Isang taon na ang nakararaan. Noong panahon na isang bakasyonista pa lamang sa Cavite si Sheila.

"Hoy, tignan mo 'to, Shira!"

Halos ingudngod ni Makenyu ang kanyang cellphone sa mukha ni Sheila dahil sa lubos na kasabikan.

Namimikit-matang sinilip ni Sheila ang maliwanag cellphone.Tinitigan niyang mabuti ang litrato ng babaeng nasa cellphone.

"Si—sino yan? Jowa mo?"

Tanong ni Shiela.


"He-he-he, of course, yes!"

Tugon ni Makenyu.

‘Wow! Pakiramdam ko ay kumikinang-kinang ang aking paningin dahil sa aking nakikita. Isang dalaga na may malaki ngunit magagandang mata. Mayroon din siyang nakabibighaning mga ngiti na dinagdagan pa ng cute na bunny tooth. Ang kanyang kutis ay ang kahulugan ng 'perfectly blend coffee and cream'—ang tamang timpla—. At higit sa lahat! Ang hindi malaki ngunit hindi maliit na dibdib na mas kilala rin sa tawag na perfect— OPPAI, PAI, Pai, pai!!!’

Agad na iniba ni Shiela ang kanyang reaksyon dahil sa inggit na nadama.

"Tsk! Ang panget."

Mapagpanggap nitong sambit.

"Zannen (too bad)! Hindi mo ako maloloko, boy. Ika nga nila, 'eyes don't lie'."

Wika ni Makenyu.

Ilang sandali ang lumipas ay bukal sa loob na isinalaysay ni Makenyu ang istorya sa likod ng pagmamahalan niya at ng babaeng nasa litrato.

"Hys... perfect na sana ang aming relasyon bilang magkaklase at magjowa. Kung hindi lang tutol ang mga magulang niya."

"Ang masaklap pa doon, teacher din ng school yung mama niya."

Malungkot na bugtong hininga nito.

"Haha! Kahit sinong magulang tututol na magkajowa ang anak nila kung ikaw ang manliligaw."

Pang-aasar na tugon ni Shiela.

"By the way... ano bang pangalan ng babaeng yan?" tanong nito.

Balik sa kasalukuyan. Galak na galak ang buong kalooban ni Shiela habang nakaupo sa upuan.

Tee-hihi! What a day, what a life.
Mukhang ibinigay na ng diyos ang pagkakataon upang makapaghiganti ako sa aking pinakamamahal na pinsan. For your information, sa kasalukuyan ay katabi ko ng upuan ang ex-girlfriend ni Mak— si Sandara! Ang babaeng lubos niyang ipinagmalaki sa akin. Sa aking pagkakaalam ay kaka-break lamang nila noong nakaraang bakasyon. Ka-ka-ka, hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa lubos na kasiyahan.

Makenyu's POV:

Malas, malas, malas! Sa dinami-dami ng pwedeng makatabi ni Babylobs, bakit yung pinsan ko pa!? Nazeda?! Nazeda yo?!

Wala na... finish na. Tingan mo naman ang ngiti sa kanyang mga mata, very demonic! Para siyang si Killua na naka assassin mode noong kinalaban niya si Rammot.naka assassin mode noong kinalaban niya si Rammot.

'Stop! Stopppp! Patawarin mo na ako–– pi... pinsan! Hindi naman big deal yung kasalanan ko e'

Shiela's POV:

Ka-ka-ka! Hell no! (They're talking through their eyes) 

Mata sa mata, ngipin sa ngipin. Kung sa tutuusin ay hindi lamang isang beses na binullshit mo ako, you dipshit! Naaalala ko pa dati noong bata pa lamang tayo at wala pang C.R. sila tita. Pinagsamantalahan mo ang pagtawag ng kalikasan sa akin.

Habang pilit akong umiiri sa likod ng malaking talahib upang ilabas ang tubol na nagmula sa aking tiyan ay may masama ka palang plano. Dinakot mo ang malaking tipak na ebak ng kalabaw at walang awa mo itong pinagbabato sa musmos kong mukha at noong nasaid mo na ang ebak ay humahalakhak kang nag walkout habang ako'y umiiyak. Unforgivable, very unforgivable!

At naaalala ko rin noong nakaraang buwan. Kaka-uwi lamang natin after magjogging, uhaw na uhaw akong pumunta sa kusina ngunit may kakupalan ka nanaman palang naisip. Binigyan mo ako ng tubig at inakala ko namang ika'y nagmamabuting loob lamang, ngunit hindi! Hinding-hindi mo gagawin yon! Nalaman ko lamang kung ano ang dahilan ng kabutihang loob mo noong aking ininom ang binigay mong tubig. 

'Pwack!!!' you put a f*cking oil in my water, lintik ka.'



Ehe-hehe... ngayon, tignan mo kung paano ko unti-unting sisirain ang pangalan mo sa pinakamamahal mong ex, sa nag-iisang Sandara ng buhay mo. Wala nang "comeback" na magaganap! Ka-ka-ka.

Yeah that's right... manglumo ka, magsisi ka, magdusa ka. 'Di kita bateEee, ble-ble-ble!

Samantala, habang tuwang-tuwa na kinakausap ni Shiela ang kanyang sarili ay dahan-dahang tumayo ang guro sa gitna ng klase upang magbigay ng anunsyo.

"Ehem-ehem... I changed my mind."

"Pagtatabihin ko nalang pala yung mga magkakaclose para hindi maging awkward ang klase natin."

"Makenyu, tabihan mo si Shiela since magpinsan kayo. Si Kyzsh naman ay tatabihan ang isa pa nating transferee na si Dicky, since magkapitbahay lang naman sila. Ang problema lang is wala pa rin si Kyzsh hanggang ngayon..."

"The rest... bahala na kayo sa buhay n'yo, OK!?"

Anunsyo ng guro.

'Arghhhhh!!!!!! Shit! Hindi ko manlang nakausap 'tong ex ni Mak!'

Makenyu's POV:

Ho-ho-ho! Thank you, Kamisama.

Bugtong hininga nito na tila ba'y nabunutan ng tinik sa lalamunan habang lumalakad papunta sa tabing upuan ni Shiela.

"What's up, pinsan."

U-ka Creator

Next chapter! "Teacher's POV"