Lumipas ang ilang araw pagkatapos ang pagtatagpo namin ng demonlord na si freya ay nagdesisyon ito na mananatili sya sa bahay ko habang hindi pa ako handa sa pinapagawa nya. Binigyan nya ako ng isang lingo para magdesisyon at magpasya kung ano ang pipiliin ko sa dalawang pabor na hinihingi nya.  

Syempre pinagbantaan nya pa rin ako na kapag hindi nya nagustuhan ang desisyon ko ay agad nya akong tatapusin at upang hindi ako makatakas habang nag iisip ay naglagay sya ng spell saakin para mahanap ako kahit saan ako mag punta. Hindi ito makatarungan at malaking problema para saakin dahil wala akong pagpipilian at para bang binigyan nya na lang ako ng pagkakataon na pahabain pa ang oras bago ako mamatay.


Kung iniisip nyo na bakit hindi ko kaagad piliin ang pangalawang hiling nya na sumama sa kanya para manatili sa sky tower kasama sya ay sasabihin ko sainyo na naisip ko na rin yan pero yung ideya na magiging masaya o papabor saakin ito ay hindi ko dapat asahan lalo pa masyado syang paladesisyon at gumagamit agad ng dahas laban saakin. duda ko na magiging madali ba ang buhay ko na kasama sya o makukulong lang din ako sa sky tower habang buhay habang inaalipin nya. 


Sa tatlong araw na kasama ko sya sa aking bahay ay ginawa nya lang akong personal na alalay. Kung ano ano ang hinihingi nya mag mula sa kakainin nya at pati sa ayos ng kwarto sa bahay inutos nyang baguhin. 


Hindi ko alam kung ano ba talaga ang kailangan nya nung sinabi nya na makasama ako sa sky tower , kung personal na alalay o isang partner.


Pero hindi ko rin naman kailangan mag assume na mamahalin ako ng isang kagaya nya dahil sa itsura ko bilang dwende. Gusto nya lang ng makakasama dahil taga earth din ako kagaya nya.  Nabangit din nya saakin na hindi nya itinuturing na totoong nilalang ang mga nasa paligid nya lalo na't ang mga halimaw na kasama nya.


Wala kahit sino ang naniniwala sa mga sinasabi namin tungkol sa dyosa at roleta. Well, sa tingin ko kung ako rin naman ay hindi rin maniniwala kung hindi ko mismo nararanasan ngayon ito. 


Isa rin sa nabanggit nya na kahit na daw na sya ang demonlord ay kailangan nyang sundin ang tradition at sistema ng mundong ito at kahit ayaw nya manatili sa tuktok at magbakasyon kahit saglit ay hindi nya pwedeng lisanin ang teritoryo nya dahil sya ang tinuturing na pinakahari ng palapag ng sky tower na pinupuntahan ng mga adventurer upang gapiin.


Sa ngayon ay nasa labas ako ng tinuturing kong teritoryo para mangaso ng wild boar at kumuha malinis na tubig sa kabilang batis para ipakain sa spoiled brat na iyon dahil gusto nya ng masasarap na putahe tuwing kakain. 


Hindi naman masama ang inuutos nya dahil pareho kaming kumakain nito pero yung tatlong beses akong maghahanda ng espesyal na putahe kada araw ay masyadong nakakasawa na gawin. Sabayan mo pa ng pagbabantay sa teretoryo ko sa mga dayo na lalong nag ubos ng oras ko sa araw araw. 


" Tinatablan kaya ng lason ang isang yun? Pero lagot ako kung hindi sya mamatay pag nilason ko sya." 


Habang naglalakad ako sa gitna ng gubat ay nakarinig ako ng pag lalaban mula sa mga adventurer at mga halimaw na naninirahan sa lugar na iyon.


" Pati ba naman dito nakakaabot na rin sila " 


Dumeretso na lang ako sa paglalakad dahil kailangan kong maiuwi agad ang mga nakoleta kong karne at tubig para sa tanghalian dahil tiyak magagalit nanaman yung bruha.


Hindi ko inaasahan na magwawala ang halimaw na kinakalaban ng mga adventurer at pupunta sa direksyon kung saan ako naglalakad.


Dahil sa pagyanig ng lupa na gawa ng pagtakbo nito ay agad kong naramdaman ang panganib na paparating saakin likuran. Agad kong binababa ang karne at galon ng tubig na buhat ko para kunin ang palaso ko.


" Asar naman, pwede ba wag nyong dagdagan ang gawain ko." 


