Matapus umalis ni Charles…..
“Gusto ninyong tumulong sa paglilinis ng bahay?” tanong ni Manang.
“OPO!” sabay-sabay ni wika ng mga bata.
“Kung ganon, sundin niyo lamang ang sasabihin ko.” wika ni Manang.
Masayang sinunod ng mga bata ang mga iniutos ni Manang sa kanila.
“Sarah pakipunasan ang mga alikabok sa mga kasangkapan. Ikaw naman Peach maaari mo bang tulungan si Mr. Chef sa kusina at Joy tulungan mo naman si Manong Ben sa pag aayos ng mga kahon sa storage room.”
Maya-maya, halos tapos na si Sarah sa pag-aalis ng alikabok sa mga muwebles, pero gusto pa rin niyang linisin ang lahat ng gamit sa malaking cabinet, wall frames, at chandelier. Luminga-linga siya sa paligid ngunit wala siyang mahanap na makakatulong sa kanya na maabot ang mga ito. Wala nang ibang pagpipilian si Sarah kundi gamitin ang kanyang natatanging kapangyarihan: ang kakayahang lumutang sa ere.
Sa storage room…..
Ito ang dapat mong gawin, Joy. Pagsamahin mo lang lahat ng mga kahon na may parehong laki. Para naman sa mga kahon ng prutas mula sa taniman, itambak na lang ang mga ito malapit sa pasukan ng silid. Malapit nang dumating si Manong Ben, tutulungan ka niya sa mga mabibigat na kahon,” paliwanag ni Manang.
“Masusunod po!” Tugon ni Joy.
“Titignan ko lang ang ginagawa ni Sarah babalik din ako agad.” At iniwan na ni Manang si Joy upang gawin ang kanyang trabaho.
“Sobrang dali naman ng gawain na ito! Mas mahirao pa ang pinapagawa sakin ng mga taga-nayon kesa dito dahil mga higanteng bato ang binubuhat ko doon.” pagyayabang ni Joy sa sarili.
Sinimulan niyang buhatin ang malalaking kahon gamit ang isang kamay lamang na tila wala itong timbang. Sa kanyang pagpapatuloy, nakita ni Manong Ben si Joy at nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat.
“HA-HA-HALIMAW KAAAA! LU-LUMAYO KA SAKIN!! TULONG! TULUNGAN NIYO KO!!!” sigaw ni Manong Ben habang sinusubukan nyang tumakbo palayo Kay Joy.
"Manong, wag po kayong matakot sa akin! Hindi po ako halimaw. Teka!" Hinabol ni Joy si Manong Ben, ngunit natisod siya sa malaking tumpok ng mga kahon at nahulog ang mga ito sa kanya.
"Naku! Manong Ben!" sigaw ni Joy.
Samantala, bumalik si Manang sa loob ng bahay at nadatnan niya si Sarah na nakalutang sa hangin habang nililinis ang chandelier.
"Sa-Sarah! Lu-lumulutang ka!?" Sabi ni Manang bago hinimatay.
"Manang! Manang, ano pong nangyari sa inyo? TULONG! Tulungan niyo po kami!" sigaw ni Sarah.
Sa kusina...
"Naku! Naubusan na tayo ng kamatis!. Peach, pwede ka bang kumuha ng kamatis sa gulayan?" Sabay alis ni Peach gamit ang sobrang bilis na pagtakbo na kanyang kakaibang kakayahan. Natagpuan niya ang taniman ng gulay at pumitas ng mga kamatis pagkatapos ay bumalik sa kusina pagkaraan ng ilang segundo.
“Gusto ni Sir Charles ang mga prutas at gulay na bagong pitas kaya—“ hindi pa tapos magsalita si Mr. Chef nang iabot sa kanya ni Peach ang mga kamatis.
"Narito ang mga kamatis, Mr. Chef," sabi ni Peach.
"Napakabilis mo! Hindi pa nga ako tapos sa sinasabi ko," sabi ni Mr. Chef. Sinuri ni Mr. Chef ang iba pang sangkap at nalaman niyang kailangan pa niya ng ilang gulay. "Babalik ka ba at kumuha ng karot, patatas, at lettuce…..”
"Sige po." Tumakbo ulit si Peach ng sobrang bilis at naiwan si Mr. Chef na nakanganga ang bibig. Makalipas ang ilang segundo, mabilis itong bumalik pero natapilok si Peach at natamaan si Mr. Chef habang nagkatulala pa rin ito sa pagkagulat.
WA-AAAAHHH!" Nabasag ang mga plato at baso sa sahig. "Anong nangyayari dito?" tanong ni Mina. Laking gulat niya nang makitang magulo ang kusina habang si Peach naman ay humihikbi at si Mr. Chef naman ay nakahiga sa sahig na walang malay nang halos sabay na dumating sila Joy at Sarah sa kusina.
"Mama, hinimatay po si Manang!" Iyak ni Sarah.
"Mama, tulungan mo si Manong Ben. Nakabaon siya sa ilalim ng mga kahon!" pakiusap ni Joy.
"ANO?" sigaw ni Mina.
Maya-maya pa ay dumating na si Charles mula sa opisina at nakita niya ang tatlong bata na nakaupo sa sala at umiiyak.
Hi girls! May binili akong mga bagong damit para sa inyo... Oh, bakit kayo umiiyak?" tanong niya.
"Charles, kailangan mong malaman ang totoo," seryosong sabi ni Mina. Sumeryoso din ang ekspresyon ni Charles.
"Okay. Sabihin mo sa akin ang lahat ng kailangan kong malaman," wika niya.
“Ang katotohanan ay…. Hindi ako isang tao, dahil isa akong Diwata. At ang aking mga anak ay kalahating-diwata at kalahating tao. Pumunta kami dito mula sa nakaraan upang tumakas sa mga masasamang nilalang na nagnanais kami ay paslangin! At ang aking kabiyak..... Ang aking asawa ay namatay habang kami ay kanyang pinoprotektahan!" Kwento ni Mina habang tumutulo ang kanyang kuha mula sa kanyang mga mata.
>>>>>>> Katapusan ng Kabanata 1
INIHAHANDOG ANG LIKHA NA TAMPOK SA KASALUKUYANG POSTER NG RAMBULAN
Peach bilang isang Kapitan ng mga pirata. Guhit ni Jhay Raven at kulay ni Chlaos Kurusagi.
A/N: Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta at pagbasa sa nobelang "ELEMENTALIA: Tale of the Elemental Guardians" na likha ni TenTenJOY03 na ngayon ay kilala na bilang Chlaos Kurusagi. Bukod sa Tagalog na bersyon na ito ay libre nyo na rin mababasa ang kabuan ng storya mula umpisa gang sa matapus ko ito. Abangan ang mga bagong kabanata tuwing Rambulan o unang linggo ng buwan! 😊