Hindi agad na tinanggap ng isip ko ang mga nasabi ng babaeng ito at matagal na nakatunganga habang nagkakatitigan lang kami kapwa nag aantayan ng reaksyonng bawat isa. Halos walang umiimik saamin ng higit sampung segundo hanggang sa napatawa na lang ako.

" Hahaha, ok? Ha-ha-ha....ha " Bigla kong pagtawa dahil naisip ko na tila nagbibiro ito.

 

" Bakit ka tumatawa?" Masungit na sambit nito. 

Saglit muling tumahimik ang usapan namin habang tila hinihintay ko na sabihin nya na isa lang pagbibiro ang nasabi nya saakin .

 " Pasensya na mahal na demonlord pero akala ko nagbibiro kayo."

" hahaha pero ok din yun para hindi masyadong nakakatakot ang pag uusap natin." Sagot ko

 

" Seryoso ako kaya anong nakakatawa sa sinabi ko? " dagdag nito.

Sa pangatlong pagkakataon ay natahimik ang lugar at natigil ang pag uusap namin habang nakatingin saakin.

 

" Sandali lang ha, sinasabi nyo bang gusto nyo akong magnakaw ng divine item sa bayani ng mundong ito, talunin ang mga alpha class na halimaw at umabot sa taas ng tore para talunin ka? " Pag uulit ko.

 

" Tama, iyon ang eksaktong sinabi ko, alin naman doon ang nakakatawa ? " pagtatanong nito.

" Lahat at hindi ko na rin maintindihan." Agad na tugon ko.

 

Hindi ko mawari sa kanya kung nagbibiro ito para pagtripan ako dahil sa lahat ng nilalang na nabubuhay sa planetang ito ay ako pa ang naisipan nyang utusan ng ganung ka imposibleng bagay. 

 

" Napaka simple lang ng sinabi ko ano ang hindi mo maintindihan doon?" Pagmamaldita nito habang pinipingot ang mahaba kong mga tainga.

 

Agad naman akong sumigaw dito para sagutin dahil tila hindi sya aware na napakalalakas ng mga hari ng palapag na tinatawag nyang heneral at sa kasaysayan ay wala pang adventurer ang tumalo sa sampung heneral.

 

" Lahat! " Sigaw ko.

 

" Bulag ba kayo? Isa lang akong dwende. Sa tingin mo kaya ng kakarampot na abilidad na meron ako at napakakaliit na katawan na ito ang lumaban sa mga hari ng palapag? " Sigaw ko dito.

 

Bahagya itong napatigil at napatingin sa gilid na tila hindi na rin sya sigurado sa sinasabi nya, feeling ko alam nya na nagkamali sya sa pag utos sa kagaya kong dwende na humarap sa mga heneral nya pero hindi nya kayang tanggapin sa sarili nya iyon.

 

" Ma, Pa, " Tugon nito habang nakapamewang na nagmamaldita sa harap ko na parang spoiled brat.

 

"Huh? Ma, pa? " Pag uulit at pagtataka ko.

 

 

" Ma-lay ko, Pa -ki elam ko. Basta inuutusan kita na tulungan ako sa bagay na ito at ang gusto ko ay gawin mo." Pagmamaldita nito.

 

Napangiwi na lang ako lalo na yung ipakita nito ang pagmamaldita nito sa harap ko habang binabanggit na saakin na hindi na raw nya problema kung paano ko didiskartehan iyon basta may gawin akong paraan na tila ba ipinapasa saakin ang mga problema nya.

Hindi nya naisip na kung may kakayahan akong lumaban sa malalakas eh di sana kahit itong kadenang ito ay kanina ko pa natanggal sa katawan ko para tumakas. 

Binanggit nya na kailangan matapos ang itinakda ng dyosa upang makalaya na sya sa tadhana nya na kagaya ko ay naitakda dahil sa pagpapaikot lang ng roleta. Kung iisipin ay pareho lang kaming minalas sa roleta ng dyosa pero kahit papaano mas ok pa yung kinalalagyan nya.

 

Dahil nga raw halos limang taon na mula nung napadpad sya dito hanggang ngayon ay hindi pa nakakaakyat ang bayani na itinakda at masyado na syang naiinip mag isa sa tuktok ng tore kaya desperado na syang lisanin ang mundong ito. Well, Sino bang hindi mababagot mabuhay mag isa at wala kang choice kundi gampanan ang iyong misyon kahit hindi mo gusto?

 

" Nauunawaan ko ang problema mo at nakikisimpatya ako sa kalungkutan mo ng ilang taon dahil taga Earth din ako pero wala naman ganyanan." Sagot ko.

 

" Ang sabi mo kanina gagawin mo ang ano mang iuutos ko tapos ngayon hindi ka pa nagsisimula ay umaayaw ka na?" Sambit nito.

 

" Oo sinabi ko yun pero hindi ko naman inexpect na uutusan mo pala akong pumasok sa tore at magpakamatay." 

 

" Eh, Kung utusan mo na lang kaya akong tumalon sa bangin. Eh di, hindi ko na kailangan magnakaw pa ng divine item sa ibang tao tutal pareho lang naman din na kamatayan ang naghihintay saakin." Dagdag ko.

