Nagsimula akong magtaka sa mga nagaganap lalo pa hindi namin kayang alamin ang pagkakaiba ng mga nilalang dito at mga tao na pinadala sa mundong ito. Wala man lang akong naramdamang espesyal o sensyales gayong ilang beses na kami nagkikita maliban sa lengwahe.
" Ibig bang sabihin nito ay hindi lang kami ang taga earth na narito? "
Maaari sa limang taon ko sa mundong ito ay matagal ko na silang nakasalubong o nakaharap pero hindi ko man lang ito napansin. Siguro may kinalaman ito sa tadhanang binigay saakin. Kung sa bagay hindi nga pala ako ang itinakdang ng dyosa sa mahalagang bagay at kung tatandaan ko may bayani sa roletang ipinaikot ko. Pinapunta lang pala ako dito para sa wala kaya bakit pa ako magtataka kung wala akong kakayahan na makilala kung sino ang mga itinakda.
" Marahil ganun na nga, kumbaga sa isang kwento sa mga palabas ay hamak na extra lang ako at walang espesyal na gagampanan. Napaka unfair na dyosa."
Dahil sa pagbulong ko sa hangin ay narinig ako ng dalagang nasa harap ko.
" Anong sabi mo? " Pag tatanong nito.
" Ahh.. wala, wag mo akong pansinin." Agad na sagot ko.
Binaba ko ang kamay ko na may hawak ng palaso upang hindi ito matakot na kausapin pa ako. Ninanais ko na makilala at makausap ang isang taga Earth na gaya nya at sana hindi sya kagaya nung bruha at malditang spoiled brat na nasa bahay na walang ginawa kundi mag maktol at utusan ako.
" Tumayo ka na, hindi kita sasaktan kung mangangako ka na wala kang gagawing masama at magpapakabait. " Sambit ko.
Agad naman itong sumang ayon at nagpasalamat saakin na parang napaka inosente nya.
" Mabuti naman, salamat mr. Dwende. Alam mo kasi marami na akong utang kung kani kanino lalo na sa guild kaya hindi na ako pwedeng mamatay ulit at bumalik sa church. " Agad na kwento nito.
Nagpagpag sya ng kasuotan habang nagsasalita sa harap ko na parang close na kami. Napakadaldal nito at kahit hindi pa ako nag tatanong sa gusto kong malaman ay nag sisimula na syang mag kwento ng malungkot na buhay nya.
" Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera para bayaran sila. Ayaw na rin ako tanggapin sa mga dati kong pinasukan na trabaho."
" Grabe pa sila magtubo sa mga utang ko. Hindi dapat ganito ang kinahantungan ko kung maganda lang ang lumabas sa roleta ng kapalaran."
" Pag nagkataon talagang sa mga caza ako mapupunta para lang makapagbayad ng utang."
Nag simula itong umiyak at mag sambit ng mga kamalasan nyang sinasapit sa kamay ng mga pinagkakautangan nya na minsan ay hinaharas na sya upang magbayad sa tamang oras at sa mga oras na hindi sya nakakatupad ay nililimas ng mga ito ang mga pag aari nya na naipondar sa loob ng limang taon sa mundong iyon.
" Wahh!! Ayokong maging bayarang babae! Masyado pa akong bata para mawasak ang kinabukasan ko! " Iyak nito saakin.
Naikwento nya rin agad saakin na maging ang guild ay wala ng paki elam sa kanya at kung hindi dahil sa kakilala ay hindi ito gagawa ng paraan para tubusin sya sa church para muling mabuhay dahil nga raw marami na syang utang doon na hindi nababayaran.
Hindi ko maunawaan kung bakit nya yun sinasabi saakin kahit di ko naman tinatanong at sa totoo lang hindi ko naman kailangan malaman ang mga pinag dadaanan nya.
" Sandali miss, hindi sa ayaw ko sayo pero pwede ba tumahimik ka muna dahil hindi ako interesado sa kwento ng buhay mo dahil kahit ako may pinoproblema din sa mundong ito." Sambit ko dito.
Tumigil ito kakaiyak at nagpupunas ng luha at nung mahimasmasan na sya ay ngumiti ito at humingi ng tawad. Gusto lang daw nya mag labas ng sama ng loob. Sa totoo lang nauunawaan ko naman sya at gusto kong bigyan sya ng simpatya pero mas gusto kong unahin ang mahahalagang bagay kesa makinig sa daing nya.
" Nauunawaan kita at gusto kong tumulong sayo kung hindi nga lang marami akong inaasikaso ngayon. Pero kung posible naman ay pwede akong magbigay ng tulong para gumaan yang mga dinadala mong suliranin. " Sambit ko
" Talaga willing kang tumulong saakin ?" Tanong nito.
