V1. CHAPTER 6 – Hot Seat

ARIANNE'S POV

“Ms. Arianne Mari Fernandez! Kindly bring out one whole sheet of pad paper FROM YOUR BAG!” Mrs. Basa said while knocking loudly on my table. 

“Then gumawa ka ng 2 columns at isulat mo 'tong sasabihin ko.”

I gulped. Thank God at dala ko yung pad paper ko ngayong araw. The whole class was staring at me until the bell rang.

PATAWAD NA PO MRS. BASA, HINDI KO NA PO KAKALIMUTAN DALHIN ANG AKING TAKDANG ARALIN.

English yung subject namin pero na-trip-an niyang pasulatin ako ng tagalog.

Tatlong minuto na ang lumipas, ako na lamang at si Ma'am ang nasa room. Parang ewan lang, hindi ako mapakali kasi ba naman habang busy ako sa pagsusulat ay parang nalagyan ng glue yung mga mata ni Ma'am kakatitig sa'kin.

I groaned, timely enough to sync with the growl of my stomach. I placed my hand on my stomach then on my head. I'm starting to get dizzy. Hindi ako nakapag-almusal at mukhang malilipasan pa ako ng gutom. Just as I thought, malas talaga ako ngayong araw. Hindi rin dapat muna ako pumasok.

37.80º was Pristine's body temperature when I left her at the dorm. Noong una ay sakit lamang ng ulo ang inireklamo niya pero nang aalis na kami ay saka na siya nilagnat kaya absent siya ngayon.

Whew, I've finished what has to be done. Tumayo na ako para ipasa kay Ma'am yung pinagawa niya sa'kin.

“???”

Her forehead wrinkled a bit. I can read a lot of question marks written on her round face.

“!!!”

Nagtalas ang tingin niya kaya napalingon ako sa ibang direksyon.

“What is this?” she asked while emphasizing my shit I mean my sheet of paper on her hand. I looked at her and didn't mouth even a single word. Again, I touched my stomach and made a starved and pitiful expression.

“For now, I will let this pass,” Mrs. Basa said while crumpling my hardwork.

“You are one of my best students here so I don't want to see your grades down just because of a single clumsy behavior of yours. Huwag mo ng kalimutan pa sa susunod yung mga pinagagawa ko.”

♦♦♦

“Hay, nakapag-lunch din,” I said in rejoiced right after sipping my favorite orange milk drink.

Yay. 12:15 na noong makalabas ako ng room para mag lunch. Mabuti na lang at kahit papa'no ay NATAPOS ko 'yon ka agad. 

Sino ba naman ang gustong magsulat ng mahaba?

“Hey girl ba't absent si Pristy? Ka-text ko pa 'yon kagabi ah,” Bianca asked before sitting on the chair in front of me.

“Ewan ko kung anong nangyari do'n. Papasok na dapat kami ng sabay kanina bigla na lang nilagnat,” I answered while playing the straw of my drink.

“Oh, that's rare. Hey, Arianne I want to see her. Sabay ako sa dorm niyo ha,” she winked. Nagaalinlangan tuloy akong sumagot.

“I don't think so,” marahan kong sabi habang paunti-unting iniiwas ang tingin sa kaniya.

Eek!

Bigla niyang kinuha yung inumin ko.

Jeez!

I rolled my eyes, “Hey!” I tried to reach for my drink but the table between us isn't helping.

“What do you mean? Hindi ako pwede dumalaw?”

Halos mapahagikhik ako ng mapansin ko kung paano siya mag-effort na palakihin ang singkit na mga mata niya.

“Hmmp! Ang damot mo. I just want to take care of her,” dagdag ni Bianca bago ilihis ang mukha niya.

Narinig ko ang pag-slurp sa inumin ko.

“Hoy, huwag mo nga inumin 'yan,” I complained before I circled to the table to grab my drink.

“Sira ka, what I mean is gusto ko mauna ka na kasi pupunta pa ako sa Central,” I explained, kahit na hindi naman talaga 'yon yung dahilan. Her face immediately brightened after what I said.

Napakamot na lang ako sa aking batok.

“TALAGA?! Ako mauuna? Sige, sige,” excited niyang sabi. Napailing ako lalo na't may bahid ng kalokohan ang ngiti niya.

