Sa wakas ay naglaho na rin ang mabahong amoy ng canteen. Salamat sa pagstep up ng principal.
"Grade 8 students! Paki-usap ay huwag po ninyong gawing tambayan ang ating canteen.... After bumili ay bumalik na po agad kayo sa inyong room." sambit nito kanina.
Che! Ichoserang principal. Ayaw pang sabihin na, "Grade 8 students na walang alam sa proper hygene! Mag sibalik kayo sa room n'yo, mga animal!". Understandable naman kung bakit kalmadong hinandle ng principal ang sitwasyon sa kabila ng nakakasulasok na amoy, ito raw kasi ang unang year na nagkaroon ng 300+ students ang academy na ito, kaya't malamang sa malamang ay naliligo sa pera ang principal. I mean, ang three hundred plus students na 'yon including me ay magbabayad ng hindi lalagpas sa 3,500 tuition fee every semester, dude. Usap-usapan din kanina kung bakit biglang nagdagsaan ang mga dating nag-aaral sa Trade Public HIghschool— isang sikat na public school sa Cavite. Ang sabi ay dahil daw ito sa naganap na rambulan sa loob ng paaralan noong nakaraang taon kung saan may isang nasawi. Nagbawas daw ng estudyante ang paaralan at iniwasan narin ng mga magulang na pag-aralin doon ang kanilang mga anak. What a life... nakikita ko na ang hinaharap ng academy na ito. Narinig ko pala lahat ng impormasyon na ito mula sa bunganga nila Richie a.k.a. "Chie" at Banehor— yung bastos na nagyaya sa akin na mag k******—, hihi, lintik na pangalan yan.
Matapos ang ilang minuto ay sabay-sabay kaming nagpunta sa canteen ngunit agad na nabuwag din noong nakita nila ang kanilang mga kaklase na mga Grade 10. Naiwan kami ni Mak sa pila at nagkwentuhan muna sandali habang naghihintay.
"Naaalala mo ba yung na-mention ni sir na si "Kyzsh", yung sobrang late na pumasok kanina?" tanong nito sa akin.
"Oo naman, sa lahat ng weirdong pangalan na narinig ko ngayong araw, yung "Kyzsh" ang nangunguna." haha, yung Banehor yung pangalawa at pangatlo naman yung Bruce Wine.
"Mag-ingat ka sa taong 'yon. May sakit sa pag-uutak 'yon e'." payo nito.
"Huh? Panong may sakit?" i asked.
"Meron siyang malalang "Stage 5 Grade-8 Syndrome" and at the same time ay nagiging bayolente rin siya." sagot nito.
"Grade-8 syndrome?" muli kong pagtatanong
"Uhm... uhhh... example is... mahilig siyang magnaruto run at bigla ka niyang babanggain." paliwanag nito matapos mag-isip ng malalim.
"Ahhh! Ha-ha... I see..."
"Ginawa niya na sayo 'yon?" tanong ko matapos mapansin ang kanyang pagkatulala na tila ba'y nagbabalik tanaw.
"Yup... first day of school." ahhh! Hahaha... I see...
Pagkatapos ng aming pag-uusap ay saktong natapos bumili ang batang babae na nasa aming unahan. Unang bumili si Mak ng tatlong polvoron, isang sandwich, at tubig na may chocolate na kinulang sa halo kaya't may buo-buo. Naisip-isip ko, "Pagkain ba talaga 'to ng mga nag-aaral sa private school o nag-expect lang talaga ako ng maatas sa school na 'to?". Nevertherless, ako naman ang bumili, nakita ko si Mak na hinihintay ako sa pinto ng canteen nang biglang nakarinig ako ng malalim na paghinga sa aking likuran. Dahan-dahan ay muli akong lumingon at nakita ang nagmamadaling tumatakbong si Mak papunta sa aking direksyon na tila ba'y nakakita ng aswang. Sa pagpapatuloy ng aking paglingon ay nakita ko ang tatlong batang kumakain ng kanilang baon sa gitna ng canteen kung saan may mahabang lamesa, but it doesn't matter dahil nakita ko rin sa aking likuran ang pawisan at hinihingal na lalaki— ang lalaking nagnanaruto run at nakabunggo sa akin kaninang umaga, si Kyzsh!
