8. Dapithapon

Kay tagal kitang hinintay

Kay tagal kong nais na makamit ang mainit mong yakap.

Nais na maramdaman ang pagmamahal na pinaka mimithi.

Walang pakialam sa tagal ng panahon.

Walang pakialam sa tagal na hihintayin.

Kay tagal na gusto kang maramdaman dito sa mga bisig.

Mga ngiti mong makulay.

Bawat hakbang mo, kahit na ito'y paunti-unti.

Makapitan ang iyong mga kamay at maisayaw ka sa bawat ritmo ng musika.

Ngunit nasaan ka?

Hinahanap ka.

Sa tagal kong naghintay

Wala na pala akong isasayaw

Wala na akong mayayakap

Wala na ang mga bisig na nais maramdaman

Huli na pala

Hanggang sa panaginip na lang tayo magsasayaw ng mga paborito mong awitin.

Iindayog ng may ngiti sa mga labi.

Habang ngayon ay mga patak ng luha sa pisngi.

Kay tagal man ng paghihintay.

Sana ako naman ang iyong hinintay

Diyan, diyan sa iyong higaan.

Hindi tunog ng alon lang aking madaratnan

Pagaspas ng mga dahon ng niyog ang ingay na naririnig ko.

Sana'y mga malulutong na mga tawa at halakhak

At hindi ang mga nakasarado mong mga mata

Ang unang makikita at wala ng kulay at buhay

MegumiJ29 Creator

"Huli na pala" #owltribeactivity9