Isang araw lang lumipas sa kagubatan ay muling may nagtungo ulit na mga adventurer upang mangolekta ng item at hindi yun magandang pangitain para sakin dahil dumadami na ang bilang nila kada araw na lumilipas. Kapag hinayaan ko sila ay masisira ang katahimikan ng teritoryo ko.
" Parami ng parami na ang nakakaalam sa lugar na ito. Kapag hinayaan ko lang sila ay tiyak na aaraw arawin nila dito. "
Sa pagkakataon na iyon ay nagpasya akong bumaba mula sa itaas ng puno at lumapit sa mga adventurer na nanghuhuli ng wild rabbit. Ang apat na batang adventurer na iyon na binubuo ng swordsman, mage,healer at hunter ay magkakaparty na kumukuha ng quest para magkapera para pang gastos sa araw araw o bumili ng mga magagandang item.
" Kaawa awa naman sila kung pati ang kakarampot na kikitain nila sa trabaho nila ay hahadlangan ko pa." Bulong ko sa hangin.
Napapaisip ako tuloy kung ipagkakait ko ba yung pagkakataon sa kanila na makatapos ng quest at hadlangan ang kanilang pag unlad. Sino naman napaka samang nilalang ang makaka atim na masira ang magandang alaala at kinabukasan sa mga batang adventurer?
" Syempre naman wala akong paki doon." Bulong ko habang isa isang pinagtitira ng palaso ang mga ito.
Napakadaling tumagos ng palaso ko sa mga suot nila na baluti dahil nasa max na ang damage ng attack ko. Hindi rin ganun katitibay ang mga suot ng mga ito at walang kwenta ang mahika nila upang maka ilag at makatakas pa dahil naka max na rin ang accurancy ng mga atake ko.
" Bakit ako maaawa sa kanila eh sila nga hindi nagdadalawang isip na atakehin ako."
Hindi ko kailangan maawa sa kanila dahil mabubuhay naman ulit sila at ang kailangan ko lang takotin sila na wag ng babalik sa lugar na ito. Napakalawak ng kagubatan na ito kaya hindi nila kailangan dayuhin ang teritoryo ko at sirain ang tahimik na buhay ko at isa pa kung iisipin mas malas pa ako sa kanila dahil isang taon na akong nabubuhay mag isa habang sila ineenjoy ang exciting na buhay kasama ang iba.
" Maswerte nga sila at isa silang tao na nabuhay sa mundo, subukan nila maging tulad kong halimaw na tinutugis at parating mag isa sa boring na lugar na ito."
Pagkatapos maglaho ang katawan nila at liparin ang mga kaluluwa nila ng hangin paitaas para bumalik sa chappel ay tumalikod na ako para umalis pero biglang may bolang apoy na tumama sa likod ko.
" Ano ba iyon? " sambit ko.
Ang dalagang iyon na may orange na buhok at nakasuot ng brown na coat ay isang mage. Nasa level 10 na sya at kagaya ng iba ay baguhang adventurer lang din siguro ito pero ang pinagkaiba nya ay hindi ko makita ang ibang impormasyon nya.
" Ang weird nito. Bakit hindi ko makita ang pisikal at depensa nya pati ang abilidad nito ay unknown" bulong ko.
Hindi naman ako nasaktan sa itinira ng mage na ito kaya wala akong dapat ikatakot. Tulad ng dati ay kailangan ko lang syang paslangin upang matakot na pumunta dito pagkatapos ay pwede na akong umakyat at magpahinga ulit.
Inisip ko na lang na may abilidad din ang adventurer na ito bumasa ng status ng kalaban at itago ang mga impormasyon nila laban sa ibang tao. Gayumpaman, mas mataas at espesyal lang ang aking kakayahan dahil pati ang pangalan at edad o mga personal na impormasyon nila ay nakikita ko na para bang nasa isa akong online game.
" Malamang ay nakita nya na nasa level 10 lang ako kaya nya ako inaatake."
Gayumpaman, hindi nila makita ang status ng mga abilidad at kakayahan ko dahil sa espesyal na abilidad ko kagaya ng depensa, atake at iba pa ay nasa 99999 na katumbas iyon ng isang Alpha na halimaw sa mundong ito na nakatira sa sky tower O lower room ng dungeon.
Sa gitna ng pakikipaglaban ko ay may napansin ako sa nilalang na kaharap ko.
" Bakit parang may hindi maganda akong pakiramdam sa isang ito?" Pagtataka ko.
