5. Kape

Nakadungaw na naman sa may bintana.

Hinihintay ang pagbabalik ng mga bata.

Kumusta na kaya sila?

Katulad pa rin kaya ng dati kong naaalala?

Matagal na simula ng sila’y bumisita.

Nasasabik sa umaga na gumising,

At ipagtimpla nila ng kape

Na may kasamang mainit na pandesal.

Kapit ang cellphone.

Para makita ang kanilang mga larawan.

Hindi man lang nila ako tinatawagan.

Siguro ay abala sa kani-kanila ng buhay.

Kailan kaya nila ako mabibisita?

Nasasabik sa mainit nilang yakap

At mga halik sa pisngi.

Bumalik sa alaala ng sila'y mumunting bata pa.

Tumatakbo nang matulin sa bakuran habang

minamasdan ko.

Hawak ko pa ang bawat oras nila

Ngayon, tila hindi na ako makakuha

Kahit mumuting oras mula sa kanila.

Sana, maipagtimpla nila ulit ako ng kape, isang umaga.

MegumiJ29 Creator

"Kape" #Owltribeactivity9