Kabanata 5.1: CEDRIC AT ANG LIBRETA
"Ano iyon, Miss Joy Malaya? Kilala mo ba siya?" tanong ng guro.
"H-Hindi po, Sir. Sorry po!" Nasa upuan lang si Joy, nakaramdam ng hiya habang pinagtatawanan siya ng mga kaklase niya.
"Okay. Mr. Martinez, please introduce yourself," sabi ng guro.
Napatitig si Cedric kay Joy. "My name is Cedric Martinez. Nice meeting you all."
"Sobrang gwapo!" bulong ng isang estudyante.
"Aking prinsipe, dito ka naman umupo sa tabi ko! Please!?" sabi naman ng isa.
"Hindi! Akin siya!" ang pangatlo ay nagprotesta.
"Salamat, Mr. Martinez. Mangyaring umupo sa likod ni Ms. Malaya malapit sa bintana," sabi ng guro.
Hindi pinansin ni Cedric ang kanyang mga kaklase habang tahimik na umupo sa kanyang upuan.
Nang matapos ang unang yugto, inanunsyo ng guro,
"Iyon lang para sa araw na ito, Tapus na ang klase. May emergency meeting kami ngayong hapon, kaya malaya na kayong gumawa ng mga aktibidad sa club o umuwi."
Naghiyawan ang mga estudyante.
"Magpractice tayo!"
"Gusto kong pumunta sa mall!”
Ibinaon ni Joy ang kanyang mukha sa kanyang mesa. Ano ang dapat niyang gawin ngayon?
"JOY!" Bigla siyang tinawag ni Khay.
"My Mom—I mean gusto kang makita ng principal sa opisina niya."
Kumunot ang noo ni Joy. Ano kaya ito?
"Pwede po ba akong pumasok, Ma'am?" Tanong ni Joy matapos kumatok sa pinto.
"Sabi ko, Auntie Yuriko na lang ang itawag mo sa akin," sabi ni Principal Yuriko nang pumasok si Joy sa opisina.
Pero ikaw ang principal ng school na ito sa isip ni Koy. “Ano po ba ang maitulong ko... Auntie?" sabi ni Joy.
"Nabalitaan ko na kakilala ka ng bago mong kaklase, kaya may ipapagawa sana ako sayo," sabi ni Principal Yuriko.
Hindi nagugustuhan ni Joy kung saan ito pupunta.
"Pwede mo ba siyang ilibot sa campus natin?" tanong ni Yuriko kay Joy.
Walang ibang pagpipilian si Joy kundi ang mag-oo.
"S-Sige po, Auntie.”
Nakita niya si Cedric na naghihintay sa labas ng opisina.
"She will take care of you. Kailangan ko nang pumunta sa meeting! Bye!" Sabi ni Yuriko kay Cedric bago ito umalis.
Hindi alam ni Joy ang sasabihin kaya di agad sya makapag salita.
"So, saan tayo unang pupunta?" tanong ni Cedric sa kanya.
"A-ah eeeh. Sa building na ito ay mga faculties at offices. Sa pinakadulo naman ay ang clinic," paliwanag ni Joy.
"Alam ko. Doon ako nanggaling kanina," sabi ni Cedric. "A-ah, Oo nga naman.” Bulong ni Joy.
Nagsimula ng maging hindi komportable si Joy kaya mabilis niyang tinapos ang paglilibot sa buong campus at ngayon ay nasa parking lot na sila. Huminto sila kung saan ipinarada ni Joy ang kanyang bike.
"That's the end of the tour. M-may gusto ka bang puntahan?" tanong ni Joy. Pero hindi sumagot si Cedric.
"Okay. Sige… Uuwi na ako ah….." Sinubukan ni Joy na sumakay sa kanyang bisikleta, ngunit hindi niya ito maigalaw.
"Kaya mo bang umuwi gamit ang bike na yan?" Sabi ni Cedric sabay turo sa mga sirang gulong ng bike. "Nakalimutan kong sira nga pala ang bike ko!" Bulong ni Joy na tila paiyak na.
Binuhat ni Joy ang kanyang bike at nagsimulang maglakad. Biglang huminto ang sasakyan ni Cedric sa tabi niya.
"Ilagay mo ang bike mo sa likod ng kotse ko," sabi ni Cedric.
Hindi maproseso ni Joy ang nangyayari, kaya bumaba si Cedric sa sasakyan at kinuha ang bike at saka inilagay sa loob ng trunk. "Pero pero pero!" protesta ni Joy.
"No buts. Just get inside!" Utos ni Cedric.
Napabuntong-hininga si Joy at ginawa naman ang sinabi niya.
"Bahay mo ba ito?" Tanong ni Cedric matapos siyang ihatid pauwi at huminto sa harap ng bahay niya.
"Oo. Actually, kainan yung first floor samantalang mas malaki yung kwarto sa second floor. Nirerentahan lang namin," paliwanag ni Joy.
Tapos nakita nila sina Peach at Sarah na kausap ang landlady nila na mukhang galit na galit.
"DALAWANG BUWAN NA KAYONG HINDI NAGBABAYAD SA RENTA NIYO! Kung hindi kayo magbabayad ng buo sa susunod na buwan, ila-lock ko na ang bahay na ito kasama ang mga gamit niyo sa loob!" sigaw niya bago lumabas.
"Tungkol saan iyon?" Curious na tanong ni Cedric.
"Siya yung may ari ng bahay. Kailangan ko nang umalis. Salamat sa paghatid! Pero huwang mong iisipin na kwits na tayo! Kailangan mo pang magbayad para sa pagpapaayos ng bike ko at para sa mga nasirang packed lunch na naibenta ko Sana." sabi ni Joy.
"Pero mas mahal ang pag-aayos ng sasakyan ko." sagot ni Cedric.
"Sa tingin ko tama ka!" Paiyak na wika ni Joy. T
Pagkatapos umalis na si Cedric…..
"Sino yan Ate?" tanong ni Sarah.
"Siya yung transfer student," sagot ni Joy.
"Balita ko mayaman at gwapo siya! Good catch, Ate Joy," bulalas ni Peach.
"Anong pinagsasabi mo Peach?!" protesta ni Joy.
________________________________________________
Itutuloy sa susunod na parte ng kabanata!
---------------------------------------------------------------------------------
INIHAHANDOG ANG ILLUSTRASYON NA GAWA NG AUTHOR….
Character Name: KHAY YUKI FUJIMA
Rambulan Theme: June Bride
Hosted by: Lei Saturday
AN: Pasensya na po sa late update for Rambulan. Di ko rin naman alam if sasali pa ko ulit. Pero subukan ko pa rin mag publish ng bagong chapter dito every month with illustration. Muli maraming salamat po sa mga sumusuporta at nagbabasa ng nobela ko po na Elementalia. 😊