Hindi ko agad nakuha ang gusto nyang mangyari kaya naman pinaulit ko ito at umaasa na baka nagkamali lang ako ng dinig pero.

" Hahaha, A-ano ulit yun? " Nakangiting tanong ko.

Dito ay inilapit nya ang mukha nya saakin at ibinulong sa tainga ko.

" Ang sabi ko pwede bang hayaan mo patayin kita alang alang sa sangkatauhan." Sambit nito.


" Nagbibiro ka lang diba? "Sambit ko.


Ilang segundo rin itong hindi nagsalita at ningitian lang ako habang hinihintay ko ang sagot nya. Medyo hindi ko gets ang trip nya pero mukhang hindi nagbibiro ang babaeng ito sa pag hiling nya na patayin ako.

" Humihiling ka saakin na tulungan kita at ang gusto mo hayaan ko na mamatay sa kamay mo. Ganun ba? " 

" Hmm... Parang ganun na nga. Hindi ka naman kasi madaling patayin kaya naisip ko na baka makipagtulungan ka na lang para mas mapadali ang lahat. " Sambit nito na tila ba napakainosente nya.

" Ayos lang ba sayo ? " Dagdag nito.

Sa pagkakataon na iyon ay itinulak ko ang mukha nya palayo saakin at sinigawan ito.

" Syempre hindi! Nasisiraan ka na ba ? " 

Kagaya nung naunang reaksyon nya ay ngumawa ulit ito at pilit na sinasabi ang pangangako ko na tulungan sya pero gayumpaman hindi ko na sya kinonsinte na idahilan pa ito dahil maliban sa napilitan lang naman akong sabihin iyon ay napaka imposibleng pagbigyan ko sya sa gusto nya.

" Tumigil ka nga sa kakangawa dyan, Walang kahit sino ang gagawa ng sinasabi mo. " 

Dahil sa weirdong hiling nya ay nagtanong ko kung bakit ba ako ang trip nya na patayin eh napakaraming halimaw sa mundong iyon maliban saakin.

" Isa lang akong dark dwarf baka nga nasa 1 silver lang pabuya na ibibigay sayo sa quest na yan " sambit ko rito.

Inisip ko na dahil sa pagkuha nya ng quest kaya nya gusto nya akong mamatay kagaya ng maraming adventurer sa paligid at inalok ko rin itong ibang quest ang kunin at baka sakaling tumulong pa akong matapos ito.

Mas makatotohanan iyon na makuha ang pagpayag ko kesa hilingin saakin na mamatay para sa kanya. Gayumpaman hindi ko inaasahan ang kanyang magiging sagot saakin.

" Hindi mo nauunawaan, hindi naman dahil sa quest ng guild kaya kita gustong patayin." Sambit nito.

Sa mga oras na iyon ay may kinalikot sya sa nakalitaw na status bar nya at inilabas sa inventory nya ang isang espada.

Isa itong napakagandang gintong espada na ipinakilala nya bilang sword of heaven na ibinigay ng kalangitan. akalain mo nabigyan sya ng isang napakagandang espada pero samantalang ako wala kahit singko ang ibinigay saakin nung ipadala ako sa mundong ito.

" Ito ang isa sa limang divine item na ibinigay saakin ng dyosa para makompleto ko ang misyon sa mundong ito." Sambit nya.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko dahil sa gara at itsura nito ay masasabing na ang babae na nasa harap ko talaga ang itinakdang bayani ng mundong ito.

Gayumpaman tila ba nakakapagtaka parin para saakin ang sinasabi nya, ano naman ang konek ng espada sa kagustuhan nyang patayin ako? 

" Sa ngayon kasi isa pa lang ang nakukuha kong energy cristal na nagbibigay ng enerhiya sa mga divine item at kung makukuha ko ang limang cristal ay magagawa kong matapos ang itinakda ng dyosa saakin." 

Medyo naguluhan ako sa sinabi nya pero mukhang may dahilan talaga sya para gawin ang paghabol habol nya saakin. Ngayon hindi lang ang dahilan ng paghahabol ang gusto kong malaman tungkol sa kanya pati na ang cristal at divine item na tinutukoy nya.

Ikinuwento nito saakin ang tungkol sa cristal na pinakokolekta ng dyosa sa kanya upang maging energy source ng mga divine item nya. Hindi naman daw ito kasama talaga sa napagkasunduan pero dahil malakas ang trip ng dyosa ay binigyan nya ng twist ang misyon ng dalaga para naman daw maging masaya ang pakikipagsapalaran ng bayani sa mundong ito.