 

Hindi ito nagpatalo saakin at lalong ipinilit ang pagmamaldita. Kaagad nya akong kwinelyuhan at pinagbataan na hindi ko na kailangan gawin ang pagtalon sa bangin dahil sya mismo ang papaslang saakin sa mismong kinalalagyan ko sa oras na tumanggi ako.

 

Biruin mo yun talagang pinagbabantaan nya ako kahit na humihingi sya ng tulong pero kung iisipin parang pareho lang naman ang sasapitin ko. Isa akong halimaw kahit na isa ako sa mga ipinadala ng dyosa kaya kung mamamatay ako ay makukulong ang kaluluwa ko sa isang cristal.

 

At isa sa hindi ko ma gets sa kanya ay yung gusto nya na labanan at matalo sya sa labanan. Sino bang may matinong pag iisip na mag uutos sa iba na patayin sya?. 

 

" Ah, basta buo na ang isip ko. Sasama ka at tutulungan ako sa ayaw o gusto mo." Pag mamaldita nito

 

" Pwede ba, pag planuhin mo muna ulit mga gusto mo sa buhay? Pala desisyon ka tapos mandadamay ka ng kung sinong masasalubong mo." Tugon ko rito.

 

 "May problema rin ako at limang taon narin ako nilulumot mag isa sa lugar na ito pero hindi ako nandadamay ng ibang tao." Sambit nito.

 

Dito ay bigla nya akong itinulak at tumayo ng deretso habang nagbubuntong hininga. Nabanggit nya na malakas ang mga heneral nya pero posibleng mapatay. Pero sa palagay ko nasabi nya iyon base sa kakayahan nya dahil mas malakas sya sa mga iyon. Gayumpaman ay may inalok sya saakin bilang gantimpala. 

 

Inalok ako nito ng kabuoan ng kayamanan ng tore sa oras na magawa ko. Ang tore ay naglalaman ng mga lupain at milyon milyong ginto at dyamante bawat palapag.

Gayumpaman, Hindi naman ang gantimpala ang problema ko kundi kung paano mismo gagawin ang imposibleng bagay na iniuutos nya.

 

" *Sigh* Ang hina ng loob mo, dapat nga ay excited ka dahil mas magiging exciting ang buhay mo sa pananatili sa mundong ito kesa manatili sa lungga mo." Sàmbit nito.

 

" Isipin mo na lang para ito sa kinabukasan mo. Ayaw mo bang maging makabuluhan ang muli mong pagkabuhay? " Dagdag nito.

 

At iyon na nga nagsalita na sya ng pangangaral saakin pero mismong sya ay hindi kayang pangaralan ang sarili at unawain na may mga limitasyon ang mga bagay bagay. Magkaiba ang kahibangan sa pagiging dakila.

 

Paano nya nasasabi na maaayos ang kinabukasan ko sa kanyang mga plano eh sa simula palang pagnanakawin nya na ako ng divine item sa isang bayani na inaasahan ng milyon milyong tao. 

 

" Ok, kung ayaw mo sa plano ko ay may iba pa naman paraan para matulungan mo ako. " Sambit nito habang tumatalikod saakin.

 

" Kahit ano susundin ko basta hindi buwis buhay? Tugon ko.

 

Pumayag ito at sinabi na wala na ang parte kung saan may nakawan at labanan pa na magaganap at mas simple pa ito at tila gantimpala ng kalangitan. 

 

Laking tuwa ko sa narinig ko at parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil may iba syang ipapagawa maliban pa doon sa naisip nyang kabaliwan.

 

Napahawak ito sa kanyang mga kamay habang at tila nagdadalawang isip na magsalita. Hindi ko alam kung ano ang trip nyang sabihin pero dahil pwersahan narin nya akong uutusan ay wala na rin akong pagpipilian kundi pilitin syàng sabihin ang nasa isip nya. 

 

" Sige na sabihin mo na, pakiramdaman ko hindi naman kasi ako pwedeng humindi sa mga iuutos mo. Tama ba? " Pagpipilit ko.

 

Nagbuntong hininga ito at muling humarap saakin na may pagmamaldita pero sa pagkakataon na yun bakas ang pamumula ng pisngi nya kasabay ang malikot na mata na halos hindi makatingin ng deretso.

 

 

" Ok, makinig ka ! gusto kong sumama ka saakin pabalik ng tore pagkatapos manatili ka doon at gumawa ng masayang pamilya kasama ako." Sambit nito.

 

" Huh?". Muling pagkabigla ko.

 

 

 

Sa pagkakataon na iyon ay halos hindi ko na alam ang sasabihin ko. Mas naguluhan ako kung pwede ulit akong tumawa sa mga nasabi nya .

Biro ba ito o seryoso sya sa mga sinasabi nya sa isang dwendeng kagaya ko.

Dahil sa hindi ko alam kung nagkamali ako ng dinig ay pinapaulit ko ito sa kanya

 

" A-ay-ayaw ko na ulitin pa iyon. Alam kong narinig mo ng malinaw ang sinabi ko." Sigaw nito.

 

" Ngayon mamili ka, papatayin mo ako o mamahalin na lang ng lubos." Dagdag nito habang dinuduro ako at nagsusungit.

 

 

 

Alabngapoy Creator

Chapter 1: 5 " Ang pagkikita "