" Alam mo hindi naman ako masamang tao para hindi makaramdam ng awa sayo at kung posible naman na mayroon akong maitutulong ay wag kang magmahiyang magsabi. "
Sa totoo lang hindi ako madhid na tao upang hindi sya kaawaan pero sa totoo lang medyo nabigla ako sa mga sinasabi ko. Napaisip ako na hindi ko yata dapat sinabi ang mga katagang iyon ng basta basta dahil paano ako makakatulong gayong may mas malaki ang problema kong hinaharap.
Nakalimutan ko na may bruhang nag babanta sa buhay ko at nais akong gawing alipin nya. Kung may sapat lang na kakayahan ang katawan na ito ay maaari ko sanang labanan na lang yung malditang yun.
" Mabuti naman, akala ko talaga masama kang nilalang mr. Dwende wala kasi sa itsura mo na mabait ka pala." Sambit nito.
" Ah talaga ? Bakit ano ba sa tingin mo ang tulad ko ? " Tanong ko habang nakapamewang.
" Well, alam mo na kagaya ng mga halimaw sa mga palabas na masama, barbaro at higit sa lahat sex maniac." Sagot nito.
" Maliban pa sa marumi at mabaho ay wala rin kayong manners. "Dagdag pa nito.
" Ok , tumigil ka na. Syempre ganun nga naman ang iisipin mo saakin bilang isa akong halimaw pero para sabihin ko sayo hindi ako ganun dahil dati akong tao at higit sa lahat naliligo ako at may pinag aralan." Sagot ko agad dito.
Ganun na lamang ang naging reaksyon ko sa mga sinabi nya at paglalarawan nya saakin. Marahil tama sya sa maraming bagay tungkol sa ibang halimaw pero masakit sa kalooban ko na mailarawan ng ganun kasamang impresyon ng isang babae. Mahirap itanggi na minsan may ugali at kasanayan akong kagaya ng sa halimaw pero nalalabanan ko ito dahil nananatili parin ang alaala ko bilang sibilisadong tao sa Earth.
" Ah.. oo, alam ko na hindi ka ganun Mr dwende at wag kang mag alala naniniwala ako sayo." Sambit nito
Agad napansin ng babae na masyado akong depensive sa mga nasabi nya pero bigla syang napatitig sa hawak ng kamay ko at napangiwi. Doon ko napagtanto na hawak ko parin yung mga dirty magasin na ginawa nyang pain para sa bitag nya.
" Maliban sa ilang bagay" Bulong nito sa hangin.
Napaka awkward nito dahil hindi ko magawang itangi pa na binalak ko talagang kunin at iuwi ito.agad kong itinago sa likod ko ang hawak ko at pilit na tumawa na parang sira.
Upang malayo ang usapan at maialis sa isip nya na isa akong sex maniac kagaya ng pagsasalarawan nya sa mga halimaw na tulad ko ay agad akong nagtanong dito ng mga bagay.
" Teka hindi ko pa alam pala ang pangalan mo. Tama, oo nga pala pwede mo akong tawaging Karma." Sambit ko dito.
" Karma? " Pagtataka nito.
Nagtaka sya sa pangalan na ibinigay ko sa kanya. Nakuha ko ito sa aking special skill na kayang magbigay ng kamalasan at swerte sa isang nilalang o sa akin depende sa pagkakataon at kondisyon.
Hindi nya na inusisa pa ang buong detalye at nagpakilala bilang si Mirai houvague Tantenium, 16 years old at ipinagmalaki nya na isa syang Knight pero dahil wala pa sya sa tamang edad ay hindi pa sya pinapadala sa central ng bansa kaya kailangan nya pang bunuin ang ilang taon nya sa bayan na tinitirahan nya.
" May apat na taon pa bago ako pwedeng magtrabaho sa central at makalayo sa malupit na bayan na tinitirahan ko. "
Halatang problemado disappointed sya sa bayan na tinitirahan nya dahil sa pamumuhay nya sa bayan ng mga adventurer at dahil na kwento nya na saakin ang ilang bagay lalo na sa mga utang nya ay naitanong ko kung bakit sa limang taon ay nasa mababang Level pa lang sya bilang swordsman?
" Oh.. yun ba? Ang totoo wala naman talaga akong interes nung una sa pagiging adventurer. Nung napunta ako sa mundong ito akala ko madali lang ang makipaglaban pero puro sakit lang ng katawan ang nakuha ko sa isang lingo kong pagkuha ng quest tapos ang baba pa ng sahod."
" Tapos nun isang araw may nag alok saakin ng trabaho bilang waiter at mula noon ay paiba iba na ako ng trabaho sa bayan." Dagdag nito.
