Ah shit! Here we go again. Makita ko lamang ang na ngangalawang at kulay light blue na gate ay hindi ko mapigilang manglumo. Muli ay ihinatid ko si Colby sa kanyang silid at agad na dumiretsyo sa aking silid. Walang flag ceremony na magaganap ngayong araw dahil tuwing lunes lamang ito ginagawa, which is good-- wala nang zumbang magaganap. At gaya nga nang inaasahan ay muling late na pumasok si Mak, ang kanyang dahilan?
"Sorry, Sir. Ang traffic po kasi e'."
Hahaha! Naniwala naman si Sir Harvey— ang aming advicer/math teacher— dahil hindi niya alam na apat na street lamang ang layo ng bahay ni Mak sa academy. Dumiretsyo si Mak sa aking tabi, palihim na nakangiti at bumulong.
"Nagawa mo yung assignment sa Filipino?" tumango naman ako at agad na tumalikod at kinuha ang assignment notebook upang ibigay sa kaniya. Matapos magpasulat ng lecture na sumakop sa dalawang whiteboard ay mabilis at patago na kinopya ni Mak ang aking assignment, nagmamadali ito at matindi ang konsentrasyon. Dahil sa wala akong makausap ay tumayo na ako upang ipa-check ang aking lecture. Habang naglalakad patungo sa teachers desk ay nakasabay ko sa aking harapan ang isa kong kaklaseng babae, for some reason ay ngayon ko lamang ito napansin. Siguro ay hindi ko ito napapansin dahil tahimik ito, bukod paroon ay pinipigil ko rin ang aking sirili na magmasid at tumingin sa aking mga kaklase, nakakahiya kasi-- baka isipin nilang nakatitig ako sa kanila, ayaw kong maging creep sa paningin nila noh'. Ngayon ko lang din narealize... iniiwasan ba ako ng mga kaklase kong babae? Wala kasing kahit isa sa kanila ang nakipag-usap o nag tangka man lang na lumapit sakin. Arghhh, siguro naaalala nila ako noong nag-swimming sila, nakupo, nagiging historical na ako, hindi ko mapigilan ang magbaliktanaw.
"Shiela, ang ganda ng sulat mo ha..." sambit ng aming guro.
Agad akong nagtaka, gaga ba 'to? Hindi ko pa nga naaabot notebook ko dahil mas naunang magpasa ng notebook ang babae kong kaklase. Ako'y nagtanong upang masagot ang aking pagtataka, "Sir?".
Sa aking pagtatanong ay biglang naghalakhakan ang lahat. 'Nak namp*ta, pati si Mak humahalakhak! Nakangiti at mukhang tanga kong pinagmasdan ang lahat. Ito ang unang beses na nakita ko ang kanilang mga mukha, infairness may mga disenteng mukha silang lahat lalo na sa mga kababaihan. Sa pagpapatuloy ng pag-ikot ng aking paningin ay nahagip nito ang babaeng nakasabay ko sa aking harapan—
............
Oi Shi.
...........
HUY!
...........
Sa kasamaang palad ay humiwalay ang espirito at pag-iisip ni Shiela sa kanyang pisikal na katawan matapos makita ang kamangha-manghang imahe ng isang diwata— ay, este, diyosa pala— AY! BABAE PALA. Ahem~ehem, paumanhin sa pagiging unprofessional, back to the story. Ang takbo ng oras ay bumagal na kasing bagal noong unang nakita ni Kim Shin si Ji Eun Tak sa ilalim ng ulan (Goblin). Hell nah... This shit is too romantic sa paningin ni Shi, ngunit sa paningin ng karamihan ay isa tong katuwa-tuwang kaganapan, ngunit sa perspektibo naman ni Makenyu, ito'y isang problema.
"HAHAHAHA! Gulat ka noh'? Akala mo ikaw lang Shiela dito?" sigaw ni Denmark na ginatungan pa ng mga kaibigan nito na sina Christian, Bruce Wine, at ang panghuli sa grupo ay si Niko.
Yabai! Mukhang nagkagulo-gulo na ang brain muscles ni Shira, ang tagal niya nang nakatulala. Buti na lang ay humintong magprocess ang kanyang utak noong nakatingin na siya sa desk ni Sir Harvey. Base sa aking hypothesis, nahagip ng mga mata ni Shi ang magandang mukha ni Shiela, this bicchi (bitch) cought him off guard! Dahilan upang magkagulo ang brain muscles ni Shi. Yabaiii... HON-TO-NI YA-BAI YO (It's really bad)!!! Kailangang may gawin ako para sa aking itoko (pinsan).
Ihinawak ni Makenyu ang kanyang dalawang kamay sa lamesa ng kanyang upuan at itinulak ito patalikod gamit ang kanyang dalawang paa. Ang upuan ay gawa sa bakal kaya't nagdulot ito ng nakakangilong ingay, dahil dito ay nagawa ni Shi na makabalik sa realidad.
"Dude..."
"Dude..." tugon sa akin ni Mak as I sit back to my chair.
Sa talang buhay ko ay masasabi kong ito ang unang beses na naranasan ko ang "Goblin effect". Ang tatlong segundo ay naging sampu, ang mga motivational speech ni Rendon Labador ay nagkaroon na ng sense, at ako'y nabuhayan na muling pumasok bukas, sa susunod na bukas, at sa marami pang bukas.
"Mukhang nagkaroon ka na nang pangarap ah."
