'How lucky I am... Sa wakas ay may advisory class na rin ako,
at sa isang private school pa! Oh, ano kayo ngayon mga bakla, sosyal na ang
madir n'yo–' 

"—Uhm sir, naiihi po ako." 

 'Ay! Anong gusto mong gawin ko? Lumuhod ako at ngumanga sa
harap mo para lunukin lahat ng likido d'yan sa jutes na felix mo? Kaloka kang
jubis ka!' 

"Okay, anak, you may go." 

I must control my emotions now. No matter what you say, isa
parin akong guro— isang role model ng mga batang iteys. Bukod pa doon, 'di ko
pwedeng sayangin ang 10 months of counceling at therapy para lang sa aking
anger issues— ang mahal-mahal kaya nang binayad ko doon. 

• 

• 

•  

 "Okay, so let's start the introduction. Need n'yo
magpakilala like how you usually do and sabihin ang pangarap or ambition niyo
since ngayon ko lang din kayo makikilala." 

"I'm Garine Magary, 14 my dream is to be a panda.
Tee-hehe! Just kidding lang po, My dream is to be a flight attendant." 

Tch, “the soft/pabebeng rich kid na feeling cute" type
of a kid. I can sense na gusto niyang maging campus crush kaso nga lang pang
mediocre lang ang kanyang mukha. 

"I'm Christian Menendoza, 15, pangarap ko pong maging
seaman." 

W-wow! Ang tangkad n'ya para sa isang grade 9, daig pa ng
kulay niya ang skin ng mga karpentero, at ang tanda naman ng mukha niya para sa
isang 15 years old— mukha siyang tatay! Though, I need this guy for the
foundation day— I'm sure na magaling siya mag basketball.  

 "I'm Sandara Lanes, 15, my dream is to be a successful
flight attendant." 

Ang silid ay biglang umingay dahil sa palakpakan.

What the heck? Bakit biglang nagpalakpakan 'tong mga batang
'to? The whole crowd went crazy dahil lang sa pagpapakilala ng babaeng 'to.
Well.... Ehem-ehem, 'di ko rin naman maitatanggi na she's really a beutiful and fine young lady na siyang dahilan para makalimutam nitong mga batang 'to na flight attendant din ang pangarap ni Miss Garine. That's so rude, lalo na't halatang si Miss Sandara ang campus crush dito sa munting eskwelahang ito I can smell a rivalry in the making.

"Ako po si Niko Darios, 15, pangarap ko pong maging aso
ni Miss Makima. Woof~woof!" 

Huhhh!!! Maging aso ni ano? Sino? Makima?  

Dahil sa pagtataka, ang guro ay nagpatuloy sa pagtitig habang walang humpay ang tawanan ng mga estudyante sa silid. Tinitigan niya ito ng may
mabusising pagkilatis na tila ba'y hinuhusgahan ang bawat parte ang katawan ng
kanyang estudyante. Pinag-igihan niya ang pagmamasid at kanyang napansin ang
pagtatawanan ng tatlo pang lalaking mistulang mga kaibigan nito. Ang unang
lalaki ay si Christian Menendoza, ang sumunod naman ay nagngangalang Bruce Wine
Patalinhug. Isang maputi, may katamtamang tangkad at payat na lalaki na maysuot
na anti-radiation eyeglasses at brace.  

"Ay churva ka bes! First glimpse palang alam mo nang
anak mayaman 'tong batang are! I don't know, pero ganong energy ang binibigay
niya sa akin." 

Ang panghuli naman ay nagngangalang Denmark Lorenzo, mataba,
makapal na kilay, at katamtamang laki rin.

"Oh wow, oh wow... for some unknown reason, bigla akong
naiinis. Naiinis ako sa pagmumukha ng batang 'to!" 

Matapos ang mabusising pag-uusisa, sa wakas ay nakuha ng guro ang konklusyon.

"Ah— I see... mga weebs, otaku, at late bloomer. Whatta
group!" 

'Tche! Let's proceed na nga.' 

"Ako po si..." 

Nag patuloy ang pagpapakilala ng mga estudyante sa kanilang
bago at sariwang guro. Madalas ay nasusundan ng tawanan o palakpakan ang
pagpapakilala ng nga ilto. Ang iba ay ginawa ito bilang biro, ngunit ang
karamihan ay sinabi ang tunay nilang hangarin sa buhay.

"I'm Mekenyu Reno, 19 years old. As of now, wala pa po
akong ambisyon sa buhay ko." 

'Na—nani, what the f*ck!?!' 

'With that look on his face. Walang pag-aalinlangan o
pag-dadalawang isip... wala ba talaga siyang plano sa hinaharap niya? Kahit
maging aso man lang ni Miss Makima?!' 

'At punyeta naman 'tong mga batang 'to. Wagas kung
makatawa!' 

"SHHHH! Class!" buong lakas na sigaw ng guro,
dahilan upang maglabasan ang mga ugat nito sa leeg. 

"I want you to shut your mouth." 

"At ikaw, Mr. Reno, 'wag mo akong pinagloloko. Kung sa
tingin mo ay ako ang uri nang guro na tatawa dahil sa sinabi mo, nagkakamali
ka. You're already 19 years old, but you still think like a 15 years old, grow
up!” 

'Shuta kaayo, bhieee! Unang araw ko palang, naha-highblood
na ako sayo, bhieee.'

Napayuko at nanlalaki ang mga mata ni Makenyu. Tila ba'y
tumagos sa buong pagkatao niya ang sinambit ng guro. "you're already 19
years old, but you still think like a 15 years old" ito'y umiging sa
kanyang tainga. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo. "Eh...
minamaliit mo ba ako?" ito ang namumuong mga salita sa kanyang gulat at nahihiyang isipan. Nanggigigil ang
kamao, para bang nais nito suntukin ang sikmura ng guro na nakatayo sa kanyang
harapan.

 "Uhm... sorry po, Sir." 

'Clap, clap, clap'... ang guro ay eliganteng pumalakpak upang burahin ang tensyon na kanilang naidulot.

"Okay, class, let's move on. Balikan nalang natin si
Mr. Reno kapag nakapag-isip na siya ng pangarap sa buhay niya." 

"Now..." sambit nang guro habang nakaturo kay
Shiela. 

"Introduce yourself, age, and ambition— or kahit dream
lang." 

Dahan-dahang tumayo si Shiela, nakatikom at nanginginig ang
kamay, nakatitig sa pisara. Bukod sa kamay ay nanginginig rin ang kanyang
boses, ang pagpiyok ay ang siyang nagpalala ng kanyang kaba.

"Uhm... ako po~" 

Mahinang tumawa ang karamihan, pinipigil upang hindi mapahiya ang bago
nilang kaklase.

"Ehem~ehem, ako po si Shiela Toga..."

"15 years old po ako. Wala po akong pangarap o ambisyon... as of now."

U-ka Creator

Next chapter! "Ang Recess Time"