Muli nitong itinaas ang kahoy nyang dala dala at nag cast ng skill. Sa pagkakataon na iyon ay sinubukan nya akong atakehin gamit ang energy ball. Isang maliit na energy ball na kahit hindi ko ilagan ay naisip ko na wala naman magagawang pinsala sa katawan ko.
" Hindi ako mapapatay ng isang mahinang pag atake." Pagyayabang ko.
Ang tulad nyang adventurer na palaging nagpupunta dito ay talagang abala saakin dahil kapag hindi ko sila nilabanan ay dumederetso sila sa puno kung saan ako naninirahan at doon maninira ng kung ano ano gamit ang mga abilidad nila.
" Pasensya na pero kailangan kitang turuan ng leksyon"
Sa ayaw ko man o sa gusto ay kailangan kong lumabas kada oras para tiyakin na walang nakapasok sa teritoryo ko, Madali naman sana ang lahat kung nagagawa nila akong maunawaan pero iba ang lengwahe na alam nila sa lengwahe ng mga dwende.
Hindi ako naiintindihan ng ibang lahi pag sinusubukan ko silang kausapin para tigilan ako kaya wala akong pagpipilian kundi bigyan sila ng leksyon. Hindi ko sinubukan mag seryoso at sinalo ng kamay ang itinira nyang energy ball at habang hawak ko ito at salag ay bigla akong may naramdaman.
" Huh ? "Pagkabigla ko.
Hindi sumabog ang energyball at nanatili na hawak ng kamay ko.
" Anong nangyayari? Bakit hindi ito sumasabog?"
Habang nagtataka ako ay bigla itong nag init sa kamay ko at unti unting lumalaki. Nagulat ako sa pagkakataon na iyon dahil mataas ang depensa ko sa katawan laban sa mahika at kasabay nito ay ang pagkilos at pagtulak nito saakin palayo.
" Paanong?"
Habang nagugulohan at pinipilit kong labanan ito sa pagtulak saakin ng energyball na ito ay napatingin ako sa mukha ng mage na ngayon ay nakayuko lang sa harap ko at walang imik.
" Ngayon lang ako nakaramdam ng sakit sa mundong ito dahil lang sa atake ng mahika. Ano bang klaseng nilalang sya?" Bulong ko.
Halos bumakat ang mga paa ko sa lupa dahil sa pwersa ng pagtulak nito at habang abala akong nag iisip ng paraan takasan ang sitwasyon ko ay naglaho sa paningin ko ang mage.
Sa hindi ko mawari na kadahilanan ay biglang may dumampi sa likod ko na bagay. Nagulat na lang ako ng maipaling ko ang ulo ko sa likoran ko at makita ang mage na kanina lang ay nasa harap ko.
" Paano ka napunta dyan?"
Hawak nya ang tungkod nya na nakasundot sa likod ko. Hindi ko gusto ang pakiramdam ko lalo na yung makita na unti unting ngumingiti ang mage na ito na tila ba may binabalak na gawin.
" Anong klaseng nilalang ka?"
Sa isang iglap lang ay naglitawan ang mga magic circle sa paligid at nagliwanag ng napakatindi na halos wala na akong makita. Mukhang binabalak nyang burahin ako sa mundo ng pinong pino.
" Hindi maganda ito, Kailangan kong gumawa ng paraan . "
Sumabog ang buong lugar dahil sa pag atake ng misteryosang mage na halos nagpayanig sa kalupaan.
Gayumpaman ay hindi ako masyadong nasaktan sa pag sabog at napatalon na lang palayo. Mataas parin naman ang depensa ko pero inaamin ko na hindi ko nagawang labanan ang ginawa nya. Napapunas ako ng pawis sa noo habang iniisip kung sino ba ang mage na umatake saakin.
" Nahuli nya ako sa atake nyang iyon."
" Mabuti na lang mataas ang depensa ko sa katawan."
Habang pinagmamasdan ko ang sugat ko sa kamay at braso dahil sa pagsabog ay biglang may malakas na hangin na tumaboy sa makapal na usok sa paligid namin.
" Dapat ako makaalis dito pero parang ayaw sumunod ng mga binti ko. " Bulong ko.
Nakakatakot at hindi kapani paniwala ang lakas ng presensya nya na halos hindi ako makahinga. Hindi ko sa gusto kong manatili doon at alam ko dapat na akong umalis dito pero dahil sa panginginig ng katawan ko ay halos hindi ko magawang kumilos.
Ano nga bang nangyayari ? Sino ba sya at anong sadya nya saakin. Hindi ko alam kung magagawa kong harapin ang tulad nya sa isang laban basta ang natitiyak ko lang ay magiging kakaiba at mahaba ang magiging araw ko.
Chapter 1:3 Ang pagtatagpo