7. Oras

Teka, dahan-dahan lang naman.

Kay bilis ng mga pangyayari.

Wala man lang bang pasintabi.

Hindi pa nakakaahon sa sakit

Heto na naman.

Kabilaan ang problemang pinapasan.

Tila nauubusan na ng lakas

Gusto na lang umatras

Sa mga pagsubok na

Hindi pa natatapos ay may kasunod na.

Hanggang kailan magtitiis

Ang pusong napapagod na

Sa kaiisip.

Oras ay kay bilis

Kay tulin

Katulad ng ‘yong paglisan

Wala man lang babala

Hindi nagdahan-dahan.

Naiwan na lang bigla.

MegumiJ29 Creator

"Naiwan na lang bigla #Owltribeactivity9