Isang higanteng orc ang nagmamadali na tumakas at winawasak ang ano mang humarang sa dadaanan nya at kasama ako sa gusto nyang atakehin kaya naman wala akong nagawa kundi patamaan sya sa ulo ng palaso.


"Bull's eye "


Agad itong tinamaan at bumagsak sa lupa. Hindi na ito umabot pa sa akin pagkatapos nito sumadsad at ilang segundo lang ay unti unti na itong naglalaho at magiging maliit na cristal.


Nagulat ang mga adventurer sa nakita nila dahil bihira sa mga halimaw ang atakehin ang mas malakas sa kanila. Nasa level 15 na ang orc kaya mas makapangyarihan dapat ito sa isang dark dwarf na kagaya ko.


" Dapat pala hindi ko sa ulo pinatamaan, pwede ko rin pala iluto ang karne nya sa braso." 


Maingay ang mga adventurer at parang may sinasabi saakin pero dahil hindi ko naman sila maintindihan ay hindi ko na lang pinansin kasabay ang pagtadyak sa cristal upang makuha nila. Naisip ko na kung makukuha nila yun ay di na nila ako gagambalain.


" Wala akong oras sainyo, dalhin nyo na yan at umalis." 


Hindi ko na pinagkainteresan na atakehin pa  ang mga adventurer dahil mukhang wala naman silang balak na umatake dahil na rin sa takot at gulat sa mga ginawa ko sa higante. 


Binuhat ko muli ang karne at galon ng tubig at umalis ng lugar. Ilang minuto lang ay mararating ko na ang bukanan ng teritoryo ko at habang binabagtas ang daan ay naka rinig ako ng kakaibang tunog.


Naintriga ako sa tunog kaya naman dahan dahan na nilapitan ko ang pinang gagalingan nito at dito ko na kita ang pag huhukay ng butas ng isang dalagang adventurer.

Ang dalagang adventurer na yun ay ang kaparehong adventurer na palaging pumupunta sa lugar ko para hulihin ako.


" Sya nanaman, kailan ba sya titigil ?"


Napabuntong hininga na lang ako sa nakita ko dahil mukhang tinubos nanaman sya sa chapel ng guild nya para mabuhay ulit at nandito nanaman sya para gambalain ang araw ko.


Pero iba sa karaniwan ay may kakaiba syang ginagawa sa araw na yun. Kesa abangan ako ay nag huhukay ito at mukhang gumagawa sya ng patibong para mahuli ako.


" Ano kaya ang trip nya ngayon? " 


Dito ay hinintay ko sya matapos sa ginagawa nya at nung nagtago na sya sa likod ng puno ay agad na akong lumabas sa tinataguan ko para lapitan ang bitag na ginawa nya.


" Isang bitag na gawa sa mahahabang sanga at sariwang dahon sa gitna ng gubat, napaka halata at kahit bata ay hindi mahuhulog sa patibong nya. "


Hindi ko alam kung maiinsulto ako o ano dahil iniisip nya na mahuhulog ako sa pambata na bitag nya pero habang lumalapit ako sa bitag ay napansin ko na may nakalagay sa gitna nito na isang bagay.


" Teka ano naman yun ? " 


Sa paglapit ko pa ay nakita ko ang mga dirty magazine sa gitna ng patibong nya. Mukhang ang totoong strategy nya ay mahuli ako gamit ang paglalagay ng mga ito sa butas.


" Sa tingin nya talaga mahuhuli nya ang isang dwende sa paglalagay ng bastos na magazine ng mga tao? Seryoso ba talaga sya? " 


" Galit ang dwende sa lahi ng mga tao kaya bakit sila magkakainteres sa nakahubad na katawan ng mga ito? Pero sa bagay kahit na dwende ako ay may isip ako na pang tao. Pakikinabangan ko rin ito." 


Dinaanan ko lang ang butas at kinuha ang magazine ng hindi nahuhulog dito.

Hindi ako bumagsak sa butas kahit na dumaan ako dito habang may buhat na tumitimbang ng halos 20 kilos dahil sa karne at galon na hawak ko.


Isa akong dwende at hindi naman talaga mabigat ang mga kagaya ko at samahan pa na may espesyal na abilidad akong taglay para magawang makatawid sa patibong nya.


Dahil sa gulat ng dalaga ay napalabas ito sa kanyang pinagtataguan at biglang sumigaw. Napapangiwi na lang ito at tila nagdadabog.


