Sa wakas ay narating na namin ang aming munting academy. Nanghihina akong pumasok sa gate at nilakad ang parking lot na may kaunting basketball court. Sunod ay inihatid ko si Colby sa kanyang silid— sa silid ng mga Grade 3—.
And just like what I said “isang problema ang batang 'yon”. Biruin mo ba naman, simula noong pumasok kami sa gate ay biglang nag-iba ang kanyang postura at pag-uugali, mf turned into a gangster. Sheesh, bahala siya sa buhay niya.
•
•
•
Ang GMA ay isang munting academy na mayroong one section per grade levels— kinder to junior high. Ang bawat silid sa paaralang ito ay maihahalintulad sa isang simpleng bahay na dinesenyohan lamang upang maging silid-aralan. Pare-parehas itong may dalawang hakbang na hagdanan at kulay pink na pintuang gawa sa kahoy. Ang interior naman nito ay may mga upuan ng estudyante, teacher desk at mahabang whiteboard.
Ahhh here I am... ngayon ay nakatayo na ako sa pinto ng aming room. I can feel all the pressure entering my stomach towards my butt. My spider sense is tingli— ‘BUGEGHH!!’
Bigla siyang binunggo ng lalaking tumatakbo na parang ninja sa Konoha (Naruto run) sa kahabaan ng hallway, dahilan upang siya'y masubsob sa dalawang hakbang na hagdan at mauntog sa nakakandadong pintuan. Malakas ang tunog ng kanyang pagkauntog kaya't narinig ito ng kanyang mga kaklase na nasa loob ng silid— sa kabutihang palad ay wala silang pakealam.
Huminto ang lalaki sa harapan ni Shira upang siya'y silipin. Nakahalukipkip siyang tinignan nito na tilay ba'y tinatapakan ang buo niyang pagkatao.
"Hm! Tsk!"
Sambit nito sabay muling bumalik sa pagtakbo.
Huhhh? Nani?!
Huwag mo akong ma ‘hm tsk, hm tsk’ d'yan, siraulo! Ang aga-aga palang pero sinira mo agad ang unang araw ng school year ko! Humanda ka sa'kin, kapag nakita ulit kita ay ipapagulpi kita kila tito.
Mabilis na tumayo si Shira, nilinis ang kanyang uniporme at inayos ang kanyang buhok bago pa siya makita ng ibang tao. Sa kanyang paghakbang sa unang baitang ng munting hagdanan ay biglang bumulahaw ang nakabibinging tunog ng school bell. Ito ay pahiwatig na ang flag ceremony ay sisimulan na.
Bumukas ang pinto sa kaniyang harapan kasunod ang mga matatamlay na estudyante.
‘Eh... Mga kaklase ko ba talaga 'to o sila yung mga infected na estudyante ng Hyosan High School?’
Ilang sandali ang lumipas ay napuno ang court ng mga estudyante. Maayos kaming nakapila at nakaharap entrance ng paaralan habang nagbibigay ng opening speech ang principal.
Sa buong buhay ko ay ito ang unang beses na dumalo ako sa isang tahimik, mapayapa at matiwasay na flag ceremony. Ang tanging ingay lang na aking naririnig ay ang mga halakhak ng mga bata. Palagay ko ang dahilan kung bakit walang excitement na nararamdaman ang mga high schoolers sa paaralang ito ay dahil nagsawa na sila sa isa't-isa. Biruin mo ba naman, for so many years pare-parehas na mukha ng teacher at classmate ang makikita mo.
Nagsimulang tumugtog ang instrumental ng Lupang Hinirang at nagkantahan ang lahat.
Teka... teka, teka, teka nga muna sandali! Sabi ko na nga ba ay mali sa mga nangyayari. Nasan na si Mak? Nasaan na ang pinsan ko?
Marahan niyang hinanap ang kanyang ,pinsan sa buong paligid. Paikot niyang tinanaw kung nasaan ito naroroon.
Ilang sandali pa ay kaniyang nakita na ito'y humihikab na nakahawak sa kaliwang dibdib habang umaawit.
‘Hay nako... Are you serious, dude? Unang araw pa lang ng pag-aaral ay may naitala na agad siyang late sa attendance. Talaga nga namang hindi maipinta ang kanyang mukha. Mababakas sa kanyang mata na bagong gising pa lamang siya. Diyos ko! Hinihiling ko na sana ay naisipan niyang mag toothbrush man lang.
Ganito ba siya ka-comfortable sa paaralang 'to? Kanikanina lang sinundot n'ya ang kanyang ilong para mangulangot. Hoy! Umayos ka, isa 'yang pangbabastos sa watawat at sa minamahal nating bansa!
Author: Yup, yes, I know... hindi matatamlay yung mga zombie sa "All Of Us Are Dead" kaya hindi magandang description yon. Ang problema kasi is wala akong ibang alam na highschool zombie series or movies. Next Chapter! "Revenge is a Bitch"