.
Sa isang maliit na bayan na tinatawag na Rifongie na matatagpuan sa mabundok na bahagi ng bansang Tengne. Nabubuhay ang halos tatlong milyong nilalang.

Mula sa itaas ay makikita mo ang payak at simpleng pamumuhay ng mga naroon na malayo sa modernisyasyon kung saan mayroong nagtataasang mga gusali at maiingay na sasakyan na meron sa earth.

Mayroon itong mga malilinis na ilog, malalawak na bukid at masasaganang mga kagubatan. Sa unang tingin ay pangkaraniwang lugar lang ito na makikita sa Earth ngunit doon ka nagkakamali dahil ang lugar na ito ay hindi matatagpuan sa Earth.

Ang lugar na nakikita nyo ngayon ay nasa ibang planeta na isa lang sa mga planeta sa kabilang universe.

Ang mundong ito ay hindi lang mga tao ang namumuhay dahil kasamang namumuhay nila ang mga kakaibang nilalang na naninirahan dito kagaya ng mga halimaw, elf, vampire, dragon at kung ano ano pa.

Hindi kapani paniwala hindi ba na malaman na may umiiral na planeta sa ibang universe na kagaya nito? Isa rin sa kamangha manghang bagay sa mundong ito ay ang pag iral ng mga mahika at super powers na nakasanayan na natin na makita sa mga fantasy movie.

Nakakabilib diba? Pero papunta pa lang tayo sa exciting part dahil sa mundong ito ay malaya kang makakagamit ng mga mahika habang namumuhay sa loob ng magandang syudad. Hindi uso dito ang gulo at krimen hanggat nasa loob ka ng bayan.

Kung mahilig ka rin sa paglalakbay ay tamang tama sayo ang mundong ito dahil ang pangunahing kinabubuhay ng mga naririto ay ang pagiging adventurer. Mga nilalang na sumusuyod sa mga dungeon, nangungulekta ng mga rare item at kung ano ano pa na alinsunod sa quest na kinuha mo sa iyong guild.

Napakapamhira, hindi ba ? Umiiral din sa mundong ito ang Demon lord na tanging ginagalang at sinasamba ng mga halimaw sa mundong ito. Marahil pangkaraniwan nyo ng maririnig na maraming bayani ang nagtatangkang pabagsakin at talunin ang demon lord sa mundong ito. Exciting diba? Ang hindi lang naman exciting sa mga narito ay ang kinahantungan ko sa mundong ito.

Marahil iisipin nyo na bilang isa sa mga nabubuhay sa pambihirang mundong ito ay isa rin ako sa mga nilalang na nakikita nyo ngayon sa maluwag na kalye sa lungsod na abalang abala na ine-enjoy ang kani-kanilang araw. Dyan kayo nagkakamali dahil kahit libutin pa natin ang kasuloksulukan ng lungsod na iyan ay hindi nyo ko dyan matatagpuan.

Dahil narito ako sa isang parte ng gubat ilang kilometro ang layo mula sa masaganang bayan. Isang magulo at walang katahimikan na lugar sa gitna ng gubat na pinaliligiran ng mga mababangis na halimaw. 

Hindi ako isang Dragon o isang espesyal na nilalang na makikita mo sa gubat na ito na pagala gala. Kung gusto mo akong makita ay kailangan mong maghanap ng maigi dahil nabibilang ako sa mga uri ng nilalang na kinakailangan magtago upang mabuhay. Ang pinakamasamang bagay ay ang uri ko ay isa sa paboritong gulohin ng ibang nilalang at wala na akong magagawa sa bagay na yun dahil parte iyon ng pamumuhay dito bago pa ako ipadala sa mundong ito.

Nasaan ako? Heto ako sa loob ng higanteng puno na itinuturing kong bahay. Ang karaniwan tawag sa uri ko ay Dwende. Tama ang narinig nyo. Ako si Karma at isa akong Dwende.

Gusto kong kwentohan kayo ng kaunti tungkol saakin dahil medyo nababagot din ako dito na tumambay sa apat na sulok ng bahay ko at sa paligid ng teritoryo ko sa kagubatan na kailangan kong bantayan araw araw.