"Waahhh!!! " 


Kitang kita sa mukha nya ang pagkadismaya sa nabigo nyang mga plano. Plano na hindi ko alam kung pinag isipan ng isang adventurer o trip trip lang ng batang inaaliw ang sarili. Kung sa bagay marahil isang oras nya rin pinag abalahan ang pag gawa nito kahit na pipitsugi lang ito . Pagtapos nya sumigaw ay bigla syang lumusob hawak ang kanyang espada. 



Hindi ko na pinag abalahan pa na ibaba ang buhat kong karne at galon ng tubig para iwasan ang gagawin nyang atake dahil mismong sya ang dumaan sa bitag na gawa nya at dahil nga sa mabigat sya ay agad na nabali ang mga sanga sa butas at nahulog ang dalaga.


" Huh?  "


Hindi naman ganun kalalim ang hinukay nya kaya agad syang umakyat dito pero puno sya ng mga pang ipit at tumatakbo palayo habang inaalis ang mga talisman na dumikit sa kanya.


Ang mga talisman na ito ay mga pangpasabog na nag titriger sa loob ng limang segundo pagkatapos madikit sa target.


Dahil hindi nya maalis ang mga ito sa katawan nya ay nag mistulan syang fireworks na tumatakbo habang sumasabog.

Nagpagulong gulong sya para patayin ang apoy at lumilipad sa bawat pag putok ng mga ito sa katawan nya.


" Hindi nya na kailangan ng kalaban para matalo sa isang laban, totoo nga ang kasabihan na ang sarili mo ang iyong tunay na kalaban." 


Pero hindi ko inaasahan na gagamit ng ganyan ang isang swordman, lalo akong nawi-weirdohan sa babaeng ito." 


Kahit na nakakatawa ay bigla akong naweirduhan sa kanyang mga paraan dahil ibang iba sya sa ibang adventurer na nakita at nakaharap ko na. Marahil dahil doon kaya naisipan kong tulungan sya dahil kung hindi ay mamamatay ulit sya.


Gamit ang espesyal na abilidad ko na Karma kung saan kaya kong bigayn ng kamalasan ay swerte ang isang bagay o nilalang sa maikling panahon.


Ito rin ang dahilan kung bakit buhay pa ako at palaging nakakatakas sa panganib laban sa mga malalakas na adventurer at halimaw na nakakaharap ko noon. Gayumpaman, kahit na kapakipakinabang sa laban ay may limitasyon at kondisyon ang abilidad na ito kaya hindi rin ako masyadong umaasa at abusuhin ito laban sa iba.


Tumigil ang pagsabog at nagpagulong gulong ang dalagang ito hanggang sumadsad sya sa mismong harapan ko. Dito ay agad ko syang tinutukan ng palaso sa crossbow na hawak ko.


Agad nya itong napansin at kahit na puno ng sugat ay agad syang lumuhod para magmakaawa saakin. Sa mga oras na iyon ay biglang may hindi ako inaasahang marinig sa babaeng ito.


" Wahhh!! Paki usap! Wag mo akong patayin. Marami na akong utang sa guild. Kapag namatay pa ako baka hindi na nila ako kunin sa chapel." Sigaw nito habang nagmamakaawa.


Halos hindi ako makapagsalita ng marinig ko ang hiling nyang wag syang atakehin. Tama, dahil sa pangalawang pag kakataon ay nakarinig ako ng nilalang na kayang mag salita ng lengwahe sa Earth.


"Huh ?" 


Halos limang segundo rin akong napatunganga at biglang nagtanong sa babaeng yun.


" Teka kaya mo rin magsalita ng lengwahe na mula sa earth?" Sambit ko.


Maging sya ay nagulat at napatayo agad ng marinig akong magsalita.


" Wahh!! Nakakapagsalita ka rin ng tagalog? " Gulat nito.


Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko at magiging reaksyon dahil napakaraming beses na kaming nagtatagpo pero hindi ko man lang nahalata na marunong sya magtagalog. Kung sabagay, madalas ay inaatake ko agad sya at hindi ko na naiisipan na kausapin gayung lahat naman ng adventurer na nasasalubong ko ay hindi ko maunawaan ang sinasabi.


Iba ang lengwahe nila saakin at hindi kasama sa ibinigay ng diwata ang abilidad na kayang umunawa sa mga ibat ibang salita at lengwahe sa mundong ito.

Pero sino nga ba ang babaeng ito at paano sya natutong magsalita ng lengwahe na mula sa earth? Sa reaksyon nya ay mukhang nagulat din sya na malaman na nakakapagsalita rin ako ng tagalog. Ibigsabihin nagkataon lang ito o baka itinadhana talaga ang pagkikita namin.

Alabngapoy Creator

Chapter 2