Sa pagpapatuloy ng pagtatagpo namin ng misteryosang mage ay agad nyang pinaramdam saakin gamit ang nag uumapaw na awra ang kanyang lakas.
"Mukhang hindi ka nasaktan sa ginawa ko, munting nilalang? " Sambit nito.
Nagulat ako sa narinig ko dahil nakakapag salita sya ng lengwahe na nagmula sa Earth. Hindi ko yun inaasahan at halos dahil sa tagal ng panahon na wala akong nakakausap ay hindi ko na rin ito ginagamit lalo pa mas sanay ang katawan at utak ko bilang dwende sa lengwahe ng lahi na kinabibilangan ko.
" Anong sabi mo? Nakakapagsalita ka ng lengwahe na mula sa earth." Pagtataka ko.
Palaisipan para saakin kung sino ang babaeng nasa harap ko at kung paano sya natuto ng lengwahe na mula sa earth pero mas inaalala ko kung ano ang sadya nya saakin. Nandoon ba sya para tapusin ako o may iba syang layunin?
"Malamang na nakakapagsalita ako ng lengwahe na mula sa Earth dahil minsan na akong nabuhay doon bago ako napunta sa lugar na ito." Sambit nito
"Kung naitanong mo yan ay natitiyak akong isa ka rin sa pinadala ng dyosa? ." Dagdag nito.
Nakapamewang ito sa harap ko habang nakaturo ang baston nya saakin at nag cast ng magic spell na nagtali saakin sa isang to spell trap. Nabalot ang katawan ko ng kadena na naglabasan sa lupa habang hinahawakan ng itim na enerhiya.
" Anong ? Bakit ganito katibay ang mga kadenang ito? " Bulong ko sa isipan habang nagpupumiglas sa pagkakatali.
" Kung ganun katulad kita na pinadala dito? Sambit ko dito.
" Sino ka ba talaga at iba ang iyong presensya kesa sa mga taong nakita ko." Dagdag ko.
Hindi ko inaasahan na mahuhuli nya ako ng ganun kadali. Naisip kong gumamit ng magic spell para kontrahin ito pero hindi ko ito magawa na tila nakukulong ang mahika ko. Walang bakas sa mukha nya na patatakasin nya ako.
Nakangiti ito saakin pero lalo akong kinakabahan at halos pagpawisan ng malamig dahil may nakakatakot na itim na awrang bumabalot sa katawan nya na ngayon ko lang naramdaman.
"Isa kang tao pero ang presensya mo ay mula sa isang halimaw, sino ka ba talaga?" Pagtatanong ko rito.
Ngumiti ito saakin na tila isang nakakatakot na halimaw na gusto akong patayin habang unti unting naglalakad palapit saakin. Umikot ito sa paligid ko at pinag mamasdan ako mula ulo hanggang paa habang habang nagpapakilalala saakin. Wala akong magawa sa mga kadenang bumabalot sa katawan ko na palatandaan na mas malakas sya saakin.
" Hindi mo kailangan matakot, nais ko lang sigurohin na hindi mo aatakehin ang mahinang katawan na ito kaya kita itinali." Sambit nito.
" Tutal isa kang halimaw kaya tiyak ay nasa panig kita, hayaan mong magpapakilala ako sayo. " Dagdag nito.
Huminto ito kakalakad sa mismong harap ko at umupo. Kasabay nito ang paghawak nito sa pisngi ko habang ipinaparamdam ang nakakakilabot nyang awra sa akin.
" Ako si Tiera Urahica Freya the fifth, ang kasalukuyang Demon lord ng tower of doom." Sambit nito.
Nagulat ako sa sinabi nyang isa syang demon lord pero hindi naman iyon nakakapagduda dahil sa tinataglay nyang itim na awra. Gayumpaman, hindi na ako nagtangkang pumalag pa sa pagkakagapos at tinanggap ang pagkatalo. Hindi ko na tatangkain na lumaban lalo pa sa nalaman ko na isa syang demon lord. Ano naman ang laban ko sa kanya?
" Isang demon lord? Kung ganun suko na ako. Hindi na ako lalaban. Kaya kung pwede ay pakawalan mo na ako." Sambit ko rito.
Ngumiti ito at hindi pumayag hanggat hindi nya nasasabi ang pakay nya.
" Ayoko, Isa kang dwende kaya may kakahayan kang magtago sa paligid . gusto ko munang pakingan mo ang nais ko." Sagot nito.
" Aba, naisip ko yan gawin pero sigurado hindi mo ako patatakasin ng ganun kadali lang at kapag nahuli mo ako ay baka wala na akong pagkakataon mang hingi pa ng awa para sa buhay ko." Sambit ko.
" Ano bang kailangan ng isang napakaimportanteng nilalang sa isang hamak na dwendeng kagaya ko?"
Nagsimula itong magsalita at humingi ng pabor saakin na makinig bilang isang demon lord na para bang inuutusan ako. Sa tono palang ng kanyang pananalita ay alam mo ng spoiled brat sya..
" Hindi ko na kailangan magpaliwanag pa sayo kung bakit ko ginagamit ang katawan na ito. Gusto kong makinig ka mabuti sa sasabihin ko at unawain ang gusto kong ipagawa sayo." Pagtataray nya.
Wala akong nagawa kundi makinig lang sa sasabihin nya at sa tingin ko hindi ko rin naman kayang tanggihan ang ano mang hihingin nyang pabor.
