ewan ko na lang kung payagan ka pang lumabas uli kapag nalaman nila kung anong nangyari sayo ngayon."

Nang marinig ni Pristine ang sinabi ni Charles ay agad kumulo ang dugo niya. Nanggigigil niyang napisil ang laruang hawak at galaiting-galaiti na nagkuyom ng mga ngipin.

♦♦♦

"HAHAHA! Did you see that, Pili? Look at these tickets. Ang galing ko di ba? Everyone is amazed at me," puno ng galak na sabi ni Charles nang kunin niya ang kamay ni Pristine. Ibinigay niya ang mga tickets sa kaniya at nakangiting tinignan ang staff ng Hoop the Bask na kanina pa'y hindi mapulot ang panga dahil sa nasaksihan. Ngayon lang kasi na may nakagawa ng 15 3pts shot na walang mintis at pasok pa sa 30 second time limit.

"What can you say?" nagagalak na tanong ni Charles ngunit inirapan lamang siya ni Pristine. Naglungkot ang mukha niya na agad ding napawi kagad.

"Nevermind, okay lang naman sa akin kung hindi mo ako kakausapin. What important is nandito ka kasama ko," dagdag ni Charles sabay ngiti. Hindi yung ordinaryong ngiti kundi iyong signature niyang playboy smile dahilan para maghiyawan ang ibang mga babaeng nakatingin sa kaniya.

Mas nairita tuloy si Pristine.

"Halika na Pili."

Agad na tinampal ni Pristine ang kamay ni Charles.

"Stop calling me Pili," napangitngit si Pristine. Walang emosyon siyang tinitigan ng binata. Nagtitigan silang dalawa hanggang sa may magsalita.

"Halika ipalit na natin 'tong mga tickets," may pagkalambing na sabi Charles saka hinawakan sa braso si Pristine. Pumalag ito sa kaniya at ninais na alisin ang mga kamay na nakakapit.

"Halika na sabi," biglang malamig na atas ni Charles. Nagbago kagad ang ekspresyon niya. Matalim ang mata niyang tinignan si Pristine at mas lalo pa niyang hinigpitan ang paghawak sa dalaga na umabot sa masaktan na niya ito.

"Good girl," Ngumiti si Charles. Napasunod na lamang si Pristine dahil haltak-haltak siya nito. Pumunta sila sa may counter para ipalit ang mga ticket na nakuha.

"What do you want Pili? That stuff bear or this cream pouch?" masayang tanong ni Charles na parang balewala lang sa kaniya ang galit sa mukha ng kausap, "How 'bout this hairclip and ornament? Bagay sayo 'to." Hindi siya tinignan ni Pristine.

Matabang na ngumiti si Charles bago napabuntong hininga.

"Sige Miss, ito na lang pong clip at ornament tapos dalawang yogurt juice na lang din po."

♦♦♦

"Look Pili."

Naglabas si Charles ng isang face powder galing sa kaniyang bulsa. Binuksan niya ito at hinarap kay Pristine ang salamin.

"Ang cute mo. Bagay talaga sayo 'yang rabbit clip."

Walang ganang tinignan ni Pristine ang sarili. Kahit anong sabihin ni Charles ay hindi niya magawang ma-appreciate kung anong lumalabas sa bibig nito. Akmang tatanggalin niya sana ang clip pero tinampal ni Charles ang kamay niya. Sumakit at namula ka agad ito.

"Huwag na huwag mong susubukan alisin 'yan," malamig na banta ni Charles. Naiiyak at nanggagalaiting nakatitig sa kaniya si Pristine pero parang walang emosyon niya lang na sinalo ang damdamin nito.

"Next stop naman... hey anong oras na nga ba?" Bigla na lang napalitan ng galak ang ekspresyon ni Charles. Tinignan niya ang kaniyang relo.

"Lunch na pala. Sige mag-lunch na muna tayo, sa Sunkist... di ba favorite mo yung mga pizza doon?"

Noong tanungin niya si Pristine ay saka niya lamang napansin na lumuluha na pala ito. Kinuha niya ang kamay nitong namumula at hinalikan.

"Did it hurt that much? I'm sorry," ani Charles. Ikinagulat ni Pristine ang aksyon niya lalo na't maraming tao. Agad niyang kinuha ang kaniyang kamay pero hindi iyon hinayaan ni Charles. Marahan at maingat itong hinimas ng binata at nang mawala na ang pamumula ay nakangiti niyang tinignan si Pristine.

"Okay na ba?"

Hindi sumagot si Pristine pero nawala na rin ang mga tubig sa kaniyang mga mata.

"Punta na tayo sa Sunkist. Kakainin natin lahat ng gusto mo, okay?"

♦♦♦

"Hey Babe, wait."

Napatigil ang kasamang babae ni Noreen ng tawagin niya ito.

"Is that Pristine?" nagtatakang tanong ni Noreen. Lumingon naman ang babaeng kasama niya sa direksyon kung nasaan nakalingon si Noreen.

Kasalukuyang nakikipag-date si Noreen sa may Central Mall. Habang naglalakad sila ng date niya ay napatigil siya ng mapansin ang pamilyar na pigurang pumasok sa may Sunkist. Nang makita niya si Pristine ay agad niyang inilibot ang paningin para hanapin ang mga bodyguards nito pero wala siyang nakita.

"Gee, wala siyang bodyguards? Wait, ibig sabihin nito may possibility na nandito rin si Arianne myluvs," sabik na banggit niya sa sarili. Lalakad sana siya papasok ng Sunkist pero natigilan nang marinig ang sinabi ng ka-date niya.

"My gosh, is that Charles Carlos Ramirez? OMG he is sitting with Ms. Pristine... are they dating?" tanong ng babae kay Noreen na hindi niya nagawang tugunan. Tumingin siya sa loob ng restaurant at nakita niyang katabi nga ni Pristine si Charles.

"Pero di ba si Ate Eunice yung girlfriend niya ngayon?"

Marahang tumango si Noreen habang dahan-dahang dinudukot ang kaniyang cellphone sa bulsa.

♦♦♦ 

Erururu Creator

V2. CHAPTER 32 – Rabbit Hole