2.Cotton Candy

Hindi masabi ang gusto.

Habang tumatagal sa pwesto.

Gustong maranasan ang tamis ng cotton candy.

Malambot at matamis na hindi nakadepende.

Hindi umiiyak sa isang sulok

Para kaawaan ang sarili.

Nakaupo minamasdan ang magagandang

Litrato ng iba.

Nangangarap na matupad din kagaya ng sa kanila.

Tao’y hindi pantay-pantay ang nangyayari.

Ang iba ay masaya habang nagagawa ang gusto.

At ang katulad ko nama’y namulat na sa perwisyo.

Hindi na yata makakabangon sa Pagkadehado.

Pahingi na nga lang ng cotton candy,

nang mabawasan itong pait sa puso.

—MegumiJ29🌅—

MegumiJ29 Creator

"Pahingi na nga lang ng cotton candy." #Owltribeactivity9