Sa Pagsikat muli ng araw sa gubat na iyon ay nag handa na ako at kagaya ng pang araw araw na ginagawa ko ay maaga pa lang ay lumalabas na ako ng bahay ko upang manguha ng prutas sa nakapaligid na puno sa teritoryo ko. Hindi masyadong dinadayo ng malalakas na halimaw ang lugar na ito dahil puro maliliit na slime ang mga narito at iilan lang talaga ang pwedeng kainin karne.
Mga nasa lvl 1 hanggang lvl 3 lang ang mga nandito at malayo masyado sa bayan. Kaya Hindi rin masyadong sulit sa ibang tao ang puntahan ito dahil aaksayahin lang nila ang oras nila para lang kumuha ng 1 exp para mag pataas ng level.
Ibigsabihin kahit mahuli nila ang mga halimaw dito ay wala silang masyadong mapapala maliban sa item na nalalaglag sa mga mahihinang halimaw ay low class na pang beginner Quest at kung nagtataka kayo kung bakit wala akong kasamang ibang dwende ay yun ay dahil nasa kabilang gubat ang orihinal na tirahan nila.
Hindi ko maunawaan ang takbo ng pamumuhay nila doon. Alam naman nila na mapanganib pero nandoon pa sila sa parte ng gubat kung nasaan madaling mapuntahan ng mga adventurer na tila ba naka program na sa utak nila na sumunod sa pinuno nila at paniwalaan na doon lang sila mamuhay at mamamatay.
Wala akong espesyal na koneksyon sa sino man sa kanila at hindi rin ako sumusunod sa utos ng pinuno nila kaya wala akong naging problema na makalayo sa lugar nila.
Ilang saglit pa ang lumipas sa pamimitas ko ng prutas ay biglang may nasalubong akong mga tao. Syempre, may ilang tao parin ang mga nakakapunta doon at gustong mangulekta ng item na makikita sa mga halimaw na kagaya ko lalo na yung nabubully ng ibang nangungulekta rin ng cristal tulad nila.
Gayumpaman, Nasa kanluran ng bayan ang teritoryo ko malayo sa Tower of Doom at Dungeon of darkness kung saan nag pupunta ang mga mahuhusay na adventurer upang mag quest kaya mga baguhang adventurer ang mga madalas mapadpad dito kaya hindi ko iyon kinatatakot. Naupo ako sa itaas ng sanga kagaya ng nakagawian ko habang kumakagat ng prutas para panuorin ang tatlong dayo na hinahabol ang maliliit na slime at kuneho.
Nakakatawa sila pagmasdan dahil halos hindi pa sila marunong humawak ng sandata na kahit ang mga wild rabbit ay hindi nila mahabol at matamaan.
Sa tingin ko mga Class F silang mga adventurer dahil nasa Level 10 pa lang silang tatlo at sa tingin ko naroon sila para mangolekta ng slime cristal iyon kasi ang unang quest sa mga baguhan at dahil panahon ngayon ng pagpaparehistro ng guild ay dumadami ang mga bagong adventurer na gaya nila.
Alam nyo may pambihirang bagay at sistema ang mundong ito dahil sa oras na mamatay ang mga halimaw ay naglalaho ang katawan namin at nakukulong ang kaluluwa namin sa isang cristal na binebenta naman sa guild para ipalit at gawing materyales ng ibinebenta ng mga trader.
Alam nyo ba na ang isa sa napakaweird na bagay dito sa mundong ito? Hindi uso ang rest in peace sa mga napapaslang na adventurer dito dahil sa oras na mamatay ang katawang lupa nila ay lilipad at mapupunta ang kaluluwa nila sa chapel sa gitna ng bayan at doon muli silang mabubuhay kapag tinubos sila ng guild ng pera. Napakagara diba? Binibili ang pagkabuhay sa mundong ito.
Kung iisipin napaka unfair nito sa parte ng mga halimaw na kagaya ko pero hindi ko naman kailangan mangamba dahil wala pang tao ang nagtagumpay na mahuli ako at sa tingin ko walang taong kayang gawin iyon dahil sa taglay na kapangyarihan ko.
Marahil nagtatanong kayo kung bakit wala akong interest na gamitin ang espesyal na lakas na meron ako. Kung tutuosin pwede ko talunin ang mga adventurer na makikita ko o lalaban saakin. Ang totoo nasubukan ko ng lumaban sa pulutong na adventurer doon sa teritoryo ng mga dwende at hindi na mabilang ang nagapi ko at napatay sa kanila.
Doon ko napagtanto na pwede kong ubusin ang lahi nila at sirain ang chapel, maging masamang kontra bida tutal mula sa umpisa ay halimaw na ang tingin nila saakin pero hindi yun posible dahil bawal atakehin ang bayan nila ng mga low class na halimaw na kagaya ko na nasa omega class. Nakaprogram na sa mundong ito na ang pwede lang umatake sa bayan ng mga adventurer ay mga High breed kagaya ng Alpha,beta hanggang epsilon class.
