ELEMENTALIA: Tale of the Elemental Guardians (Tagalog Version)



Kabanata 1.1: Nakaraan at Kasalukuyan



Tatlong bata ang mabilis na tumatakbo sa loob ng madilim na kagubatan habang may dala na malaking kariton. Kahit na anong pagod ay di nila makuhang magpahinga dahil dito nakasalalay ang kanilang buhay.

Hinihila ng isang bata ang kariton sa harapan, habang ang dalawa naman ay nagtutulak sa likuran. Bago sila maubusan ng hininga, biglang nalamang nagdilim na pati na ang liwanag ng buwan ay naglaho. Sa kanilang pagpikit tanging hiling nila na sana ay hindi sila humantong sa kamatayan.


BEEEP BEEEEEEP!


Nakarinig sila ng malakas na ingay ngunit hindi sila makagalaw.

Sa kabutihang palad, nagawang ihinto ng driver ang sasakyan bago nito mabangga ang mga bata. Bumaba siya at tiningnan sila upang siguraduhin na di sila nasaktan. Nalaman din niya na ang kariton na gawa sa kahoy ay naglalaman ng isang sanggol at nakayakap sa kanya ang kanyang ina. Di siya nagdalawang isip na tulungan ang magiina at kanyang inuwi upang alagaan.

Unang nagising ang ina at laking gulat niya sa kanyang nakikita. Siya ay nasa loob ng isang malaki at magandang silid na puno ng makintab at mamahaling kasangkapan.

Napalingon siya matapos niyang maramdamang may papalapit, kumuha siya ng vase at nagtago sa likod ng pinto. BAAM! Tinamaan niya ang ulo ng lalaki at nahimatay ito.

Namangha sa paraan ng pananamit at hitsura nito, mas nilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ng lalaki. Nang bigla itong nagising at nagkatinginan sila.

Hinawakan niya ang mukha nito at sinabing, "Mas maganda ka pala kapag gising ka."

"UWAAH!" Sigaw niya saka nagtago at isinara ang pinto. Sinusubukan ng lalaki na pigilan ang pagsara ng pinto ngunit tumama ang kanyang ilong dito.
"AW! Aray! Ang sakit!”

Pagkaraan ng ilang segundo, sumandal siya sa pinto at malumanay na nagsalita, “Alam kong natatakot ka, dahil ako ay isang estranghero at nasa lugar ka na hindi mo alam. Ngunit kung maaari ay huwag kang matakot? Hindi ako gagawa ng masama sa iyo at sa iyong mga anak. Ligtas sila.”

Lumiwanag ang mukha niya at bahagyang binuksan ang pinto. Ngumiti ang lalaki at sinabing, "Ihahatid kita sa kwarto nila."

Halos bumagsak ang kanyang mga luha nang makita ang kanyang mga anak na mahimbing na natutulog sa kabilang silid. Biglang nagising ang tatlong batang babae at sabay-sabay na yumakap sa kanilang ina.

Nagtatawanan habang tumatalon sa kama ang mga bata nang bumalik ang lalaki at tinawag sila. "Halika, kain na tayo mga bata!”



Maraming pagkain sa mesa, at ang tatlong batang babae ay patalon na umupo sa mga upuan at nagsimulang kumain gamit lamang ang kanilang mga kamay. Umubo ang kanilang ina upang kuhanin ang kanilang atensyonbat tinitigan sila na may halong nakakatakot na tingin sa kanyang mga mata.

Humalakhak ang lalaki. "Okay lang, maghugas lang muna kayo ng kamay at gumamit ng kutsara't tinidor."

Napatagilid ang ulo nila dahil di nila alam ang tinutukoy nito.

"Ito ay kutsara at ito naman ay tinidor," sabi niya habang nakaturo sa mga kagamitan.

Hindi rin nila alam kung paano gamitin ang mga ito kaya naman tumawa muli ang lalaki.

“Gamitin nyo nalang ang inyong mga kamay, kung gayon. Alam kong gutom na kayong lahat.”


"Sir Charles, ayaw pa pong lumabas ng anak niyo sa kwarto niya. At bahagya lang niyang ginalaw ang pagkain niya." Malungkot na sabi ng isang kasambahay sa kanya.

"Salamat, Manang." Nalungkot siya sa narinig.

"By the way, sorry kung hindi ako nagpakilala kanina. Ang pangalan ko ay Charles Andrei Martinez, maaari nyo akong tawaging Charles. Ang pangalan naman ng aking anak ay Liel Cedric. Medyo mahiyain siya at marahil ay nagluluksa pa rin sya sa pagkamatay ng kanyang ina tatlong buwan na ang nakakaraan, kaya pagpasensyahan nyo nalamang sya.”

Tumingin siya sa kanyang wristwatch at napansin niyang mahuhuli na siya sa kanyang trabaho.

"Got to go now! Itanong nyo na lang kay Manang kung may kailangan kayo, feel at home."

Bago pa man siya makalabas ay lumapit sa kanya ang ang nanay ng mga bata. Hinawakan niya ang mukha nito at nilapit hanggang sa magdikit ang kanilang mga noo. Ngumiti siya at sinabing, "Maraming salamat!"

Lumuhod si Charles sa harap ng mga bata at ganoon din ang ginawa nila.

"Salamat po!" masayang sabi nila.


__________________________________________________

Itutuloy sa susunod na parte ng kabanata!

---------------------------------------------------------------------------------

undefined

RAMBULAN 46 ENTRY (VILLAINOUS JULY)

Character Details: Queen Superbia

the Pride and Leader of the Deadly Sins

undefined

RAMBULAN 46 POSTER

Edited/Created by 

Benjamin Curbi Corporal Teleson

TenTenJOY03 Creator

A/N: Hello po sa mga readers! Nagbabalik po si TENTENJOY03 bilang Chlaos Kurusagi ang author ng nobelang ito na may titulong "ELEMENTALIA: Tale of the Elemental Guardians" ngayon ay may tagalog/taglish version na! Libre nyo na rin mababasa ang kabuan ng storya mula umpisa gang sa matapus ko ito sa bersyon na ito. Abangan ang mga bagong kabanata tuwing Rambulan o unang linggo ng buwan! 😊