Limang taon na rin mula nung mapapad ako sa mundong ito at maraming nangyari na sa unang buwan ko dito na halos sa daming pangyayari ay nawala na ang excitement ko. Malamang nahihiwagaan kayo kung bakit ako napunta sa sitwasyon na ito at nagtatanong kung bakit ako nabubuhay sa malapantasyang lugar na ito na madalas sa Earth ay sa mga movie o book series lang nakikita.

Masyadong komplikado pero mas simple ay pwede natin paikliin at simulan ang paliwanag nung namatay ako sa Earth. Isa ako sa napili at pinagpala na magtungo sa ibang mundo upang gawin ang isang dakilang bagay, oh diba, umpisa pa lang mukha ng exciting. Tama, ganun ang nangyari saakin pero sa kasamaang palad ay napunta ako sa weirdong dyosa na hindi ko mawari kong alagad ng dakilang lumikha o power triper lang.

Dinahilan nya saakin na dahil marami na raw syang ipinadalang bayani sa mga planetang hawak nya kaya masyado na syang abala at nababagot kaya naman para exciting ay pinagpa ikot nya ako ng roleta kung saan nakasalalay ang tatahakin kong kapalaran sa mundong pupuntahan ko at hulaan nyo kung anong nangyari.

Marahil kapalaran ko talaga maging malas dahil sa tatlong beses na nagpaikot ako ng roleta ay hindi ito man lang natapat sa gusto kong mangyari sa buhay ko at hanggang sa pagpili ng lahi na kabibilangan ko ay naging madamot ang swerte.

Pinadala nya ako dito na walang tiyak na misyon na para bang sinasabi nya na bahala na ako sa buhay ko at sumabay na lang sa agos ng buhay. Gayumpaman ay hindi nya naman ako pinabayaan ng lubos dahil binigyan nya ako ng espesyal na prebilehiyo na wala ang ibang nabubuhay doon.

Nabuhay ako sa mundong maitutulad sa isang online games kung saan ang mga naroon ay may level at mga abilidad na panlaban at lahat ng abilidad ko ay nasa mataas na antas na kaya hindi ako basta basta magagapi ng sino man.

Sa tingin nyo maganda yun? Ok, ang astig nga pero hindi yun naging ganun ka exciting kung isa kang maliit at hindi kagwapuhang nilalang. Lumang pantalon at dilaw na tshirt ang aking kasuotan na pinartneran pa ng patusok na sumblero at itim din ang aking mga mata na lalong kinaweirduhan ng lahi namin bilang mga mandirigmang dwende.

Limitado rin ang mga kakayahan o kayang gawin ng isang dwende sa mundong ito at sa totoo lang hindi sya nakatulong masyado para maging exciting ang mga bagay bagay saakin. Oo malakas ako pero ano bang exciting sa maliit na palaso ko? Sinong matutuwa kung paulit ulit na lang akong tatapakan ng higanteng halimaw o ikulong ako sa isang black hole ng mga mage. 

Nagagawa kong makatakas at gulpihin ang lahat pero nakakapagod makipaglaban na wala ka naman pinaglalaban talaga dahil pinadala ka lang naman sa planetang ito para sa wala.

Iyon ang dahilan kaya nagdesisyon akong magkulong na lang at ubusin ang oras sa payak na lugar na ito.Hindi naman ganung kasama dahil mayaman sa prutas ang puno na ito at may ligtas at malinis na tubig na dumadaloy sa batis dito sapat na para mabuhay ako ng maraming taon.

Well, sa ayaw ko man o gusto ay wala akong pagpipilian dahil ito na ang pinaka maganda lugar para sa uri ko dahil hindi pwedeng pumasok ang kagaya ko sa bayan kung nasaan ang iba dahil para sa kanila isa lang akong bagay na papatayin at ibebenta sa guild.

Anong masasabi mo ngayong narinig mo ang dahilan ng pagpunta ko sa mundong ito? Hindi ko natitiyak kong para saan pa ang pananatili ko o hanggang kailan ako magtitiis mabuhay dito pero hanggat hindi ako binabalikan ng dyosa ay sa tingin ko mananatili akong nakakulong sa mundong ito.

Alabngapoy Creator

chapter 1 :1 Ang pagtatagpo