Ako'y nasindak, natakot, at muntik nang maihi sa brip dahil sa gulat. Sino ba namang duwag ang hindi matatakot matapos marinig ang kwento ni Mak. And by the way, nasaan na si Mak na tumatakbo kanina?
Hinanap ni Sheila ang kanyang pinsan sa pamamagitan lamang ng mata, maingat at mabilis upang maiwasang mapukaw ang pansin ng demonyong nasa kanyang likuran.
Magaling, nakalimutan ko nanaman na isang kupal ang aking pinsan. Iniwan niya ako at umupo siya sa tabi ng tatlong batang kumakain ng kanilang baon habang nakatitig siya sa pader ng canteen at ngumunguya ng sandwich, nagpapanggap na wala siyang nakita. Kinalabit ako ng demonyo.
"Oy, bilisan mo naman diyan." sambit nito.
"Sorry, eto na, bibili na ako." nasambit ko ito ng pabulong kaya't hindi ko malaman kung talagang narinig niya ito.
Binili ko ang nag-iisang sandwich at nag-iisang C2, agad na inabot sa tindera ang bayad at umalis. Ako'y nakahinga ng maayos habang naglalakad palabas ng canteen nang biglang may humawak sa aking kaliwang balikat.
"Oy, akin na lang yung C2."
Nanigas ang aking katawan, bukod sa alam ko kung sino ang humawak at pumipiga sa aking likod ay nauuhaw narin ako.
"Kiz (Kyzsh), 'wag mo namang pagsamantalahan yung pinsan ko." lumingon ako at nakumpirmang ang boses ay galing kay Mak. Nakahawak ito sa kanang kamay ni Kyzsh na siya namang nakahawak sa aking kaliwang balikat.
"Anong "pagsamantalahan" ang sinasabi mo? Bibilhin ko lang naman yung C2 sa kanya." tugon ni Kyzsh.
"Hoy, mga bata, kung magsusuntukan kayo, dun niyo gawin sa labas yan." sambit ng middle aged na lalaking guard na tumutulong sa pagtitinda. Binuksan nito ang harang sa canteen at pumunta sa tabi ni Mak.
"Mak, kalmahan mo lang... sa labas niyo upakan 'yan, talo kayo kung dito niyo sa loob gagawin. Malaki mag bigay ng pera magulang niyan kay Principal." mahinang bulong nang guwardya.
Inalis ng guwardya ang kamay ni Kyzsh sa balikat ni Shiela at nagsimulang magbato ng mga biro upang pakalmahain at pangitiin ang lahat. Payapang bumalik sa silid ang lahat, unang pumasok ang dalawang magpinsan, sumunod naman si Kyzsh. Walang kahit anong pag-uusap ang naganap upang magkaroon ng kasunduan at kapayapaan ang dalawang panig na nagkaalitan dahil sa C2. Ang maliit na kamay ng oras ay nakaturo sa bilang labing-dalawa, ang malaki naman ay nakaturo sa bilang anim, naghuhudyat na oras na para umuwi ang mga mag-aaral.
Matapos kumain ng tanghalian kasama ang tita at pinsan ay kinuha ni Shiela ang upuan sa gilid ng kanilang bahay at inilagay ito sa tabi ng puno na nasa harap naman ng kanilang bahay. Agad siyang umupo at inilagay ang dalawang kamay sa kanyang batok.
"Ughhhhh... ngayon ko lang nalaman na nakakapagod ang first day of school. Sobrang haba, parang umabot ng five chapters..."
"Ughhh... nakaka-miss..." ang luha ay naipon sa mata ni Shiela ngunit ito'y hindi tumulo.
Nakaka-miss yung instant pancit canton na niluluto mo sa tuwing umu-uwi ako, Ma. I wonder... naging masaya kaya si mama— ang pamilya namin kung nanatili si Papa sa tabi namin. Who the f*ck knows...
Author: Kyzsh= Ki-zish Next chapter! "Shiela"