5. Nawawalang Kumpas
Nakahiga sa higaan.
Nakatulala lang,
Hindi alam ang daan.
Magpapatuloy pa ba sa daang nilalakaran.
Kinakapa ang damdamin,
Kung tama pa ba ang nilalakaran.
Tila isang kaluluwang ligaw,
Sa rami ng pinagdaanan.
Tama pa ba ang daang tinatahak?
Nasaan na ang kumpas?
Nawala na ba
O may kumuha na bang iba?
Araw-araw iniisip
Kung isa lamang bang pagkakamali.
Nawawalan na ng pag-asa.
Ayaw ng pasubalian.
Sana may humawak sa aking mga kamay,
At bumulong sa akin at ako’y damayan.
Ibalik sana ang nawawalang kumpas ng buhay.
Sa paggising sanang muli.
Liwanag ng tamang direksyon
Ang makita sa naliligaw na landas.
#Owltribeactivy9