Time flies and it's already 1 PM. May faculty meeting kaya wala kaming klase ngayong oras. Both Bianca and I chose to stay here in the school garden to kill time. We are both currently sitting on the dry bermudagrass.

Bianca is one of my close friends inside and outside the school. After Pristine and I became friends, she then introduced me to her.

“Kikay and maarte” was my first impression of her but then again, it's just a cover.

Our first meeting didn't end up good mainly because of our personalities. Hindi naman sa ayoko sa katulad niya o sa kaniya. Hindi lang talaga ako sanay makipagkapwa tao kaya as usual ay inalis ko ang tingin ko kay Bianca.

Snub, that's what I did to Bianca when Pristine introduced me to her. Alam ko naman na mabait siguro siya because she's Pristine's friend but I can't help myself.

Bianca is a popular student here kaya yung ginawa ko ay nakapagpahiya talaga sa kaniya. She then acknowledged me as an eyesore and refused to befriend me.

“Oy Aya, may chika pala sa'kin si Pristy ha.” Bianca’s eyebrows wriggles while she’s speaking. Then she bent her knees and crossed her legs.

Napaangil ako. 

Aba'y loko talaga 'yong babae na 'yon, tsinismis ka agad. 

Matabang kong tinignan si Bianca para hintayin ang susunod niyang sasabihin.

“Ikaw ha...” Dumungol siya sa balikat ko, “gwapo raw ah. Uy? Ano? Sagutin mo na ha.”

Nagngisngis siya kaya't pumiksi ako, “Anong sagutin? Siraulo” Hindi ko naiwasang mangalit ang mga ngipin ko.

Nagnguso naman si Bianca, “Ay grabe siya. Affected much?”

I stretched my legs and look around.

Buti na lamang ay kami lang ang tao sa garden. Siguradong kung may makakarinig ng pinaguusapan namin ay hindi pa tapos ang araw na 'to ay kalat na 'yon.

“Basta... Basta sagutin mo na ka agad 'pag niligawan ka. Ako na bahala kay Pristy.”

Nagtaka ako at hindi makapaniwala sa pahayag ni Bianca. Nakakunot noo ko siyang tinignan ngunit sinuklian niya lang ako ng ngisi.

“Bwiset, magsama nga kayong dalawa ni Pristine! Ba't ba gustong-gusto niyo ko ipagtulakan do'n?” Tumiimbagang ako.

undefined

I was about to check my cellphone but Bianca's sudden reaction... bigla na lang siyang natulala. Kinalabit ko siya na dapat hindi ko na pala ginawa.

“WAH? Really? OMG! Yay! I got your approval. I promise in front of these thousands of leaves and hundreds of flowers that surround me and my annoying second-best friend that I will love and take care of my adorable Pristy for the rest of my life.”

RETARD. EXAGGE. ANNOYING. Siningkitan ko si Bianca ng tingin though don't worry, she’s just joking. Nilamon lang talaga siya ng mga pinapanuod niya.

“Sheesh…”

So irritating, I don't know why I bother to listen to that kind of speech. Napahawak na lamang ako sa aking noo. Mukhang matutuloy ata yung naramdaman kong hilo kanina.

“Hey, Bea 'wag ka na pala pumunta sa dorm namin.”

“Hala? Bakit naman?” nag-aalala niyang tanong, “Hmmp. Bahala ka dyan. Nag-approve ka na kanina eh, saka kahit 'di ka naman pumayag kanina pupunta pa rin ako.” Inangasan niya ko ng mukha kaya sininghalan ko siya.

“Hah, concern lang ako kay Pristine baka kung anong kalokohan gawin mo sa kaniya at baka mas lalo pang lumala lagnat niya,” paliwanag ko bago ako tumayo.

“Ah! Don't worry about that. Proven naman na na body contact can reduce body fever. I will do this and that para pagdating mo magaling na siya.”

Napaisip ako sa sinabi niya. Pinapagpagan ko ang aking skirt nang biglang pumasok sa utak ko ang isang bagay.

Body contact?

Nilingon ko si Bianca.

I can't help but feel embarrassed when I realized that I'm imagining things.

“This girl has no shame in what she says.”

Umiling na lamang ako.

♦♦♦

Erururu Creator

V1. Chapter 6 - Hot Seat