Isang lingo na lamang ang natitira sa bakasyon at amin nang haharapin ang buhay grade 9. Ako at ang aking pinsan na si Mak ay tahimik na umiinom ng kape kahit dis-oras na nang gabi habang naka-upo sa maalikabok at nangangalawang na bubungan ng aming tiyahin.

Mahinhin ko siyang tinanong, "Oy, Mak, anong oras na?"

"Ewan ko." tugon niya.

Hinigop ni Mak ang mainit na kape habang ang kanyang mga mata ay nakatitig sa langit. Nakakatakot itong pagmasdan dahil napapalibutan ito ng maiitim na ulap at nakagigimbal na mga kulog. Sa kabila ng sitwasyong iyon ay nanatili kaming mahinahon sa pag-upo dahil sa kawalan namin ng pakialam sa aming kapaligiran.

Muli ay tinanong ko siya ng walang kwentang katanungan, "Oy, Mak, tingnan mo ang buwan, ang nakabibighaning bilog na buwan. It looks perfect." aniko.

Bulgar naman siyang sumagot.

"Tanga ka ba? Nakikita mo naman sigurong makulimlim, 'diba?" aniya.

Alam niya, alam kong alam niya na ako'y may nais sabihin ngunit napipigilan dahil sa pagdadalawang isip. Well... gan'on talaga, isa siyang matalik na kaibigan, kasama sa mga kagaguhan at higit sa lahat— siya ay aking pinsan. Siguro 'yon ang dahilan kaya't madalas ay nababasa namin ang isa't-isa. Ang weird 'di ba?

Ako'y muling nagtanong, at sa oras na ito'y ang tunay kong nasa saloobin, "Oy, Mak, mababait ba mga kaklase natin? Hindi ba sila nang bubully?" I asked.

"..." saglit siyang napigilan upang mag isip-isip.

"Uhm... medyo... —minsan medyo krung-krung sila, pero— madalas mabait naman sila." tugon nito.

"Comfortable sila kasama, Shi. Kaya tigilan mo na ang pago-overthink." dugtong pa niya.

"Annnd... ano ka ba, kinse lang tayong magkakaklase kaya malabong ma-bully ka. Hindi kagaya sa dati mong paaralan na umaabot ng 50 students sa isang room."

Gaya nga ng sinabi niya, isa akong transfer student dito sa Cavite. Ito ang unang beses na mag-aaral ako sa aking probinsya at ito rin ang unang beses na mag-aaral ako sa isang pribadong paaralan. Ang lahat ng mga sinabi ko ay ang mga dahilan kung bakit kinakabahan ako. Isang panibagong school experience at environment. Hehe y'know... kadalasan kasi ay mga mayayaman lang naman ang nag-aaral sa mga private school.

"Huwag kang mag-alala... ‘ore wa mamoruda, motherf**ker’."

Yup... pakiramdam niya po ay astig siya sa tuwing nag ni-nihongo siya. Yup... isa po siyang otaku. Siya ay nabibilang sa kakaibang uri ng mga otaku —the rare one's!—. Mahilig siya sa mga martial arts anime na gaya ng “Baki” or “Kengan Ashura”. Paborito niya ang mga 'yon dahil madalas siyang makipagsuntukan noong kabataan pa niya.

Moving on, nakatakda kaming mag swimming kasama ang lahat ng mga enrollees sa paaralan ng GMA bukas (Geniva Mahusay Academy). Base sa aking pinsan, ang paaralang ito'y ipinangalan mula sa principal na siya ring may-ari ng paaralan. Lupet 'diba? Lakas makaagaw ng abbreviation.

Nagsimulang pumatak sa aming mukha ang tubig na nagmula sa kalangitan. Mabilis kaming pumasok sa loob ng bahay ni tita upang sumilong at masimulan narin ang aming pagpapahinga. Nagpatuloy ang gabi ngunit nahihirapan kaming makatulog kaya't naglaro muna kami ng Mobile Conqueror —mobile version of “Conqueror”, a Virtual MOBA game from the webcomic of Mr. Michael Ampao— at doon ay napagpasyahan naming ilaan ang natitira naming oras bago ang nakatakdang swimming.

The game good... it's so good to the point na nakalimutan na naming matulog. 

In the end, napatigtig nalang kami sa kisame habang napupuno ng yamot, pagsisisi at eyebags ang ibabang bahagi ng aming mata. Sa napakaraming beses na kami'y naglaro, hindi manlang umangat ang aming rank... pakshet!

Humihikab ko siyang tinanong.

"Ahhh sh*t, Mak... anong oras ba mag sisimula yung swimming?"

"8 am daw ang call time, 8:30 am naman ang alis." sagot niya.

