undefined

4. Kasingasing Ingay nang Patak ng Ulan

Malamyos na ihip ng hangin sa aking pisngi.

Malamig na gunita sa aking alaala,

Kailan kaya tatahan ang pusong pagod na?

Kailan kaya tatahimik ang isip sa kaiisip sa mga bakit?

Bakit kailangan mangyari ang mga hindi inaasahan?

Nakatingin sa may bintana,

Minamasdan bawat patak ng ulan.

Pinapakinggan ang ingay na nagmumula sa bubungan.

Sa umpisa’y tahimik hanggang sa lumalakas ang bawat patak.

Katulad ng puso kong tila may tumatarak.

Masakit, habang tumatagal ang bawat alaala na akala mo’y

Tinatangay nang malakas na ihip ng hangin.

Napapikit ng saglit, at sa pagmulat ko ng mga mata andoon pa rin ang sakit.

Napapikit ng saglit, at sa pagmulat ko ng mga mata andoon pa rinang sakit.

Hindi na yata mawawala kahit anong pilit.

Nilisan ng hindi man lang nakapagpaalam.

Kasing Ingay nang Patak ng ulan ang puso kong nagsusumigaw.

Sana… sana sa susunod ay mayakap ka man lang ng mahigpit,

Kahit sa huling sandali.

Sana… sana sa susunod ay mayakap ka man lang ng mahigpit, Kahit sa huling sandali.

MegumiJ29 Creator

"Sana… sana sa susunod ay mayakap ka man lang ng mahigpit, Kahit sa huling sandali." #Owltribeactivity9