Gayumpaman ay hindi gusto ng dalaga ang pagkikipagsapalaran na sinasabi ng dyosa lalo pa nadagdagan lang ang trabaho nito. 

" Kung ganun sinasabi mo bang ang life cristal ko na makukuha sa loob ng katawan ko ang isa sa hinahanap mo? Paano ka naman nakakasiguro." Tanong ko rito.


" Ang divine item mismo ang nagsasabi saakin kung malapit na saakin ang mga cristal at nung una kitang makita ay umilaw ang mga ito kagaya noon." Sagot nito.

Hanggang ngayon hindi ko parin maunawaan kung anong halaga ng paglalagay ng twist sa trabaho ng bayani. Pero dapat pa ba akong magtaka eh kung totoong may paki sa buhay ng sangkatauhan ang dyosa ay unang una ay hindi nya lalagyan ng demonlord ang mundong ito.

Parusahan na ako ng kalangitan pero talagang malakas talaga ang trip nung dyosa na yun pero kung iisipin kong mabuti ang sitwasyon ko ibigsabihin hindi nya lang ako basta inilagay sa mundong ito para sa wala lang kundi para maging energy source ng kagamitan ng bayani.

" Bilib talaga ako sa sapak sa ulo ng dyosa na yun, kulang pa ba ang limang taon na pag papahirap nya saakin ngayon heto gusto nya akong maging energy source ng mga gamit na yan." Bulong ko sa hangin.

Dati napipikon ako pag naiisip ko na ang role ko lang sa mundong ito ay mabuhay bilang isang maliit na halimaw at ngayon lalo akong nagagalit nung nalaman ko kung paano ako naging espesyal sa itinatakda nyang kapalaran.

" Sabihin mo nga kung anong kasalanan ko at bakit mo ako pinaparusahan ng ganito !!!" Napakalakas na sigaw ko sa kalangitan.

Nagulat ang babaeng si mirai sa biglaang pagsigaw ko at napatumba sa lupa. Pilit nya akong pinapakalma dahil sa galit na pinapakita ko sa kalangitan.

" Hoy dyosang may sayad, kung naririnig mo ako eh magpakita ka! Somosobra ka na talaga sa ginagawa mo saakin. Hindi na ito makatarungan!! " 

" Sandali, mr. Karma huminahon ka. Wag mong pasalitaan ang dyosa ng ganyan. Kahit anong sabihin mo ay isa parin syang makapangyarihang dyosa na dapat igalang hindi maganda kung magagalit sya sayo ."  Sambit ng babae.

" Paano ako kakalma? Kung alam mo lang ang mga pinagdadaanan ko ngayon dahil sa itinakda ng baliw na nilalang na yun. Kaya sabihin mo nga dapat pa ba akong kumalma !!! " Sigaw ko in habang nakaduro sa kalangitan.

Ilang segundo rin natahimik ang lugar pagkatapos kong sumigaw ng malakas pero ni isang senyales na pakikingan ako ng dyosa ay walang naging sagot ang kalangitan.

Hindi nya ako kinakausap o wala talaga syang balak na kausapin man lang ako dahil para sa kanya ay isa lang akong simpleng tauhan sa kanyang itinatakdang alamat at iyon ay maging kasangkapan lamang ng bayani.

" Hindi dapat ito nangyayari saakin, anong klaseng kapalaran ang pagiging energy source? " nakayuko kong bulong.

Hindi pa nga natatapos ang stress ko sa kakaisip ng paraan para maisahan yung demonlord ay may panibagong pagsubok nanaman ang gusto nyang harapin ko.

"Easy ka lang mr. Karma, unti unti na akong natatakot sayo." Sambit ng dalaga habang pinapakalma ako.

" Tumigil ka babae, para sabihin ko sayo hindi ko hahayaan na mamatay sa kamay mo." Sambit ko rito.

" Ano? Kung ganun hindi ka pumapayag? " Tanong nito saakin.

" Syempre hindi !! " Sigaw ko rito.

Dahil sa pagtanggi ko ay lalo akong kinulit nito at nabanggit na walang saysay kung kakalabanin ko ang dyosa at magmamatigas sa itinakda nito. Isang ganap na pagtatakda ang ibinigay ng dyosa at magaganap ang lahat ayon sa ginusto ng kalangitan.

" At isa pa alam natin na hanggat buhay ang tao ay marami pa itong problemang pagdadaanan kaya kung hahayaan mong patayin kita ay matatapos na ang problema mo." Sambit nito saakin.

" Neknek mo. Sa akala mo ba madadaan mo ako sa ganyan? Unang una gusto ko pang mabuhay." 