Ang boring hindi ba? Wala akong pwedeng gawin dito kaya naisip ko na lang lumayo sa gulo at maghanap ng tahimik na lugar.
Habang nalilibang ako sa panunuod sa mga baguhang adventurer ay hindi ko napansin na may magtatangkang atakehin ako mula sa likuran ko.
Hindi naman kasi isang dalubhasa sa pakikipaglaban ang uri ko kaya wala akong abilidad na masagap ang panganib kung hindi ako ang kusang magiging mapagmasid sa paligid. Iyon ang nakakainis na katotohanan sa pagiging dwende.
Tinangka ng isang babaeng adventurer na hiwain ako mula sa likod gamit ang espada pero nagawa ko itong iwasan at dali daling tumalon palayo gamit ang mga sanga.
" Woah ! muntik na ako doon." Bulong ko habang nagpapagpag.
Ang sliver hair girl na may plate armor at maliit na helmet na ito ay isang baguhang adventurer na kung titignan ko ang status nya ay nasa labing limang taong gulang lang sya at Level 5 lang na swordsman. Sa totoo lang sya ang pinakamahinang adventurer na nakita ko na umaaligid sa teritoryo ko pero iba sa karamihan ay hindi ko makita ang pangalan at ibang personal na impormasyon tungkol sa kanya .
Agad na tumayo ang babaeng ito at dali daling tumalon upang muling umatake saakin. Gayumpaman ay hindi ko kailangan na umilag dahil alam ko na hindi naman ito aabot sa kinaroroonan ko. Sa level nya bilang swordman ay alam ko na mababa lang ang nagagawa nyang talon o kahit pinsala laban sa mga halimaw na kagaya ko.
Dahil sa pagkahulog nya sa puno ay gumulong gulong ito sa lupa at humampas ang likod sa isang puno. Ilang saglit pa ay muli itong tumayo at nag ayos ng kasuotan at dahil hindi nya ako kayang abutin mula sa itaas ng puno ay naisipan nitong atakehin ng espada ang punong kinalalagyan ko.
"Hindi ba sya napapagod sa ginagawa nya?" Bulong ko.
Nakakatawa syang pagmasdan dahil tila ba iniisip nya na makakaya ng maliit na mga braso nya putulin ang puno gamit lang ang maliit na espada na hawak hawak nya. Sinubukan nya rin na batuhin ako ng espada nya pero hindi ito tumatama saakin kahit hindi ko ilagan.
" Hindi ba sya nag iisip talaga? Swordsman na ibinabato ang kanyang espada." Bulong ko.
Nag aaksaya lang ito ng lakas at oras kaka pulot at bato kaya itinuloy nya na lang hampasin ang puno na kinalalayan ko at ilang minuto pa ang lumipas ay kagaya ng inaasahan ko ay magsasawa rin ito sa kakahampas at dahil doon nagsimulang akyatin ng babaeng ito ang puno.
" Aba, talagang mapilit sya " Sambit ko.
Napaka weird nya dahil kung ordinaryong halimaw lang ako ay inatake ko na sya habang umaakyat sya ng puno na parang butiking bigat na bigat sa sariling kasuotan. Gayumpaman, hindi ako ganun ka interesadong gawin yun sa kanya dahil wala naman akong mapapala kahit mapatay ko sya. Babalik lang ang kaluluwa nya sa chapel tapos babalik ulit dito.
Kung hindi nyo naitatanong ay halos dalawang buwan nya ng ginagawa iyon. Patuloy syang bumabalik sa lugar na ito para lang atakehin ako pero hindi ko naman kailangan mangamba dahil kung tutuusin hindi sya banta sa buhay ko kaso minsan nga naiinis na rin ako sa kanya na ayaw magtanda dahil masyado na syang istorbo sa pagpapahinga ko minsan kapag hapon.
Pero hindi, kahit anong sabihin natin ay isa parin syang tao na may buhay at pangarap sa buhay. Hello? Sino bang maginoong lalaki ang aatake sa isang napaka cute at inosenteng babaeng na nasa harap nya na nagsisikap?
" Eh di ako. " Bulong ko habang nakaamba ang palaso ko at tirahin ito sa likod.
Maglalaho at lilipad ang kaluluwa ng batang iyon pabalik sa bayan at sa dinami dami na ng nilalang na tinapos ko ay medyo nasanay na ako at wala ng paki kung sino o ano ang pangarap nila. Oo,ganun kadaling sabihin na masama ako pero kung kayo ang nasa kalagayan ko ay mas malala pa ang gagawin nyo. Lalo pa ang mga halimaw at adventurer sa mundong ito ay mapaghiganti at nasusuklam sa bawat isa kaya patuloy ang labanan sa lugar na ito.
Chapter 1: 2 Ang pagkikita