Ang propesiya tungkol sa paglalakbay ng bayani na itinakda ng kalangitan ay nakasulat na sa mundong ito na syang magbibigay ng katahimikan sa planetang ito at kahit mga halimaw ay alam ang tungkol dito.
Gayumpaman ay walang nakakaalam kung sino ito o kailan magaganap ang itinakda. Isa rin palaisipan kung naisilang na ba ang bayani o baka ilang dekada pa ang lilipas. Kaya naman ganun na lamang ang pagkagulat ko na malaman na nabubuhay na pala ito at nagsisimula na ang kanyang alamat pero ang hindi ko maunawaan ay kung bakit sya pa?
" Seryoso ka? Ikaw ang itinakdang bayani? " Pagtatanong ko rito.
" Kasamaang palad ay tama ka, ako ang napili maging bayani ng planetang ito. Obligado akong tapusin ang misyon ko kung gusto kong maka alis sa mundong ito. Iyon ang sabi ng dyosa." Malungkot nyang sagot kasabay ang Pag buntong hininga nya.
Sa reaksyon nya ay para bang ang malas malas nya pero sa totoo lang kung ginagamit nya lang ang utak nya ay maiisip nya na napaka swerte nyang nilalang. nakakaramdam ng iingit sa kanya sa totoo lang.
Pero ang hindi ko talaga matanggap ay mas pinili nya pa maging waiter kesa maging tagapagligtas.
" Hindi ko maunawaan, ibigsabihin mas pinili mo maging utusan kesa iligtas ang mundo?"
Dito ay bigla syang napakamot sa ulo at nagdahilan kung bakit nya mas pinili na talikuran ang pagiging bayani kapalit ng normal na buhay bilang utusan ng mga tao habang lumilipas ang mga araw.
" Hindi mo ba naisip na maraming tao ang naghihintay sa bayani na syang tatapos sa pag hahari ng mga demonlord. Halos ilang henerasyon ng tao na ang lumilipas ay patuloy parin sila umaasa. " Sambit ko dito.
" Pero heto ka at napaka daling nagsawa at tinalikuran agad ito." Dagdag ko dito para man lang makonsensya ito.
" Ah.. eh.. hehehe ang totoo nabiktima ako ng mga scammer noon sa bayan at nalimas ang pera na binigay ng dyosa bilang panimula at mula noon nawalan ako ng gana "
Pero sinubukan ko naman kaso palagi akong minamalas lalo na hindi magaganda ang ugali ng mga taong nakakasama ko kaya bakit ako magpakapagod na iligtas ang mga tao kesa unahin ang kakainin ko sa araw araw. "
" At isa pa hindi libre ang kinakain at mga renta dito kaya hindi ako mabubuhay bilang bayani at hindi ako ganun ka martyr para iligtas sila gayong wala naman naging mabait saakin sa bayan na yun."
" Alam mo yun? Oo masama na ako, pero tao lang din ako at mauunawaan mo ko kung naranasan mo ang pinagdaanan ko." Dagdag pa nito.
Kung sabagay may punto sya at hindi ko sya dapat husgahan sa naging desisyon nya at kung iisipin ay hindi naman dapat malaking bagay saakin yun dahil isa akong halimaw.
Kung tutuusin wala naman syang kasalanan at biktima lang din ng dyosa na malakas ang trip. Hindi nya naman ginusto maging bayani sa simula pa lang at pinili lang naman nya ang tahimik na buhay at sino ba ang magsasabi kung tama o mali ang desisyon nya para sa sarili?
Pati dito hindi patas ang Diyos sa mga nilalang na ginawa nya dati iniisip ko na unfair ang buhay sa earth at ang tanging patas lang sa mundo ay ang kamatayan na mararanasan ng lahat pero sa mundong ito pati kamatayan ay hindi narin para sa lahat at kung may pera ka ay magiging imortal ka na .
" Kung sabagay pareho lang tayo na tumalikod sa nakakainis na kapalaran, tumakas din naman ako sa tadhana kong mabuhay bilang dwende doon sa tribo ng dark dwarf at lumaban habang buhay kasama nila." Bulong ko.
Syempre kung ako rin ang nasa kalagayan nya ay pipiliin ko rin ang ikabubuti ko at gawin ang ano mang mas komportable kong gawin. Kaya nga isa akong lagalag na dwende na tinalikuran ang lahi ng dwende para mamuhay mag isa. Parehas lang kaming tumalikod sa tradisyon at itinakda ng ibang tao saamin.
Ngayon medyo lumilinaw na ang lahat saakin ang mga dahilan nya kaya pala sa halos ilang taon ko rito sa mundong ito ay wala akong narinig tungkol sa itinakdang bayani o kung nag simula na ba itong maging alamat.
" at isa pa para saakin, hindi totoong mga nilalang ang mga nakapaligid saakin. Biruin mo kahit mamatay kami ay pwede kami ulit mabuhay at itong mga magic at werdong bagay na lumilitaw sa harap natin " Sambit ni Mirai
" Hindi ito normal at para lang tayong nasa loob ng video game." Dagdag ng dalaga.
" Syempre hindi ito normal para sayo dahil minsan kang nabuhay sa Earth pero sa tingin ko naman ay umiiral talaga ang mundong ito sa universe." Sagot ko rito.