Ako'y napangisi sa sinabi ni Mak, ngunit masasabi ko ring iba ito sa kanyang iniisip. Wala akong pagnanais na mapalapit sa babaeng yun, wala talaga, fr fr (for real), but I guess meron na akong dahilan upang pumasok sa paaralan na ito. Ako'y huminga nang malalim at nag-relax sa munting upuan habang nakasandal sa mataba kong bag na puno ng notebook at makakapal na libro. Lumipas ang mga oras ay tumunog ang alarm ng aming A.P. teacher na si Sir. Anton, siya ang ika-tatlo naming subject teacher sa araw na iyon. Ang alarm ay naghuhudyat na tapos na ang oras ng kanyang pagtuturo at oras na rin nang aming recess. Matapos lumabas ng teacher ay agad na sumunod ang aking mga kaklase, tunog ng pag-uusap, tawanan, at yapak ng mga takong ang pumuno sa silid. As they keep on walking, patuloy kong naaamoy ang iba't ibang klase ng pabango na hindi ko malaman kung anong brand, ang iba ay talagang mahalimuyak, ang iba naman ay talagang nakaka-urat amuyin. I looked at them secretly, "Siguro pinag-uusapan at pinagtatawanan nila yung nangyari kanina." ito ang pumasok sa aking isipan. Nakalimutan ko kasi na ang pangalang "Shiela" ay hindi naman talaga ginawa para sa mga lalaki, ito'y para sa mga babae. Ngunit sa kabilang banda ay ipinagsawalang bahala ko nalamang ito.
"Bilisan mo naman magsulat, Shi. May pupuntahan pa tayo mamaya after natin bumili sa canteen." sambit ni Mak habang nakaupo at nakade kwatro sa ibabaw ng lamesa ng upuan. Tumingila at tumitig sa kisameng si Mak, ito'y kulay puti ngunit pinagkupasan na ng maraming taon, "Huuhh (sigh)... sana gumamit na nang rexona at naghugas na nang putoytoy si Dondon ngayong araw." bugtong hininga nito.
Sa muling pagtingin nito sa akin ay muli niyang tinuligsa ang bilis ng aking pag-susulat. Dahil sa inis ay minadali ko na ang aking pagsusulat, dumating na ako sa puntong kahit ako mismo ay wala nang maintindihan sa mga salitang aking isinusulat. Bago tumuloy sa canteen ay dumaan muna ako sa faculty at iniwan sa desk na may pangalang "Sir. Anton Buenas" ang aking notebook. Matapos nga naming bumili ng pagkain ay ginabayan ako ni Mak kung saan ang aming susunod na destinasyon. Sa kabilang room... sa kabilang room na kilala rin sa tawag na room ng mga grade 10 students.
"Seriously, Mak. Anong ginagawa natin dito? Mas nauna pa tayong pumasok dito kesa sa mga grade 10. Pakiramdam ko may nalabag tayong batas, pakiramdam ko nag-trespassing tayo."
"Chill ka lang." sambit nito sabay unat sa kanyang balikat. "Dito talaga ang tambayan ko since last year." eh, nande (why)? "Madalas ay hindi ko kayang kumain sa loob ng room na 'yon, hindi kaya ng brain cells ko." nande?! "Nandito kasi mga kaibigan ko, yung mga taong kapantay ko mag-isip, mga ka-edaran ko." ow f*ck, nakalimutan kong 19 years old na siya.
Matapos ang ilang minuto ng paglamon ay nagsimulang magdatingan ang mga grade 10 students. Ramdam ko naman na talagang welcome kami sa kanilang silid, they even gave me a food, tatlong piraso ng choko-choko. Noong mga oras ding iyon ay naalala kong dito rin ang silid ng pinsan naming si Bunny na mas kilala sa paaralan na ito sa tunay niyang pangalan na Annie. I suddenly felt a tremor at the middle of my brain. Tila ba'y by instinct ay nalaman kong may hindi kanais-nais na magaganap sa akin kung makikita ako ng babaeng are. Mas lalo akong nakumbinsi matapos makitang palihim na lumabas si Mak. Ginawa ko ang lahat ang aking makakaya upang makapagkubli at makahanap ng tiyansa na makalabas nang hindi niya mapapansin katulad ng ginawa ni Mak,— but unfortunately, napansin niya ako. Dahan-dahan itong lumakad papunta sa aking lokasyon, nakangiti, "Angel, anong ginagawa mo dito?" sambit nito. Sinagot ko naman siya ng ngiti, nag mamaka-awang ngiti. Walang habas niya akong inabuso sa harap ng mga kaklase niyang babae, paulit-ulit niyang nilamas ang aking dibdib na tila ba'y isa akong babae, isa siyang baliw at nakakatakot na nilalang paminsan-minsan, nagkataon lamang na ngayon ang "minsan" na aking tinutukoy. No one can do a shit, ang mga kababaihan ay nagtatawanan at mga kalalakihan ay nakatingin sa akin na tila ba'y nakikiramay dahil naranasan na nila ang parehas na sitwasyon, "We can feel you, soldier" iyon ang nakikita ko sa kanilang mga tingin habang ako'y kinikiliti at inaabuso ng walang hiya kong pinsan. Hindi ko na muling nasilayan si Mak.
•
•
•
"Whoo... Abune!!! (That was close!!!)."
Sambit ni Makenyu habang nakahawak sa gitna ng kanyang dibdib at humihinga ng malalim.
"Somehow, pakiramdam ko ay inalay ko sa isang tribo si Shira at sa mga oras na ito ay nagsimula na ang ritwal. Pira-pirasong hinahati ang bawat parte ng kanyang katawan... Pero hayaan mo na, matanda na siya, kaya niya na sarili niya."
...
"Foc! Ngayon ko lang naalala, laging naiihi si Shi kapag walang tigil siyang kinikiliti!" sigaw nito sa sarili.
Nagmamadali siyang tumakbo upang sagipin ang kaawa-awa niyang pinsan.
Next chapter! "Ang Perpektong Araw"