Sabay naming tinignan ang orasan sa pader at napansing 7:23 am na.

Muli ko siyang tinanong.

"Pupunta pa ba tayo?"

He replied furiously.

"Oo naman, baliw! Yun ang tamang oras para maipakilala kita sa mga tropa ko doon!"

"Uuwi muna ako, bale... hintayan nalang tayo doon sa school. Doon daw susunduin lahat ng sasama, gets mo ba?."

"Okay-okay." tugon ko.

Sa paglisan ni Mak ay agad akong naligo at naghanda ng aking mga gagamiting damit. Hindi nag tagal ay nag simula akong mag-isip-isip patungkol sa mga maaaring mangyari. Naisip kong malaki ang tyansang maging krisis ito sa akin dahil maaaring maging awkward ang lahat dahil sa aking presensya. I mean... masisira ko lang ang mood nilang lahat dahil hindi nila ako kakilala.

Sh*t. Bigla akong napapa-overthink! C'mon bruh... nandoon naman si Mak kaya paniguradong hindi ako ma o-out of place. Sandali lang... nandoon si Mak? Paano kung wala siya. No, no, no... pinsan ko siya kaya mapagkakatiwalaan ko siya. Probably... mapagkakatiwalaan ko siya.

Hindi ko siya mapagkakatiwalaan.
HINDI DAPAT AKO NAGTIWALA!

Sa tagal ng aking paghihintay ay hindi talaga sumipot kahit anino man lang niya. GAYA NG INAASAHAN! Isa itong krisis, delubyo, JUDGEMENT DAY!

—Ahem-ehem...

Paumanhin sa pag overreact. Hindi ko lang talaga masukat yung disappoinment na nararamdaman ko ngayon. Biruin mo, traydurin ka ng sarili mong pinsan. Bukod pa roon ay dinadanas ko rin sa kasalukuyan ang consequence ng aming pagpupuyat.

... ‘Wait! May iba pa pala akong pinsan! Sila Bugs (Adrian Reno) na isang grade 7 at si Bunny (Annie Reno) na isang grade 10.’

Maiging hinanap-hanap si Shi kung saan naroroon ang dalawa niyang pinsan. Una niyang nakita si Annie. Sa kasamaang palad ay napansin niyang napapagitnaan ng magagandang babae ang kanyang pinsan kaya't mabilis siyang nilamon ng hiya at agad siyang umalis upang hanapin ang lalaki niyang pinsan.

Sunod niyang nakita si Adrian. Ngunit muli, napapagitnaan ng mga kababaihan ang lalaki niyang pinsan.

‘For f**k sake! Bakit pati ikaw!? Bakit puro babae ang mga kasama mo, Bugs?! Alam niyo naman sigurong may phobia ako sa mga babae, 'diba? 'Diba?’

Bigo akong bumalik sa cottage. Wala rin akong balak na mag-swimming dahil ayaw kong mag mukhang tanga.

Ilang sandali ang lumipas ay isang matandang guro ang lumapit at kumausap sa akin.

"Hijo, estudyante ka rin ba? Anong grade ka na?"

Agad naman akong sumagot.

"Uhm... grade 9 po."

Nag patuloy ang matandang guro sa pagtatanong sa akin.

"Ohhh... nandoon sa wave pool yung mga grade 9, bakit hindi ka sumama?"

"Transfer lang po kasi ako e'... hindi pa po nila ako kakilala." pangangatwiran ko.

Matapos kong mangtwiran ay biglang nag-iba ang tono ng pananalita ng matanda.

"Ohhh... Eh bakit pumunta ka pa dito?"

...

––Pwack! Wtf! Lalo kong naramdaman na dapat hindi ako pumunta dito!

Tatlong oras bago ang lahat ng kaganapan, sa tahanan ni Mak.

Dahan-dahang inunat ni Mak ang kanyang mga braso at muling tinignan ang orasan.

"Ughhh!! 7:34..."

Matagal niyang tinitigan ang orasan na tila ba'y nag-iisip nang kanyang gagawin.

"Heh! Makaidlip nga muna. Mag-aalarm nalang ako nang 7:55."

Sambit nito sabay maligayang lumundag sa malambot niyang kama.

Lumipas ang mga oras at tuluyang tumunog ang alarm. Unti-unting iminulat ni Mak ang kanyang mata upang ipatay ang nakaririnding tunog.

He whispered hoarsely.

"Five—... minutes more."

At iyon ang ugat kung bakit nararanasan ni Shiela Toga —na kilala rin sa tawag na Shi/Shira— ang kinatatakutan niyang sinaryo. 

undefined

U-ka Creator

Next chapter! "Paano Gumawa ng Mabuting Bata"