Mukhang dahil sa nagmula sya sa Earth ay hindi nya tinatangap ang konsepto ng buhay at klase ng pamumuhay sa planetang ito kaya naman madali para sa kanya na kalimutan ang itinakda para sa kanya.
Nauunawaan ko naman sya sa hinaing nya pero naaawa lang siguro ako sa mga nilalang dito sa mundong ito dahil matagal na nila gustong kumawala sa digmaan ng mga halimaw at tao pero dahil mukhang hindi gusto pangatawanan ng isang ito ang misyon nya ay maghihintay ulit sila ng isang daang taon o higit pa.
" Pero sandali kung sya ang bayani ay ibigsabihin ay kasama ako sa nanganganib kung gagampanan nya ang misyon nya. " Bulong ko sa hangin.
Pero kahit pabor naman saakin kung hindi nya tanggapin na maging bayani ng mundong ito ay naitanong ko na rin kung bakit sa halos limang taon nya na pagsasayang ng oras sa mundong ito bilang normal na trabahador sa bayan ay bigla syang lumabas at hawak nanaman ang espada nya upang kumuha ng quest.
" Teka lang ah, ikaw na ang nagsabi na ayaw mo na makipaglaban pero kung wala ka ng interest maging bayani ay bakit bigla kang kumuha ng quest ngayon ? " Tanong ko rito.
" Ah .. yun ba? Alam mo kasi naisip ko paulit ulit na lang ang ginagawa ko sa araw araw at wala naman talagang ginhawa na akong nakukuha kahit piliin ko ang tahimik na buhay sa bayan kaya naisip ko subukan ulit lumabas." Sagot nito habang nakangiti saakin.
" Oh.. magaling. Ibigsabihin natauhan ka na rin sa wakas at heto ka ngayon ako naman ginugulo mo sa tahimik kong teritoryo."
Hindi naman talaga masama ang ginawa nya kung tutuusin pero ang pinagtataka ko sa libo libong halimaw sa mundong ito ay bakit palagi syang bumabalik sa teretoryo ko para patayin ako.
" Ah.. eh... Wag mong personalin, ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang bayani." Sagot nya saakin.
" Kung ganun balak mo na gampanan ang pagiging bayani ng mundong ito kahit ayaw mo naman talaga? " Tanong ko rito.
" Wala naman ako pagpipilian. Huhuhu, Kung alam mo lang ang stress ko sa araw araw." Sambit nya habang nagmamaktol.
"Pero teka hindi ba ang sabi mo handa mo akong tulungan? Ito na ang pagkakataon mo mr. Karma tulungan mo ko maging tunay na bayani. "
Napangiwi ako nung marinig ko ang sinabi nya at pinagpawisan nang unti unti na syang lumalapit saakin at magiliw na humiling saakin ng pabor.
Kagaya ng pangako ko na tulungan sya ay parang iniisip nya na basta na lang akong papayag na gawin ang ano mang sabihin nya.
Pwede ko ba bawiin iyon pero bakit nga ba hindi? matulungin naman akong tao noon pero iba ang sitwasyon ko ngayon kesa dati sa Earth. Kung hindi lang talaga ako naiipit sa masamang sitwasyon dahil sa bruhang demon lord na yun.
"Sandali teka, hindi ako sure kung kaya ko ba tumulong dahil sa ngayon ay may napaka laking problema ako. May bruha pa akong pinag sisilbihan at nandun sya ngayon sa bahay ko nagbubuhay princesa." Sagot ko rito.
Hindi ko maitatanggi na nabigla lang ako kanina sa pangangako na may magawang tulong para sa kanya pero natatakot ako na baka hindi ko na magawa iyon dahil nga sa nanganganib pa ang buhay ko sa ngayon at iniisip ko pa kung paano ako makakatakas sa sitwasyon ko tungkol sa demonlord.
Hanggat hindi pa natatapos yung kabaliwan nung bruha na ipaubaya sa isang dwendeng kagaya ko ang napaka delikadong misyon na naiisip nya ay hindi pa talaga ako ligtas sa kamatayan.
Pero aasa pa ba ako na mabago ang isip nung bruhang iyon, pokpokin ko kaya ng malaking bato sa ulo habang natutulog sya baka sakaling matauhan.
" Alam mo imposible sa ngayon na matulungan talaga kita pero sabihin mo. Malay mo kaya ko. " Dagdag ko.
Lalo itong lumapit saakin habang pinaglalaruan ng kanyang daliri ang mahaba nitong patilya. Aaminin ko na cute sya sa ginagawa nya pero siguro dahil bilang mayroon akong dugong halimaw ay wala akong ano mang interest sa itsura nya..
Sa mga oras na iyon ay wala akong kamalay malay sa sasabihin nya saakin na labis kong ikakabigla. Sa totoo lang hindi ko naisip na isang werdong hiling nanaman ang maririnig ko na hindi normal na hinihingi ng may maamo at inosenteng pag iisip ng isang babae.
" Simple lang naman ang paki usap ko mr. Karma at sana pagbigyan mo ako." Nakangiting sambit nito habang umuupo sa harap ko.
Itinusok nya sa lupa ang espada nya kasabay ang pagbuklod ng kanyang mga palad habang hinihiling ang pabor na nais nyang gawin ko para sa kanya.
" Pwede bang hayaan mong patayin kita? " Sambit ng dalaga habang nagpapacute sa harap ko na tila ba napaka inosente nito.
" Huh? " Nakangiwing tanong ko.
Episode 8