Ang araw ay nasa kalagitnaan ng kalangitan, sa paghakbang ko palabas ng malamig naming silid ay sinalubong ako ng maalinsangang simoy ng hangin. Tila ba'y lumabas ako sa bus na bumyahe mula sa Monumento hanggang EDSA. Ako'y mag-isang lumakad upang sunduin si Colby mula sa kanyang silid na nasa pinaka unahang bahagi ng paaralan, naiwan si Mak dahil mayroon itong mga kausap na grade 10. Nakatuon ang aking pansin sa sementado ngunit lubak-lubak na daanan, iniisip na ito'y sanhi ng mga lindol na hindi nadarama ng mga walang malay na tao. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagawa akong libangin nito mula sa nakababangot na paglalakad. Hinahanap at sinusundan ko ang bawat linya, saan ito nagmula at saan ito magwawakas? Posible kayang ito ay isang portal papunta sa ibang universe kung sakaling lumawak at tuluyang magbukas ang lubak na ito? O 'di kaya'y isa itong mapa papunta sa malawak at dambuhalang tarangkahan ng impyerno? Sa kalagitnaan ng aking pagmumuni-muni ay napagtanto kong ako'y nasa harap na ng silid ng aking munting pinsan. Nang makita kong nagsusulat pa ang karamihan sa kanila ay sumandal muna ako sa pader na siyang nag bubuklod sa gitna ng pinto ng grade 3 at 2. I realized na para sa mga elementary ay madalas na dalawang grade level ang gumagamit sa isang silid, pinagbubuklod lamang ito ng manipis na plywood. Matapos ang isang minuto ay nagsimula akong mabagot sa paghihintay, nanghihina na tila ba'y nahigupan nang enerhiya akong lumakad papunta hallway na harap lang naman ng kanilang silid, sinandal ko sa bakod na wire fence ang aking likod na may nakasabit na bag. Sa aking pag lapag ay mala bola akong tumalbog sa mala trampulin na fence, ang wire fence ay may pinaghalong kulay ng kalawang at mapusyaw na asul. Sa aking harapan ay ang pinto ng silid nila Colby at sa aking kaliwa naman ay si... si... si Shiela number 2 na nakasandal sa kabilang bahagi ng pader na aking unang tinambayan. Knowing that I may fucked up again, agad akong umayos ng tayo at nagtangkang bumalik sa harapang pinto nila Colby, ngunit bigo ako dahil sa nagawang ingay ng paglapag ko sa wire fence.
"Oy, ikaw pala yan!" sambit nito na bakas ang pagkagulat. Hindi ko magawang sumagot sa berbal na paraan, tanging pagngisi at pagtango lamang ang aking naitugon. Nakasabit ang dalawa niyang hinlalaking daliri sa shoulder strap ng kanyang bag, siya'y humarap at mala kunehong lumuksong papalapit sa aking harapan upang ako'y kausapin, hindi malakas at hindi mahina ang tono ng mahinhin niyang boses, "Hay nako... May kaylangan tayong pag-usapan. Free ka ba? Very urgent 'to para sa'ting dalawa.". Ow shit... Don't give me that adorable begging face! Hindi nanaman ako makakapag-narrate nang maayos niyan! At yung paangat na tono nung sinabi niya yung "dalawa", para siyang nakiki-usap sa akin dahil nakataya ang kanyang buhay! Trying to keep my cool, muli ay ngumisi lamang ako at tumango habang unti-unting nilalamon ng perpekto at nakahuhulog na pagkatao ng babaeng 'to.
"Sino ba ang Shiela 1 at Shiela 2? Nakakalito kasi e'." oh my goodness, that's probably the most cutest shitty question I've ever heard. Winakasan niya pa ito ng isang bashful smile. "Ah, ako nalang kaya, ako nalang si Shiela 1, since ako naman original na Shiela sa room, ehaha." oh my goodness again, oo na, sayong-sayo na! Pati si Colby, sayong-sayo na!
Muli ay hindi ko nagawang sumagot, naputol ang aking dila na tanging pagngiti at pagtango lamang ang aking nagagawa. Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap na ang tanging tugon ko lamang ay sign language, nagsimulang bumukas ang pinto para sa mga grade 2, isa-isa at nakapilang lumabas ang mga bata. Sa lahat ng mga batang iyon ay may isang nangingibabaw, ang kapatid ni Shiela, para silang pinagbiak na inyodoro. Nang marinig nito ang sitsit ng kanyang ate ay agad itong lumapit, isang masiyahing bata, makikita ito sa mga ngiti na ibinigay niya sa kaniyang ate.
"Tita, may assignment kami sa Math." ay, pasensya na, masyado ko silang pinangunahan.
Sinamantala ko ang pagkakataon upang dumistansya dahil alam kong masyado pa akong mahina upang harapin si Shiela na maikukumpara ko sa isang final boss ng mga Role-Play Games (RPG). Matapos ang maikling usapan na umikot lamang sa mga samutsaring assignment at simpleng experiment na pagtatanim ng munggo ay sabay na lumakad ang dalawa. Sa aking pagsulyap ay nakita ko ang kulay pink at gray na bag ni Shiela, palayo nang palayo sa aking paningin. Pinikit ko ang aking mga mata at huminga nang malalim na para bang nabunutan ng toothpick sa lalamunan, nag pasalamat sa panginuon na kahit papaano ay naiwasan kong gumawa ng kahiya-hiyang bagay. Nang maramdaman ko ang ginhawa sa aking dibdib ay muli 'kong minulat ang aking mga mata.
•
•
•
Ohhh, for fuck sake!!! Bakit nasa harapan ko nanaman siya, in the same spot pa?! Nagkakaroon ba ako ng halucination ngayon? Nag malfunction nanaman ba ang utak ko? "Health—","Health Me"!
"Help me" 'yun, hoekay? 'Wag mo ngang i-copy right yung Gintama, have some originality.
"Ay, nagulat ba kita? Sorry, ehahaha!" wow... ngayon ko lang napansin ang kakaiba niyang tawa. Para bang isa siyang karakter sa One Piece.
"Bumalik ako kasi ipapaalala ko lang sayo na ako si Shiela 1," nakangiti at hinihingal na sambit nito, "okay?" dugtong niya kasabay ang mayuming pagkiling ng ulo sa kanyang kaliwang bahagi na tila ba'y sumasandal sa mabangong simoy ng hangin, tumingin ako sa kanyang kaliwang kamay at nakita ang thumbs up na naghihintay sa aking sagot.
Gamit ang kaliwang kamay ay sinagot ko ito ng isa ring thumbs up. "Got it, boss." sa unang pagkakataon ay nagawa ko siyang sagutin sa berbal na paraan.
Next Chapter! "Kape"