-- Karugtong ng Kabanata 4.1 --


Maya-maya ay may narinig silang busina ng sasakyan habang naglalakad sa kalsada. Sa kabilang banda nito ay nakita nila si Yuriko na kumakaway at tinatawag sila.

Sinabi nila sa kanya ang lahat ng nangyari, pagkatapos ay inalok naman sila ni Yuriko ng bahay na matutuluyan.

"Hindi ito kalakihan gaya ng mansyon, pero pwede kayong tumira dito samin. Anak ko lang ang kasama ko dahil nagtatrabaho sa ibang bansa ang asawa ko," sabi ni Yuriko habang mabilis silang nililibot sa kanyang bahay.

"Maraming salamat," sabi ni Mina.

Binati din ng anak ni Yuriko ang tatlong magkakapatid.

"Hi girls! Ang pangalan ko ay Khay Yuki Fujima. Ako na ang magiging Kuya niyo mula ngayon! Hehe," sabi niya.

"Hello Khay! Ito ang Ate ko na si Joy at ang mas nakakabata ko namang kapatid ay si Sarah," sabi ni Peach.



Makalipas ang anim na taon…

"Waky wakie Sleeping Ugly. I mean, Sleeping Beauty! O hahalikan ka ng Prince Charming mo!" Sabi ni Khay habang nakangisi, saka niya unti-unting inilalapit ang mukha niya kay Peach habang tulog ito.

Sinampal ni Peach si Khay. *PAAAK!*

“ARAAAY!" sigaw ni Khay.

"Serves you right for disturbing my beauty sleep!" Sabi ni Peach.

"Inutusan ako ni Tita Mina na gasingin ka bago tayo ma-late sa school," paliwanag ni Khay.

"Oh shoot! Nakalimutan kong Monday ngayon! Shooo! Lumabas ka na sa kwarto ko!" Sabi ni Peach sabay tulak kay Khay papunta sa pinto.

"Pero bakit?" tanong ni Khay.

"Gusto mo siguro makita akong nagsusuot ng damit ko noh? YOU PERVERT!" Tutol ni Peach.

"Hindi ka muna maliligo?" Napakamot ng ulo si Khay.

Sinipa ni Peach si Khay palabas ng kwarto niya saka sinara ang pinto.


Sa kusina...

"Mama, alis na po ako," sabi ni Ian.

"Papasok ka na? Pero hindi ka pa kumakain ng almusal mo anak." sabi ni Mina.

Gayunpaman, nakaalis na si Ian papuntang paaralan.

Natapos na ni Joy at ng kanyang ina ang mga nakabalot na pananghalian na ibebenta nila sa mga kapitbahay at sa paaralan.

"Tama na po siguro ito, Mama. Mauuna na rin po ako." sabi ni Joy.

"Sarah, hintayin mo si Peach at sumakay kayo sa motor ni Khay. Kailangan ko munang ihatid 'to bago pumasok sa school," sabi ni Joy kay Sarah na malapit nang matapos sa pagkain ng kanyang almusal.


"Okay, Ate!" sagot ni Sarah. Tapos sumunod naman si Joy kay Ian.

"Ian, gusto mo bang sumakay sa likod ng bike ko?" tanong niya.

"Okay lang, Ate Joy. Susunduin ako ng mga kaibigan ko sa bus stop," sabi niya.

"Oh, sige.”


Medyo nag-alala si Joy para sa kanyang bunsong kapatid. Alam niya kung gaano kahirap para kay Ian na makisama sa ibang tao, lalo na sa kalagayan nito: isang ‘batang walang anino’. Pagkatapos ng ritwal ng pagbubuklod, nawalan ng sariling anino si Ian at tanging anino ng kanyang damit ang nakikita. Kailangan niyang magsuot ng hoodies at pantalon sa tuwing lalabas siya para palitan ito, kaya minsan nabubully siya sa paraan ng pananamit. Napilitan silang lumipat ng paaralan hanggang sa iminungkahi ni Yuriko na i-enroll si Ian sa paaralan kung saan siya nagtuturo.