Napangiwi na lang ako sa narinig ko sa kanya. Biruin mo swerte na sya at pinadala syang maging tao sa mundong ito at may pagkakataon na sya makipaglaban bilang adventurer na wala sa Earth tapos ang pipiliin nya lang ay maging waiter at trabahador.
Hindi ko alam kong maiingit ako o magagalit sa nangyari sa kanya dahil sa kasabikan kong makaranas na maging adventurer kesa naman maging halimaw sa mundong ito na isinilang lang para hulihin at makipaglaban para manatiling buhay pero kung sa bagay hindi ko naman sya pwedeng husgahan at paki elamanan sa trip nya.
" Ganun pala ang nangyari sayo pero teka kung ipinadala ka rin dito ay ibigsabihin may tadhana ka rin inilaan ng dyosa? "
" Hindi ba dapat may mga espesyal kang abilidad na natanggap at prebilehiyo pero bakit parang napakahina ng status mo bilang mandirigma? " Tanong ko rito.
" Ah.. ang tinatanong mo ba ang mga Status points ko? Ang totoo tinanong ko rin yan sa dyosa noon pero ang sabi nya hindi ko raw kailangan na magpalevel pa dahil natural saakin ang maging malakas, mabilis at makapangyarihan. " Sambit nya.
Napangiwi ako sa sinabi nya dahil kung totoo yun ay bakit napaka hina nya. Kahit nga yata wild Bear ay hindi nya matatalo.
" Ewan ko lang ah, baka na scam ka rin ng dyosa kagaya ko. Ako nga pinadala nya dito na isang halimaw at ang nakakainis pa ay walang masyadong skill ang katawan na ito kahit na napakataas ng status points ko."
Dito ko na nabangit sa kanya ang kamalasan ko nung pinag ikot ako ng roleta ng kapalaran kung saan nakuha ko ang lahi na kakabilangan ko, role ko sa mundong ito at bayan na mapupuntahan ko. Hiniling ko na kahit isa lamang ay swertehin ako pero tatlong beses na kamalasan ang naganap saakin. Hindi yun makatarungan talaga.
" Ganun ba? Pareho pala tayo Mr. Karma dahil ayoko rin ng nakuha ko sa roletang iyon. Hindi naman kasi ako isang gamer o masiglang tao nung nasa Earth ako. Ayoko sa mga nag aaway tapos ipapadala ako dito para lumaban sa halimaw at iligtas ang mundo." Sambit ng dalaga habang nagbubuntong hininga.
" Ilang beses akong umangal sa dyosa pero wala na raw atrasan iyon dahil ito ang kapalaran na nakuha ko sa roleta kaya naman wala akong pagpipilian kundi tapusin ang misyon ko." Dagdag nito habang nagdadabog.
Sa pagkakataon na iyon ay medyo napatahimik ako at bilang na curiuos kung ano nga ba ang napili nya sa roleta ng kapalaran. Para kasi saakin ay napaka swerte nya sa maraming bagay at sinasayang nya iyong pribilehiyo na hindi ko man lang natanggap.
" Teka kung hindi mo ikaka ilang ay pwede ko bang malaman kung ano ang role mo na nakuha sa roleta? " Tanong ko rito.
Sa pagkakataon na iyon ay pumayag sya na sabihin iyon at sya na mismo ang naglabas ng kanyang status bar para ipakita saakin ang mga nakatagong impormasyon na naroon tungkol sa kanya.
Dito ko nabasa at nakita ang mababang mga puntos na meron sya mula sa Strenght, Agi at iba pa pero ang labis na ikinagulat ko ay ang special skill nya na Divine grace. Ngayon ko lang ito nakita at nung usisain ko at basahin ang detalye ay isa itong uri ng banal na pagpapala ng kalangitan na makagamit ng mga divine item at divine spell.
Hindi pa doon natapos ang mga ikakabigla ko dahil sa pagbasa ko sa kanyang role.
" The chosen Hero of God ? Teka ano yan? " Biglang tanong ko.
Kahit nauunawaan ko naman ang nakasulat ay wala akong ka ide ideya na ang napakahina at inosenteng babaeng nasa harap ko na ilang beses ko nag pinapatay ay may ganitong titulo at kapalaran sa mundong ito.
" Ah... Yan ba? Ako kasi ang napiling maging bayani ng mundong ito na magliligtas sa mga tao laban sa pitong demonlord."
" Huh ? " Pagtataka ko.
Halos hindi ko kaagad na gets ang sinabi nya o hindi ko lang talaga inexpect ang maririnig kong paliwanag sa titulo nya sa status bar nya.
" Ikaw ang bayani ng mundong ito? " Dagdag ko habang napatunganga.
Chapter 2:2