Finally, the day has come! Magsisimula na ang school year... and I'm disappointed, hindi ako excited. Parang gusto ko na ngang lumipat ng school e', kaso nga lang ayaw ko nang mag cause ng struggle kay tita dahil hindi lang ako ang pinapaaral niya. At isa pa, hindi naman katanggap-tanggap yung rason ko dahil hindi naman 'yon big deal... medyo lang.
Matapos ang lahat nang nangyari noong swimming, hindi ko ma-imagine kung ano ang magiging reaksyon ng mga kaklase ko kapag nalaman nilang ako yung awkward na lalaking magdamag na nakaupo sa gilid ng cottage. Goddamn! Hindi ko talaga mapapatawad si Mak. Alam niya namang wala akong kakayahang makipag socialize.
Oo nga pala! Hindi pa pala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Shiela Toga, minsan ang tawag sa akin ng mga pinsan ko ay "Shi/Shira", isa akong half Japanese half Filipino. Nangyari 'yon dahil dating nagtatrabaho sa Japan si mama at sa bansang 'yon ay nakilala niya nga si papa. Kinasal sila dito sa Pilipinas, pero noong 2 years old ako ay umuwi si papa sa Japan. Matagal kaming nawalan ng balita sa kanya– until naging 6 years old ako. Walang awa raw siyang pinaslang ng mga yakuza. Hindi naman masyadong naapektohan n'on ang pamumuhay ko dahil halos hindi ko na matandaan ang presensya n'ya sa pamilya noong mga panahon na 'yon. Ngunit isa lang ang nasisigurado ko, malaki ang naging epekto nito sa pamumuhay ng aking ina.
Noong nakaraang taon lang ay pumanaw si mama dahil sa lung cancer. Ang sanhi nito ay ang malakas niyang pag-inom ng alak at paninigarilyo. Siguro 'yon ang naging paraan niya upang labanan ang stress na nararamdaman niya. Kaya naman from Manila ay lumipat ako dito sa Cavite at sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ako nang mabait kong tita na si Tita Ran-ran.
Oh no, no, no, no... comedy nga pala 'to! Biglang bumigat yung emosyon e', sorry very much!
Hay nako, moving on! Eto ako ngayon, naglalakad papunta sa school habang hawak ang kamay ng magaslaw na anak ni tita. Siya si Colby, isang grade 3 student. Inampon siya ni tita noong 3 months old palang siya. May luslos siya kaya kailangan siyang pagtuunan nang pansin hanggat hindi pa siya maaaring operahan. Ang pag-aalaga sa kaniya ang tanging maisusukli ko sa kabutihang ibinibigay sa akin ni tita.
"Hoy Colby, pwede bang tumigil kana sa pagtalon-talon mo? Sige ka, malalaglag yang bayag mo!"
Sa kasamaang palad ay tinitigan niya lang ako nang masama... this bi*ch!
Isang problema ang batang 'to. Sa murang edad ay marunong na siyang mag dirty finger at bukod pa r'on ay malutong na siya mag mura! Walang duda, kasalanan 'to ng mga napapanood niyang videos sa internet. Ah shit! Kaya dapat talaga ay inilalayo ang mga kabataan sa internet. Kung ano-anong kagaguhan ang natututunan nila dahil doon! Well... doon din kasi ako natuto eh, hehe... sorry. Kung sa pagdi-disiplina naman ay talagang may pagkukulang si tita. Hindi ko rin siya masisisi dahil bukod sa trabaho ay may iba pa siyang pinagkaka-abalahan para magkapera, sobrang busy niyang tao.
Kaya't ang aking misyon! Disiplinahin ang lintik na batang 'to! Right here and right now!
Of course nag-research muna ako sa internet kung paano disiplinahin ang isang bata. At ang nangunguna sa listahan (sabay-sabay nating basahin mga bata!) "Haluan ng pagmamahal ang pagdidisiplina!".
I spoke with a sweet tone.
"Hey Colby-swan, mi lobs! Yamete gore oy, onegai! Stop jumping, konoyaro. MMMMwuahah!"
"Kadiri ka! Pakyu!" mabilis na tugon nito habang ipinapamukha ang maugat niyang gitnang daliri sa akin.
‘Puñemas na bata 'to! Papatayin kita, papatayin kita, papatayin kita!!!’
Argh bwiset! Move on to the next strategy,— dahil sa hindi gumana ang “with love strategy” ay oras na para sa kabaliktaran— "Haluan ng takot ang pagdidisiplina".
"Oy, siraulong bata... kilala mo ba kung sino ang bina-bad finger mo, huh?" sambit ni Shiela with a menacing voice.
Mabilis namang tumugon ang bata.
"Oo kilala kita, ikaw yung sinamahan namin ni mommy magpatuli pero na reject dahil hindi ka pa tagpos!"
Sh★t p@t*#na mo, m@*∆$#er!!! It echoes around my ears! Kaasar na bata 'to, pasmado ang bibig!
Pakiramdam ko ay niratrat ang dibdib ko gamit ang baril na AR-500 at ngayon ay dahan-dahan akong bumabagsak sa maduming kalsada. The background turned into color white, agh nakakasilaw ang liwanag. I'm good as dead now. Paki-usap, ilibing niyo ako sa ibabaw ng kabaong ni Mia Khalifa.
Gunggong ka, hindi pa patay si Mia!
‘SHUT UP, narrator!’
Next chapter! "School Year Kickoff!!"