" At isa pa dahil sa nalaman ko ay lalong mas gustong ko pang mabuhay upang hamunin ito, hindi ako magpapatalo sa kapalaran na itinakda ng dyosa mo. " Dagdag ko dito.


Kung nagawa kong suwayin ang tradisyon at pagtatakda nila na mamuhay ako sa tribo ng mga dark dwarf habang buhay ibigsabihin kaya ko rin baguhin ang kapalaran ko sa mundong ito.

Hindi ako sigurado sa iniisip kong pagkalaban sa dyosa pero buo na ang loob ko at Isinusumpa ko na babaguhin ko ang kapalaran na itinakda ng kalangitan saakin at ako ang mismong magtatakda ng tatahakin kong landas.

Dahil sa galit ay napagbalingan ko ng inis si Mirai na akin ngayong dinuduro na tila hinahamon. Kaya naman napapangiwi na lang ang dalaga habang pilit na tumatawa at pinapakalma ako.

" Teka bakit parang kasalanan ko? Wala naman akong kinalaman sa itinakda nya.  "

Dahil doon ay tumalon ako palayo sa kinatatayuan ko at tinutukan sya ng crossbow na sandata ko upang pagbantaan ang dalaga na papatayin ito kung hindi nya ititigil ang paghabol saakin.

" Mabuti pa umalis ka na dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin ka at sisiguruhin ko na habang buhay ka na mamalagi sa chapel ng bayan." Banta ko dito.

Tulad ng inaasahan ay agad itong nag panik at nakikiusap para sa buhay nya. Kung tutuusin ay wala naman talaga syang kasalanan dahil tulad ko biktima lang din sya dito pero hindi ko kailangan maging martyr dahil mahalaga parin saakin ang buhay ko.

Hindi ko gusto maging marahas pero upang mas matakot ito ay itinira ko ang mga palaso ko sa paahan nya bilang warning.

" Ang susunod na atake ko ay sa iyong ulo na kung hindi ka aalis sa harap ko at lubayan ako." Pananakot ko dito.

Agad naman itong gumapang palayo habang takot na takot na nagtago sa likod ng puno. Kaya naman sa tingin ko nagtagumpay ako na matakot sya sa banta ko at dahil doon ay ibinalik ko na sa inventory ko ang sandata ko at binuhat muli ang mga karne at galon ng tubig.

Hindi naman ako nagduda sa iniisip ko na magtatanda na ang babaeng yun dahil sa pagkakaalam ko sa kanya ay duwag sya at mahina ang loob kaya naman tumalikod na ako at humakbang palayo sa lugar na iyon para dumeretso sa bahay ko.

May mas dapat akong problemahin kesa sa duwag na bayaning kagaya nya. Ang tinutukoy ko ay ang demonlord na baka kanina pa umaapoy sa galit dahil late na akong makakapaghanda ng kakainin nya ngayong umaga. 

Pero habang unti unti akong lumalayo sa lugar na iyon ay hindi ko akalain na maglalakas ng loob ang dalaga na humakbang palapit saakin. Naramdaman ko na rin naman ito at inakala ko na magmamakaawa lang ito ulit saakin habang ngumangawa.

Ipipilit nanaman siguro nito ang tungkol sa pangako ko na binitiwan kaya naman naging kampante ako.

" Sinabi ko na hindi ako papayag, kalimutan mo na ang pangako ko ..." 

Sa pagkakataon na iyon habang nagsasalita ako ay may biglang lumaslas ng likod ko gamit ang sandata. Sinubukan ko pang iharap ang tingin ko sa likod ko habang umaangat ang katawan ko sa lupa dahil sa impact ng atake. 

Dito ko nakita ang dalagang si mirai habang hawak ang kanyang espada at nakayukong hinasiwas ang espada nya.

Tama, gamit ang divine item ay nilaslas nya ang likod ko habang nakatalikod ako. Hindi ako makapaniwala sa ginawa nya lalo na ngayon lang ako nakaranas na masaktan sa isang atake dahil sa mataas na antas at defense status ko.

"Anong ? "

Gumulong ako sa lupa pero agad akong kumilos upang gumawa ng aksyon o makabwelo man lang para dumepensa pero habang tinatangka kong tumalon patakas ay ibinato ng dalaga ang hawak nitong espada at  dumeretso saakin.

" Hindi, tatamaan ulit ako." Bulong ko sa isip ko.

Kitang kita ko ang pagbulusok nito papunta saakin at kung nagawa nitong wasakin at balewalain ang napakatibay na armor ko sa katawan ay tiyak patay ako kapag nagtagumpay syang tamaan ako sa pangalawang pagkakataon.

" Dito na ba ako mamamatay? "


Alabngapoy Creator

Episode 9