10.Pahiram

Pahiram ng isang ngiti,

‘Yong tipong hindi na ako

Luluha pang muli

Dahil sa sakit

Na unti-unting pumupuksa

Sa dibdib.

Sakit na hindi malunasan

Ng mga luha.

Sakit na araw-araw nililimot

At kinakain ang lakas

Sa katawan.

Pahiram na rin ng isang sandali,

Bago lumisan,

Para masabi ang nararamdaman.

Ang bigat sa dibdib

Na ayaw maalis.

Pakiusap,

Isang sandali pang mayakap ka

Bago ang mga mata’y

Hindi na maidilat.

Pahiram na rin ng isa pang buhay,

Para maipagpatuloy

Ang masayang buhay kasama ka.

MegumiJ29 Creator

"Pahiram ng isang ngiti" #owltribeactivity9