Ngayon si Yuriko ang naging principal ng paaralang iyon at doon din nag-aaral ang triplets bilang mga iskolar.

Matapos ihatid ni Joy ang ilan sa mga naka-pack na pananghalian, nakita niya ang isang pamilyar na kuting sa gitna ng kalsada. Inilagay niya ang kanyang bisikleta malapit sa puno saka umupo para kunin ang kuting.

Anong ginagawa mo dito, kawawang kuting? Baka maaksidente ka kung mananatili ka - "

Biglang may kotseng mabilis ang pagpapatakbo na papunta sa direksyon nila. Nakaiwas si Joy habang ligtas na hawak ang kuting sa kanyang mga bisig. Nakahinga ng maluwag si Joy. "Muntik na iyon ah!"

Pagkatapos ay sinulyapan niya ang kotse at tiningnan kung ligtas ang driver.

“Hoy! ayos ka lang ba? Pakibuksan ang bintana!" Sabi ni Joy sabay katok sa bintana ng driber. Bumukas ang bintana ng sasakyan at nakita ni Joy ang isang lalaki na halos kasing edad niya, nakahawak sya sa kanyang noo.

"Nababaliw ka na ba? Anong ginagawa mo’t nakaupo ka sa gitna ng kalsada?"

"Meow!”

Nakita niya ang kuting sa mga bisig ni Joy at idinagdag, "Tsk! Whatever!"

Nagsimula na muli siyang magmaneho.

Nakita naman ni Joy na sira ang kanyang bisikleta at ang ilan sa mga naka-pack na pananghalian ay nakakalat sa semento.

"Hoy, bumalik ka dito! Kailangan mong bayaran ito," sigaw ni Joy habang sinusubukang habulin ang sasakyan. Sa kasamaang palad, mabilis itong nakalayo.

Wala siyang magawa kundi ang maglakad at bitbitin ang kanyang bisikleta hanggang sa makarating siya sa paaralan.

"Ito ang unang pagkakataon na nahuli ka sa klase. Ire-record ko ito at umaasa ako na hindi na ito mauulit. Maaari ka nang maupo," sabi ng guro ni Joy.

"Pasensya na po talaga, Sir." sabi ni Joy.

"Bago tayo magsimula ng ating aralin, nais kong ipakilala sa iyo ang bago mong kaklase. Maaari ka nang pumasok!"

Tinawag ng guro ang transfer student. Ito ay ang driber ng kotse na muntik nang makabangga sa kanya kanins. Pero ngayon ay may benda na ang kanyang noo.

"IKAW!?"

Tumayo si Joy at tinuro ang bago niyang kaklase habang nakatingin naman sa kanila ang ang buong klase.

__________________________________________________
Itutuloy sa susunod na kabanata!
---------------------------------------------------------------------------------


INIHAHANDOG ANG ILLUSTRATIONS NA GAWA NG AUTHOR NA ITINAMPOK SA KASALUKUYANG RAMBULAN POSTER

undefined

WEBKOM RAMBULAN 55 ENTRY (April 2025)

Theme: Easter "Chibi" Bunnies

Published Title: ELEMENTALIA: Tail of the Elemental Guardians (Tagalog Version)
Link: https://webkomph.com/novels/elementalia-teg-tagalog-version

Character Name: ROE ( A Royal Pixie)

undefined

WEBKOM RAMBULAN #55 Official Poster for April 2025 by Chlaos Kurusagi (aka. TenTenJOY03)WEBKOM RAMBULAN #55 Official Poster for April 2025 by Chlaos Kurusagi (aka. TenTenJOY03)

TenTenJOY03 Creator

A/N: Hello po sa mga readers! Ako po si TENTENJOY03 na ngayon ay kilala na bilang Chlaos Kurusagi ang author ng nobelang ito na may titulong "ELEMENTALIA: Tale of the Elemental Guardians" na ngayon ay may tagalog/taglish version na! Libre nyo na rin mababasa ang kabuan ng storya mula umpisa gang sa matapus ko ito sa bersyon na ito. Abangan ang mga bagong kabanata! 😊