Ayon sa kanya ay naglakbay sya ng halos tatlong buwan pababa ng tore at tinawid pa ang bawat palapag para lang makita ang isang natatanging nilalang at syempre nabanggit nya rin ang dyosa na syang nagtakda ng kanyang kapalaran.
" Ok? Magandang kwento at mas exciting kesa sa pagtambay lang sa bahay ko pero hindi ko maunawaan kung bakit sa dinami dami ng nilalang sa gubat at labas ng toreng ito ay ako pa ang napili mong kausapin." Sabat ko.
" Hindi ko alam, nagkataon lang ang pagkikita natin habang naghahanap ako ng makakain." Sagot nya.
" Teka hindi ba ikaw ang demon lord? Bakit hindi mo na lang ipag utos sa bilyong bilyon mong alagad ang paghahanap." Sambit ko.
" May mga bagay na hindi pwedeng malaman ng iba lalo pa at tungkol ito sa itinakda ng kalangitan."
At pwede ba patapusin mo muna ako bago ka magsalita tandaan mo ako ang demon lord kaya wala kang karapatan na magreklamo ." Pagsusungit nito.
Hindi na ako komontra at nagbalak na makipagtalo dahil gusto ko na rin matapos ang usapan namin. Handa naman akong makipag tulungan kung hindi ito ganun kakomplikado at posible na magawa ng napakaliit na dwendeng kagaya ko.
Duda rin naman ako kung pwede akong sumalungat saakin dahil sa seryoso nyang mukha na tila desperado.
" Ano ba ang nais mong ipagawa?" Pagtatanong ko rito.
" Simple lang naman ang gusto kong mangyari. Una ay nakawin mo ang divine sword sa bayani ng mundong ito. "
" Pangalawa, ay umakyat ka sa tower of doom at talunin mo ang mga heneral ko upang mapuntahan ako sa sky tower."
" Pangatlo ay labanan ako at patayin ako." Seryosong utos nya saakin.
" Huh?"
Hindi agad na tinanggap ng isip ko ang mga nasabi nya at matagal na nakatunganga habang nagkakatitigan lang kami at hinihintay. Walang umiimik saamin ng halos sampung segundo hanggang sa napatawa na lang ako.
" Hahaha, ok? Hahaha " Bigla kong pagtawa dahil naisip ko na tila nagbibiro ito.
" Bakit ka tumatawa?" Masungit na sambit nito.
Saglit muling tumahimik ang usapan namin at hinihintay ko na sabihin nya na isa lang pagbibiro ang nasabi nya..
" Pasensya na mahal na demonlord pero akala ko nagbibiro kayo hahaha." Sagot ko
" Seryoso ako kaya anong nakakatawa sa sinabi ko? " dagdag nito.
Sa pangatlong pagkakataon ay natahimik ang lugar at natigil ang pag uusap namin habang nakatingin saakin.
" Sandali lang, sinasabi nyo bang gusto nyo akong magnakaw ng divine item sa bayani ng mundong ito , talunin ang mga alpha class na halimaw at umabot sa taas ng tore para talunin ka? " Pag uulit ko.
" Tama, iyon ang eksaktong sinabi ko kaya bakit ka tumatawa? " pagtatanong nito.
" Dahil nakakatawa ang sinasabi nyo saakin at hindi ko na maintindihan." Agad na tugon ko.
Hindi ko mawari sa kanya kung nagbibiro ito para pagtripan ako dahil sa lahat ng nilalang na nabubuhay sa planetang ito ay ako pa ang naisipan nyang utusan ng ganung ka imposibleng bagay.
" Napaka simple lang ng sinabi ko ano ang hindi mo maintindihan doon?" Pagmamaldita nito habang pinipingot ang mahaba kong mga tainga.
Agad naman akong sumigaw dito para sagutin dahil tila hindi sya aware na napakalalakas ng mga hari ng palapag na tinatawag nyang heneral at sa kasaysayan ay wala pang adventurer ang tumalo sa sampung heneral.
" Syempre lahat ng sinabi mo. Sa tingin mo kaya ng kakarampot na abilidad at napakakaliit na katawan na ito ang lumaban sa mga hari ng palapag? " Sigaw ko dito.
" Ma, Pa, " Tugon nito habang nakapamewang na nagmamaldita sa harap ko na parang spoiled brat.
" Ma, pa? " Pag uulit at pagtataka ko .
" Malay ko , Paki elam ko . Basta inuutusan kita na tulungan ako sa bagay na ito at ang gusto ko ay gawin mo." Pagmamaldita nito.
Hindi ko alam ang isasagot ko sa isang ito, wala na sya sa katinuan at parang desperado na magawa ang kanyang mga plano para maayos ang kanyang problema dulot ng pagtatakda ng Dyosa na nagpadala saamin. Sya pa ang may ganang magmaldita at parang napakadali ng sinasabi nya para hindi magreklamo ang inuutusan nya.
Ang iniisip ko ngayon ay ano na lang ang naghihintay saakin kung sakaling pumayag ako sa gusto nya, tiyak na hindi na kasing tahimik ng dati ang tatahakin kong landas.
" Talaga bang pinaglalaruan ako ng kalangitan sa tadhana na binigay nya? " Bulong ko sa hangin.
Chapter 1:4