1. Palaso

Akala ko ba kapag tinamaan ng palaso ni kupido

ay mapapa-ibig ka sa isang tao?

Bakit noong ako ay tila nilason ang pagkatao?

Nayanig aking mundo.

Nawasak ang natitirang pag-asa sa puso.

Pag-ibig nga ba ito o guni-guni?

Dahil ng aking pinagtagni-tani,

Tumulo ang mga luha dahil sa hapdi.

Sana’y panaginip lang ito,

Upang ang kirot ay huwag manatili.

—MegumiJ29✨—

MegumiJ29 Creator

"Tumulo ang luha dahil sa hapdi" #OwlTribeactivy9